"Kumusta? Natanggap ka ba?"
Tanong muli ni Alfonso sa ika-anim na pagkakataon na sumubok ako.
Hindi pa ako natatanggap kahit isang beses. Kaunti nalang ay susuko na ako sa pangarap kong ito. Mabuti nalang at matiyaga si Alfonso.
Sa lahat ng iyon ay kasama ko siya sa hirap ng pag-pila para lamang makapag-awdisyon ako. Malaki nga ang pasasalamat ko dahil kung wala siya ay hindi ko alam kung paano ko maitatawid ang lahat ng ito.
Kumibit-balikat ako. "Wala pang resulta. Tatawag na lang daw sa akin kung natanggap ako."
Tumango siya. "Hintayin nalang natin." Sabi niya at inakbayan ako.
"Kapag hindi ako natanggap, titigilan ko na siguro ito."
Agad naman siyang napalingon sa akin. "Bakit naman?"
"Hindi naman ako palaging natatanggap. Baka hindi talaga pag-momodelo ang para sa akin."
Kinurot niya ang aking ilong kaya't tiningnan ko siya nang masama. "Paano mo naman nasabi? Kung iyan talaga ang gusto mo, huwag kang susuko. Mag-hintay ka lang. Tiwala lang."
Ngumuso ako. "Hindi ka ba nag-sasawa na samahan ako? Halos isang buong araw ang nasasayang natin na oras dahil dito. Mabuti nga rin kung titigil na ako, e. Hindi ka na mabibilad sa araw." Pabiro kong sabi.
"Hindi ko naman nararamdaman ang init kapag kasama kita. At saka," Ipinag-lapat niya ang aming mga noo. "Basta't ikaw ang kasama ko, walang sayang na oras."
Kinurot ko ang kaniyang braso kaya't napalayo siya. "Bolero!"
Tumawa siya kaya't napangiti na rin ako. Ang gwapo talaga ng isang ito. Hindi siya nakakasawang silayan.
"Syempre, kailangan kong mag-papogi points. Gusto kitang ipakilala sa mga ka-banda ko pero baka naman mag-kagusto ka sa mga iyon. Dapat ako lang." Pag-ismid niya.
"Nako! Nako! Alfonsungit! Para lang sa kaalaman mo, para sa'yo lang itong dalawang mata ko. Hinding-hindi ito titingin sa iba!"
"Talaga?"
"Talaga!"
"Patingin nga!" Nag-titigan kami hanggang sa halikan niya ang aking ilong kaya't nag-tawanan kaming muli.
Kinabukasan, pagkatapos ng eskwela ay tumungo na nga kami roon. Isa itong gusali na mayroong maraming kwarto kung saan nakalagay ang iba't-ibang instrumento.
"Bakit gusto mo akong ipakilala sa mga ka-banda mo?" Tanong ko habang naka-buntot sa kaniya.
Tumigil siya at humarap sa akin. "Kahit kanino ipapakilala kita para malaman nilang syota kita." Nag-patuloy muli siya sa pag-lalakad. "Isa pa, madadalas ang praktis ko dahil papalapit na ang kompetisyon kaya dapat, kilalanin mo na rin sila. Ilang oras din ang itatambay mo para manood sa amin."
"Tuwing kailan ba ang praktis mo? Pagkatapos ng eskwela?" Tumango siya. "Edi sa iba nalang ako sasabay para umuwi." Hindi ko alam ngunit nakita kong kumunot ang noo niya. "Hindi mo naman ako kailangang bitbitin sa lahat ng kailangan mong gawin. Naiintindihan ko na may sarili kang buhay kaya huwag mo ako masyadong isipin-"
"Ayaw kong mahiwalay sa'yo." Nilingon niya akong muli. "Araw-araw itong praktis na ito hanggang sa araw ng kompetisyon. Dalawang buwan din iyon." Tiningnan niya ako nang nakabusangot.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?"
"Ayaw mo siguro akong kasama, 'no?"
"Hindi, ah!" Agad kong tanggi dahil baka mag-tampo siya. "Hindi naman sa ganoon, ano- ah, ayaw ko lang maging istorbo sa mga ensayo ninyo. Malay mo, ayaw ng mga kabanda mo na may ibang tao roon,"
YOU ARE READING
E-Heads Playlist #3: Magasin
Teen FictionMinsan ka na rin bang nabighani sa babaeng nasa unang pahina? KUMPLETO NA Ito ay isang maikling kwento. Wala itong kinalaman sa mga artistang gumawa ng musikang ito at tanging kathang-isip lamang ng manunulat. Maaaring may sariling kahuluguhan o kw...