VIII

28 0 2
                                    

"Galingan na natin, huling araw na ito ng praktis!" 

Sabi ni Alfonso habang inihahanda ang kaniyang gitara. 

Halos lahat kami ay kinakabahan at nasasabik para sa kanilang kompetisyon bukas. Handang-handa na sila at ilang rehearsal nalang ang kailangan. Mukhang perpekto na nga para sa akin. Kung maitatanghal nila ito nang maayos bukas sa entablado ay paniguradong panalo sila. 

"Isa pa," Sabi naman ni Jacinto nang mamali ng nota si Leorio. 

Naka-ilang ulit din sila dahil minsan nama'y nalilimutan ni Kristian ang kaniyang linya. Namamali rin si Jacinto paminsan-minsan, pati na rin si Alfonso. 

"Ayos lang iyan! May ilang oras pa naman kayo para mag-rehearse! Siguro'y tensyonado lamang kayo dahil unang beses ninyo ito. Relaks lang! Ako ulit ang bahala sa pares kapag nanalo kayo!" Sabi ko dahil mukhang nadidismaya sila sa kaunting pag-kakamali. 

"Pangako 'yan, Alangot, ha!" Ani Kristian. 

"Hoy! Bakit nakiki-Alangot ka?! At saka ang kapal ng mukha mo, hindi ka naman kasali sa ililibre! Halos ubusin mo ang sinaing doon sa Paresan!"

Sumimangot naman si Kristian. "Ikaw nga raw ang hindi kasama, e. 'Di ba, Alangot?" Patuloy na pang-aasar ng isa kaya naman muntik na siyang habulin ni Alfonso at mag-paikot ikot na naman sa loob ng studio. Palagi na lamang silang ganiyan. Makukulit at malilikot. 

"Makinig kayo sa akin! Walang pwedeng tumawag kay Alana ng mga itinatawag ko sa kaniya dahil sa amin lamang dalawa iyon. Malinaw?" Masungit na tanong ni Alfonso kaya naman kinurot ko ang kaniyang tagiliran. Ang sungit naman ng isang ito, sa kaniya lang naman ako. 

"Totoo pala ang sinasabi ninyo Kristian, seloso nga si Alfonso." Natatawang sabi ni Jacinto. 

Halos malukot ang mukha ni Alfonso. "Anong seloso?! Hindi ako nag-seselos. Ayaw ko lamang na may nakikisali sa amin-"

"Asus, ganoon na rin iyon. Oh, balik na pwesto, bibilang na ako." Sabi ni Jacinto habang pinupukpok ang hawak niyang mga istik. 

Hindi na nakasabat si Alfonso na mukhang aawayin pa si Jacinto kaya naman halos matumba sa katatawa ang dalawa pa. 

"Hindi naman ako seloso," naka-simangot na sabi ni Alfonso habang narito kami, naka-upo sa labas ng aming bahay habang umiinom ng palamig. Gabi na at hinatid na niya akong muli. Kinakabahan daw siya para bukas kaya tumambay muna siya rito sa labas namin. 

"Oo na, hindi na nga. Huwag mo nang ikunot ang mga noo mo," sabi ko at pilit ipinag-lalayo ang mag-kasalubong niyang mga kilay. 

"Ayaw ko lamang kasing may iba na tumatawag sa iyo ng Alangot. Ako ang gumawa ng palayaw na iyon, e. Ikaw ba, gusto mo bang may ibang babae na tumatawag sa aking Alfonsungit?" Umiling naman ako. "Hindi ba! Hindi ko talaga makuha kung ano pag-seselos doon. Palibhasa mga wala silang syota."

Natawa naman ako sa kaniyang mga sinasabi. "Masyado mo naman kasing iniisip. Hayaan mo na ang mga kaibigan mo. Kilala mo naman sila, ganoon lamang talaga."

"Masyado kasing bwisit iyang si Kristian-"

"Shh." Hindi na niya natuloy dahil tinakpan ko na ang kaniyang bibig. "Noong una ay si Jacinto. Ngayon naman ay si Kristian. Pabayaan mo na iyon at alam naman nating nag-bibiro lamang,"

Ngumuso siya. "Ah, basta. Ayokong tinatawag ka nila ng ganoon."

Pinag-masdan ko ang mukha niyang naka-simangot pa rin. Napangiti ako dahil aking naiisip na ang swerte ko sa kaniya. Kahit hindi niya gaanong sinasabi ay palagi ko namang nararamdaman ang pag-mamahal niya sa akin. Kahit mainitin ang ulo niya ay mas madalas naman niya akong napapangiti. 

E-Heads Playlist #3: MagasinWhere stories live. Discover now