Krista San Jose
"Tara na, Krista."
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok dito sa loob ng restaurant. May nag-guide sa amin na crew papunta sa table.
Napaka-cozy ng ambiance. Hindi ito mumurahing restaurant. Inabot na sa amin ang menu. Pagbuklat ko gusto kong himatayin sa presyo. Steak! Nasa seven thousand pesos?! Lahat ng nasa menu ay libo ang halaga.
"Max, nahihibang ka na ba?"bulong ko.
"Huwag kang maingay baka mahalata nilang pulubi tayo."natatawang bulong din niya.
Walangya talaga to! Baka mamaya ipasubo ako nito, wala pa naman akong dalang malaking cash.
"Ako na ang pumili para sa atin. Alam ko naman ang mga type mong food, eh."
Tumango ako. Ilang minuto din kaming naghintay at dumating na ang in-order niya.
Wagyu beef steak at may red wine.
"Ganito ka ba kapag kumakain kayo sa labas ng mga naging gf mo?"
Umiling siya.
"Sa mga fast food restaurant ko lang sila dinadala o kaya sa mga mumurahing restaurant. Kaya nga lagi silang nagrereklamo na kesyo hindi masarap blah blah blah."
Natatawa ako sa kanya. Aware naman ako na karamihan o baka nga lahat ng naging Ex niya ay mayayaman. Eh, above minimum lang naman ang sweldo naming dalawa. Kaya nga nakakapagtaka na dinala niya ako rito. Kinakabahan tuloy ako baka mamaya maghugas kami ng plato rito.
Nagsimula na kaming kumain, ngayon lang ako nakakain ng steak na ganito kasarap at sobrang lambot. Natutunaw sa loob ng bibig. Uminom rin ako ng red wine, napakasarap.
Tahimik lang siya habang kumakain. Minsan nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin pero hindi siya umiimik. Minsan tinititigan ko rin siya, hindi ko alam kung napapansin niya.
"Max."
"Mhm?"
"Ang sarap nito."
"Talaga?"napangiti siya.
"Oo, sobra."
"Ubusin na natin yong bonus na natanggap ko. Ipangkain na natin lahat."
"Sira ka talaga."
Nag-enjoy ako at hindi pa natatapos dito, nagserve pa sila ng dessert. Iba talaga kapag fine dining. Kahit napakaliit ng serving ay mabubusog ka dahil sa sarap nito.
"At dahil pinagbawalan mo akong mag-girlfriend lagi mo akong sasamahan sa mga lakad ko at kapag gusto kong kumain sa labas."
"Ano ka! Swerte mo naman."
"Dapat lang. Isang buwan mo akong sasamahan."
Walangyang to! Akala ko panalo na ako sa pustahan mukhang ako naman ngayon ang nabalingan.
"Basta wala kaming lakad ni Barry."
Nabanggit ko lang ang pangalan ng boyfriend ko hindi na naman maipinta ang mukha niya. Pareho nilang ayaw ang isa't-isa.
Pagkatapos namin kumain ay hiningi na niya ang bill, pagbalik ng crew ay inabot niya ang card niya. Hinintay lang namin na masettle ang payment saka kami lumabas ng restaurant at naghihintay pa pala sa amin yong sinakyan namin kanina.
"Dito ulit tayo sasakay, Max?"
"Yes, kaya pumasok na tayo."
Binuksan niya ang pinto at nauna na akong pumasok, sumunod naman siya. Habang nasa byahe kami ay may nareceived akong message mula kay Barry. Akala ko busy siya, nasa labas daw siya ng apartment ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/326637734-288-k441740.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Of A Heartless (GXG) ✔
Romance[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story