Maxine Genares
"Krista, bakit hindi ka na lang dito sa apartment ko tumira? Libre naman eh. Kesa naman don ka sa apartment mo baka mamaya bumalik si Barry ano pang gawin sayo."
"Wala kang privacy kapag sumiksik ako dito."
"Okay lang, ang iniisip ko yong kaligtasan mo."
"Huwag mo akong intindihin. Okay lang ako."
"Huwag mo sabihin sa akin na babalikan mo pa si Barry?"
Halatang natigilan siya sa tanong ko.
".....Krista, ayaw ko sa kanya r*pist yon."
"Ikaw nga heartbreaker, eh."
"Puso lang ang winawasak ko, siya iba ang winawasak niya."
Natatawa siya pero seryoso ako. Ayoko talaga kay Barry para sa kanya.
"Krista ako na lang..."
Napatitig siya sa mga mata ko.
"Anong ikaw na lang?"
"Ah ako na lang ang maghugas ng plato."
Napangiti siya.
"Sige, yon lang pala."
"Syempre bisita kita. Ako na bahala rito."
Ako na lang sana ang ibigin mo.
Naghuhugas na ako ng mga plato na pinagkainan namin ngayong hapunan, habang andito siya sa tabi ko. Pinagmamasdan niya ang ginagawa ko.
"Alam mo Max, kung mahahanap mo lang yong taong para sayo. Swerte rin niya kasi mabait ka, masipag ka pa."
"Talaga?"
Tumango siya.
Napabuntong hininga ako. Umaasa siya na mahahanap ko pa rin ang taong para sa akin, hindi niya alam siya mismo yong taong gusto ko.
"Kapag nahanap ko yong taong yon papayag ka na ba na ikaw ang maghahatid sa akin sa altar?"
"Pag-iisipan ko pa."Nakangiting sagot niya.
"Maximo!"
Pareho kaming napatingin ni Krista sa pintuan.
"Mart?! Anong ginagawa mo rito?"tanong ko at nakatitig siya kay Krista.
"May bisita ka pala na maganda. Napadaan lang ako rito."
"Krista, si Mart nga pala kaibigan ko."
"Hi, Krista."
"Hi, Mart."
Nagshake hands sila.
"Madami ka palang kaibigan Max?"
"Si Maki at si Mart tapos ikaw."sagot ko.
Bumaling ako kay Mart, si Krista naman ang nagpatuloy ng ginagawa kong paghuhugas ng plato.
"Bakit ka nandito?"
"Ibinahay mo na pala."
"Sira! Hindi 'no. Inimbitahan ko lang siya rito."
"Nag-away daw kayo ni Maki?"
"Ah Oo, nagkapikunan lang kami."
Ngumuso siya sa direksyon ni Krista.
"Ganda ah, kaya pala nagkakaganyan ka."
"Upo ka muna. Ano gusto mo?"
"Juice na lang."sagot niya. Ipinagtimpla ko siya ng Juice.

BINABASA MO ANG
Love Of A Heartless (GXG) ✔
Roman d'amour[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story