V

21 0 0
                                    

"Ang galing ninyo!"

Sabi ko nang maka-tugtog sila hanggang sa chorus.

"Ayos!" Sabi ni Leorio nang makuntento rin sa kanilang pakakasabay-sabay.

Halos isang linggo na rin akong nasasama sa kanila kaya kahit papaano ay mas nakilala namin ang isa't-isa.

Kitang-kita ko kung paano sila nag-tutulungan para maging maganda ang kanilang musika.

"Pahinga muna! Baka mag-kulay ube na ang daliri ko," sabi ni Kristian na umiinom ngayon ng tubig.

Inalok ko naman si Alfonso ng sitsirya. Katabi lamang niya ako kaya't laking gulat ko nang ngumanga siya para subuan ko. Kaya naman niyang kumuha, nag-yayabang lang siguro kina Kristian. Sa huli ay sinubuan ko rin siya.

"Salamat, Alangot." Sabi ni Alfonso at kinurot ang aking ilong.

Nakipag-usap siya kina Leorio samantalang nag-tama naman ang mga mata namin ni Jacinto. Mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin, ah.

Nang kausapin ako ni Alfonso ay umiwas siya ng tingin. Kumunot ang noo ko sa kaniyang kilos kaya't natigilan si Alfonso para tingnan din kung saan ako nakatingin.

"Alana?" Tawag ni Alfonso na ikinalingon ko sa kaniya.

"Ha?"

"Anong ha? Tinitingnan ka ba nang masama ni Jacinto?"

"Hindi naman," sabi ko at tumango siya. Nag-patuloy sila sa kwentuhan at kinalaunan ay napasali na rin ako.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang nangyari. Nadadalas na kung mahuli ko si Jacinto na nakatingin sa akin. Iiwas lamang siya kapag tinatawag na ako ni Alfonso.

Patagal nang patagal ay nagiging interasado tuloy akong kilalanin siya. Baka kailangan niya rin ng kaibigan o kaya nama'y gustong magkaroon, nahihiya nga lang.

Mahirap kasi talagang makipag-sabayan sa kagaguhan ng tatlong ito. Kaya siguro mag-kakasundo sila.

Nang nangailangang bumili nila Alfonso ng string para sa kanilang gitara ay naiwan ako rito sa loob ng studio mag-isa. Hindi pa naman daw sila mag-sisimula dahil wala pa si Jacinto kaya't hanggang kaya pang lumabas ay lalabas muna sila. Hindi na ako sumama dahil bukod sa mag-lalakad lamang ay ayokong intindihin pa ako ni Alfonso habang maganda ang kwentuhan nilang tatlo.

Nang mainip dahil nag-isa lamang ako sa loob ay sinubukan ko ang mga instrumento roon. Kung ano-ano ang pinindot ko sa mga speaker at namamangha na lamang ako tuwing may mag-babagong tunog mula sa gitara. Hindi ako marunong mag-gitara kaya isang string lang ang pinapatunog ko.

Pagkatapos ay pumunta ako sa drumset. Wala pa naman si Jacinto kaya't buo ang loob ko.

Kinuha ko ang drum stick at sinubukan itong paluin gaya ng naikita kong ginagawa ng mga drummer. Kumukunot din noo ko, sinusuri kung para saan ang mga mukhang tungtungan sa ilalim.

Nang tungtungan ay halos lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng tunog. Ito pala ang ginagawa para mapatunog iyong bass!

Pinalo-palo ko rin ang mga simbalo. Pumipikit ang mata ko sa lakas nito.

"Dahan-dahan lang ang palo. Mukhang may galit ka ata sa simbalo," Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na boses.

"J-jacinto?" Ang galing! Ngayon ko lamang siya narinig mag-salita!

"Bakit ikaw lang ang narito? Nasaan sila Alfonso?"

Hindi ako makapag-salita nang maayos, hindi makapaniwalang kausap ko siya ngayon. "A-ah, bumibili sila ng string," tumango siya at lumapit sa akin. Pati ang pag-lalagay niya ng gamit sa likod ng drumset ay pinag-masdan ko. "Jacinto," Napatingin siya sa akin. "Wala. Namangha lang ako dahil ito ang unang beses na marinig ko ang boses mo."

E-Heads Playlist #3: MagasinWhere stories live. Discover now