Maxine Genares
Pagkatapos naming kumain ng agahan ay niyaya ko si Krista na pumunta sa ilog na nasa paanan ng bundok. Excited din naman siya. Naglalakad na kami habang dala-dala ang ibang gamit at inumin.
"Max, kung pag-aari mo ang palayan at gulayan sa paanan ng bundok, ibig ba sabihin kumikita ka rito?"
"Oo naman."
"Talaga? Paano ka kumikita sa pagtatanim kung wala ka naman dito?"
"Binibigyan ko sila Tatay Bert ng puhunan na kalahating million every crop. After ng harvest ibabalik nila sa akin ng buo yong pera tapos yong excess ay paghahatian namin. For example kumita kami ng one million sa ani ng palay at mga gulay. Yong kalahating milyon ibabalik sa akin at yong natitirang kalahating milyon ay paghahatian namin. Every four months yon. So sa loob ng isang taon pwede akong kumita ng five hundred thousand hanggang isang million, depende sa buying rate ng mga palay at gulay."
"Wow, pinapahanga mo naman ako. Ikaw ba talaga yan? Akala ko isa ka lang pasaway na empleyado noon."
Natatawa ako kay Krista.
"....paano kung hindi i-declare nila Mang Bert yong totoong ani? Hindi ka ba natatakot na ganon kalaki ang binibitawan mong pera?"
"That's why I have my own lawyer. Lahat ng transaction ay nakasulat sa papel. Isa pa, projected ko na ang expenses at income ng lupain dito. Kapag binagyo, mababa talaga ang kita at kapag maganda ang panahon, jackpot. Kaya hindi ko problema ang sweldo ko noon kahit mababa dahil ini-invest ko yong iniwang pera ng mga magulang ko."
"Wow! Alam mo, isa lang ang hindi ko hahangaan sayo, Max. Ang pagiging heartbreaker mo pero sa ibang bagay----"
Bigla ko siyang dinampian ng halik sa labi niya kaya natigilan siya.
"Hindi na po ako heartbreaker mula nang maging tayo dahil hindi ko gugustuhing saktan ka."
"Sana nga."sagot niya.
"Totoo ayokong saktan ka."
Inakbayan ko siya at tumuloy kami rito sa tabing ilog. Pagkarating namin dito ay napakapresko, mga huni ng mga ibon at agos ng tubig ang maririnig mo.
"....Krista, malamig ang tubig dito sa ilog dahil nanggagaling pa sa bundok."
Sa bandang ibaba ng ilog ay may mga batang naliligo rin. Pero pag aari na ang lupaing iyon ng ibang pamilya. Tanda ko pa rin ang lahat dito dahil lagi namin itong napapasyalan noon.
Maya-maya lang ay may paparating.
"Ma'am Maxine, ito po yong pinabili niyong karne. May timpla na po yang karne kaya kahit hindi niyo na lagyan ng pangpalasa."si Ondo. Tauhan din dito sa lupain, pamangkin siya nila Mang Bert at Aling Minda.
"Salamat, Ondo. Yong ibang karne iuwi mo na sa bahay niyo."
"Salamat po Ma'am."
Umalis din siya agad.
"Maxine pala ang tawag nila sayo rito?"
Nagtatalop na siya ng hilaw na mangga saka niya isinasawsaw sa asin.
"Nakasanayan nila na tawagin ako sa first name ko. Pero ikaw hindi mo ako pwedeng tawagin ng ganyan dahil ayoko."
Natatawa siya. Alam niya kung kailan ako aasarin, naiinis kasi ako kapag tinatawag niya akong Maxine.
Nagsindi na ako ng posporo at pinabaga ang mga uling na dala ko, saka ako nag-ihaw ng karne. Maninipis lang ang hiwa nito kaya madaling maluto.
"Maligo ka na Krista. Mag iingat ka lang dahil madulas ang mga bato. Diyan ka lang sa mababaw."
BINABASA MO ANG
Love Of A Heartless (GXG) ✔
Romance[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story