Krista San Jose
Natulog kagabi sa apartment ko si Max at kasabay ko siyang pumasok sa trabaho ngayon. Habang nasa elevator kami ay tinanong ko siya.
"Max, tuloy ba ang pag-alis mo ng company?"
"Ahm, forty-sixty."seryosong sagot niya.
"Ano yong sixty?"
"Sixty percent, sure."
"Ganon ba?"
"Yes."
Hanggang ngayon nararamdaman ko yong kakaibang lungkot kapag binabanggit niya na aalis siya. Hanggang sa huminto rito sa 8th floor ang elevator.
"Goodluck sa work, Krista."
"Sayo rin."
Lumabas na ako at hinintay na magsara ang elevator. Ngumiti siya sa akin hanggang sa tuluyang magsara ang elevator. Nakatingin ako sa floor indicator at lumabas ang number eleven. Nasa 11th floor na siya kaya naglakad na ako papuntang office namin.
Dati madalas ko siyang nakakasabay na maglakad dito sa hallway at sabay kaming uupo sa desk namin, lalo na kapag nag sleep over siya sa apartment ko. Ngayon, mag isa ko na lang.
Umupo na ako at napatingin dito sa bakanteng upuan na katabi ko. Dati ito ang pwesto niya pero ngayon ibang tao na ang umuupo diyan. Hanggang ngayon mabigat pa rin ang loob ko. Namimiss ko pa rin yong makulit na Max na nang-aagaw minsan ng ballpen o kaya yuyugyugin ang kamay ko para lang makuha niya ang atensyon ko.
Napatingin ako sa CCTV camera na malapit sa akin. Hindi ko alam kung totoong pinagmamasdan niya ako. Pero kung nakikita man niya ako ngayon gusto kong iparating sa kanya na nasasaktan pa rin ako na wala siya rito sa tabi ko.
"Good morning, Krista."
"Max..."
"Anong Max? Ako to si Nadia."
"Ay sorry, good morning Nadia."
Sa sobrang pagiisip ko natatawag ko nang Max si Nadia.
"Miss mo si Maxine?"
"Ha? Ah hindi, kasama ko siya kanina."
Natatawa siya sa akin.
Pagpatak ng 8AM nagsimula na ako sa trabaho ko. Lagi na lang kasi sumisiksik sa isip ko si Max.
...
PAGDATING ng lunch time niyaya na ako ni Lorin na kumain sa canteen. Si Nadia kasi may baon at sasabay daw siyang kumain sa iba naming ka-opisina. Madalas silang dalawa na ang nakakasama ko mula nong lumipat sa ibang department si Max.
After namin maglunch ni Lorin bumili na rin kami ng kape dito sa vendo machine. Bumili rin ako ng ensaymada para kay Max.
Nandito na kami sa lobby nong magpaalam ulit si Lorin.
"Krista, wait mo ako dito. May bibilhin lang ako sa convenience store."
"Okay."
Sa di kalayuan nakita ko naman si Max na lumabas ng elevator.
"Max!"tinawag ko siya at kinawayan.
Lumapit agad siya sa akin.
"Krista, galing akong 8th floor nandito ka na pala."
"Ahh Oo, katatapos namin maglunch ni Lorin."
"Ahh, ang aga naman. Sige lunch na rin ako."
"Ah Max!"bago pa siya makalayo tinawag ko ulit siya. Naalala ko may binili ako para sa kanya."Binili kita ng ensaymada."
BINABASA MO ANG
Love Of A Heartless (GXG) ✔
Romantiek[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story