Chapter 34

5K 159 24
                                    

Krista San Jose

📍Manila

Ilang araw bago ganapin ang prelimernary hearing sa prosecutor's office ay nakabalik na kami rito sa bahay ni Max. Pumapasok na rin ako sa trabaho ko. Masaya ang long vacation namin sa Isabela, mas nakikila ko siya. Marami akong nadiskubre tungkol sa pagkatao niya at ang lahat ng iyon ay tinanggap ko dahil mahalaga siya sa akin. At tutulungan ko siya na ma-overcome ang pinagdadaanan niyang trauma.

Galing akong trabaho, half-day lang ang pasok dahil special holiday pero late na ako nakauwi 2PM na ngayon. Naabutan ko siya na nagluluto ng pananghalian. Iyan naman ang nakakatuwa sa kanya, at amoy pa lang ay mukhang masarap na ang niluluto niya. Kapag ako ang nagluto magrereklamo siya na hindi masarap. Kahit alam niyang mapipikon ako ay aasarin talaga niya ako.

"Hi Max, sorry late na ako nakauwi, natraffic ako."

"It's okay, late na rin ako nakapagluto dahil naglinis ako ng bahay at bakuran. Tsaka nilinis ko yong mga sasakyan natin."

Napakasipag niya, dinaig pa ako. Siya ang mahilig maglinis ng bahay at magluto. Saka mo lang talaga makikilala ang isang tao kapag nagsama na kayo sa iisang bubong.

Humalik ako sa labi niya dahil natuwa ako sa ginawa niya.

"Patikim nga niyan."saad ko.

"Ang alin? Itong niluluto ko o ako ang gusto mong tikman?"

Natatawa ako sa sinabi niya. Seryoso pa naman ako sa sinabi ko kaya hindi ko napigil ang tawa ko.

"Sige, ikaw muna ang titikman ko."saad ko saka ko kinagat ang braso niya.

"Ah-ah-ah-araaaay!"reklamo niya dahil pinanggigilan ko siya.

"Yummy ka naman pala, eh. Is pa ngang kagat, sa balikat naman."

"No, ayoko. Masakit ka kumagat. Grabe ka talaga, Krista. Minsan ka lang manggigil pero napakasakit argh!" Alam kong gaganti siya kaya agad akong umatras. Hindi ko mapigil ang tawa ko dahil sa maloloko niyang ngiti. Pero nahuli pa rin niya ako, kinabig niya ako at siniil ng halik sa mga labi ko. Dahil sa ginawa niya ay pareho kaming kumalma. Tinanggap ko ang masusuyo niyang mga halik. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pareho kaming nakangiti. "....ready na ang food in five minutes."

"Okay, aakyat lang ako para magpalit."

"Sure."

Nakangiti pa rin ako nang umakyat ako dito sa hagdan at nang matanaw ko siya sa may kusina ay hindi rin nawawala ang mga ngiti sa labi niya. Ganito pala ma-in love sa kaibigan, parang mas masarap at mas masaya sa pakiramdam.

Nagbihis muna ako ng pangbahay, pagbaba ko ay nakahanda na ang mga pagkain. Kaya sinaluhan ko na siya dito sa dining table. Dalawang potahe ang hinanda niya, giniling na pork at chopsuey. Ibang klase itong chopsuey niya dahil white ang sauce, hindi siya yong tipikal na niluto lang sa toyo. Para itong may gatas, napakasarap ng lasa. Ngayon ko lang natikman 'to.

"Max, masarap ka talaga magluto 'no?"

"Syempre naman. Talagang sinasarapan ko para sayo, para hindi mo ako iwanan."

"Aysuuuus, baliktad ata? Ikaw kaya yong nangiiwan ng babae."

"Noon yon, nong hindi mo pa ako pinapansin kahit nagpapapansin na ako sayo."

"Ganon? Kelan ka naman nagpapansin. Alam ko lagi mo lang akong inaasar."

"Iyon na nga yon, inaasar kita para pansinin mo ako palagi."

Nag-iinit ang mga pisngi ko. Hindi ko inaasahang makakaramdam ako ng kilig at masarap ito sa pakiramdam. Sino ba kasing mag-aakala na magiging kami nito. Siguro kung kasama ko pa siya sa trabaho specifically sa department baka hindi ko marealize na possible pala na ma-in love sa kanya.

Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon