Chapter 20

4K 177 10
                                    




Krista San Jose

"Krista, anong ibig sabihin nito bakit ka pumayag na halikan kita? May aaminin ka ba sa akin?" Napalinga-linga ako. May mga tao pa rin sa paligid. Ano ba naman kasi 'tong si Max.

"Krista..."

"Ha? Bakit?"

"May aaminin ka ba sa akin?" Hindi ko alam kung bakit nga ba ako pumayag na magpahalik at dito pa sa lugar na maraming tao.

"Uuwi na ako. Gabi na may pasok pa ako bukas."saad ko. Umiiwas ako sa tanong niya dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko.

"Sabay na tayo. Ihahatid kita."

"H-hindi na kasi nakainom ka."

"Okay lang, huwag mo isipin. Andiyan yong driver ko siya ang maghahatid sa atin."

"Driver mo? Bakit? May bago ka na bang trabaho? Manager ka na ba?"

Napangiti siya. Sa wakas ngumiti rin siya. Miss na miss ko na ang mga ngiti niya. Nakakainis talaga ang taong 'to! Sabi ko pa naman hindi na ako iimik at kalilimutan ko na siya pero eto na naman ako.

"Hindi, wala akong trabaho tambay ako ngayon kasi nagmo-move on pa ako sayo. Hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko kaya ayon, nagmumukmok ako."

"Sira ka talaga. May pera ka pa ba? Pwede kitang pahiramin kung wala kang source of income ngayon." Kahit ganyan siya, hindi nawawala ang pag-aalala ko sa kanya. Ang tagal naming naging magkaibigan kaya napakahirap sa akin na maging okay agad. Naiiyak ako sa loob-loob ko pero pinipigilan ko dahil kailangan kong maging strong para sa sarili ko.

"Papahiramin mo ba ako kapag nanghiram ako ng one million?"

"Max, mukha ba akong milyonarya? Pero kung pangkain at pangbayad ng apartment kaya kitang pahiramin."

"Akala ko ba, iiwasan mo na ako? Kapag pinautang mo ako at hindi ako nagbayad, hindi mo ako makakalimutan. Ikaw din."

Napapatawa na naman niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at may humintong kotse sa harapan namin. Parang ito yong grab taxi na sinakyan namin noong kumain kami sa mamahaling restaurant.

"Ahm, hindi ba ito yong grab taxi na sinakyan natin noon?"

"Oo, inarkila ko ulit. Halika na." Sumakay na kami. Ang bango talaga dito sa loob. Pangmayaman ang amoy. Paano kaya niya naa-afford ang magrent ng ganito kagarang sasakyan?

"Gusto mo bang sumama muna sa place ko?"

"Sa apartment mo?"

"No, hindi doon. Umalis na ako roon mula pa nong araw na binasted mo ako. Nalulungkot kasi ako kapag naaalala ko yong mga memories natin sa dati kong apartment kaya umalis agad ako." Hindi ba siya nahihiya na may nakakarinig sa kanya na driver? Baka isipin pa ni Kuya, na ang haba ng hair ko.

"May bago kang tirahan?"

"Oo, kaya dadalhin muna kita roon. Ipapahatid na lang kita bukas sa apartment mo kung papayag?"

"Sige, sasama ako sayo." Pumayag na ako. Hindi ko talaga siya matanggihan kahit naiinis ako sa ugali niya.

At madalas kapag galit ako sa kanya kapag kinausap niya ako nawawala agad yong inis ko at gumagaan ang loob ko. Ganon naman ang ugali ko pagdating sa kanya.

Sumandal siya sa backrest ng upuan saka humilig sa balikat ko. Mukhang inaantok siya, nakapikit siya habang ang kamay niya ay nakayapos sa bewang ko. Ganyan ang tipikal na Max hihilig sa balikat ko, tapos gagawin niya yong gusto niya, na kahit umangal ako ipipilit niya tapos aasarin niya ako. At mas komportable ang pakiramdam ko kapag magkasama kaming dalawa.

Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon