Chapter 18

3.9K 178 13
                                    




Krista San Jose

Dito ulit matutulog ang matampuhing bata. Hindi man niya sabihin ang dahilan kung bakit siya lumipat ng department may kutob ako na dahil iyon kay Barry.

Laging mainit ang dugo niya sa taong iyon. Mabanggit ko lang ang pangalan ni Barry noon biglang nagbabago ang mood niya at madalas siyang umiiwas sakin.

Pero ini-ignore ko ang mga signs na ipinapakita siya sakin dahil ayokong mag-assume. At sobra akong naguguluhan dahil iba ang sinasabi niya sa pinaparamdam niya sakin.

Ayokong magtampo siya ulit baka sa susunod aalis na lang siya ng company ng walang paalam. Siguradong masasaktan na naman ako kapag nangyari iyon.

"Krista, matulog ka na. Para bumalik na yong lakas mo."

"Okay, Ikaw din."

Mas okay na ang pakiramdam ko ngayon kesa nong nagdaang dalawang araw.

Nasa tabi ko siya at nakapikit na. Kahit siya kailangan niyang bumawi ng lakas, siya kasi ang naghahanda ng mga pagkain ko nong may lagnat ako, inaasikaso niya ako. Kaya naging masmadali sa akin ang magpagaling.

Tulog na ba siya? Pinagmamasdan ko siya habang nakapikit saka ko hinaplos ang noo niya.

Alam mo bang mas pinili kita kesa kay Barry, dahil ramdam ko na siya ang dahilan nang pag-iwas mo sa akin. Mas pinili kong manatili ka sa tabi ko. Minsan nagkukunwari ako na hindi alam ang mga nangyayari.

Hindi ko kasi alam kung ano ang totoo sa hindi. Dahil lagi kang nagbibiro. Lagi mo akong inaasar. Gusto mong magkunwari  at maging tayo sa loob ng dalawang buwan. Pero ayoko ng ganon, gusto ko ng panghabang-buhay na relasyon.

Ipinikit ko na ang mga mata ko pero hindi agad ako nakatulog, dumaan ang isa o dalawang oras bago ako nakatulog. Pero hindi pa ganon kalalim ang tulog ko nong maramdaman kong may dumampi sa labi ko. Malambot at mainit.

Bahagya kong iminulat ang mga mata ko.

Max....

Inaangkin niya ang mga labi ko. Sa simula ay parang gusto kong umiwas pero napapaso ang labi ko dahil sa init ng mga halik niya at hindi ko magawang tumanggi.

Hinahayaan kong angkinin niya ang labi ko at pinipigilan ko ang sarili ko na tumugon sa mainit niyang halik. Ayokong isipin niya na gising ako. Malapit na akong bumigay at gumanti sa mga halik niya. Pero nagpipigil ako at muntikan ko nang mahaplos ang likod niya dahil nadadala ako ng mainit niyang halik.

Bahagyang nakabuka ang bibig ko at hinahayaan ko siyang halikan ako. Hanggang sa tumigil siya at tumalikod.

Naiwan akong hinihingal. Halos hindi ako nakatulog dahil sa halik na yon. Hindi ko alam kung ilang beses na niya akong ninakawan ng halik dahil ngayon lang ako nagising na hinahalikan niya ako ng ganon katagal.

Nakatulog ako saglit at paggising ko ay nakabangon na siya. Normal lang ang kilos niya. Pero hindi niya ako tinitingnan sa mata.

Hanggang sa makapasok kami sa trabaho ay wala siyang binabanggit tungkol sa halik na iyon. Pagdating ng lunch hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ako dito sa desk ko, may dala siyang pagkain at umupo siya dito sa tabi ko.

"Krista, naisip ko mas okay na hindi ka masyadong nagkikilos baka mahilo ka. Kagagaling mo lang sa sakit kaya nagdala na ko  rito ng pagkain."

"Okay na ako. Wala na akong sakit. Salamat dito sa food."

Mukhang wala siyang balak na sabihin tungkol sa ginawa niyang paghalik sakin. Huwag niyang sabihin na hindi niya alam yong ginawa niya?

Habang binubuksan niya ang styro na may lamang pagkain ay inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at saka ko hinalikan ang pisngi niya.

Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon