Chapter 25

5.1K 184 10
                                    




Krista San Jose

Panibagong araw, nandito na ako sa trabaho. Naka-upo ako ngayon dito sa swivel chair habang nakaharap sa screen ng computer. Sa ngayon on-going ang kaso na isinampa namin laban kay Barry. Disidido ako na ipakulong siya, sa tulong ni Max at ng abogado niya.

At habang wala pa akong nakukuha na bagong apartment ay sa bahay muna ni Max ako titira. Ang totoo mas safe ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Hindi ko akalain na sa kabila ng mga nangyayari ay magbubukas ang pintuan para sa isang kaganapan sa buhay naming dalawa at kapag naaalala ko kung paano ko siya sinagot ay napapangiti ako.

"Aba nakangiti na naman siya, oh."

Napatingala ako.

"Ay Ikaw pala, Nadia." ngumiti ako sa kanya. Kararating niya dito sa office.

"Every morning nakangiti ka na. Hulaan ko si Maxine ang iniisip mo, tama ba?" ngumiti rin siya.

"Huh ah, hindi naman pero ano ahm o-okay kaming dalawa."nauutal na sagot ko. Hindi siya nagkomento, ngumiti lang siya. Ang hirap naman kasi itago ang nararamdaman lalo na kapag masaya ka. Sa totoo lang mas masaya ako ngayon na naging magkasintahan na kami ni Max. Takot kasi ako noon na lumayo siya at iwanan ako mag-isa. Siguro naman hindi na niya maiisipang lumayo sa akin lalo na magkasintahan na kami.

Sana nga hindi niya gawin iyon sa akin.

Bago kami magsimula sa trabaho ay pinatawag kami sa conference room, ipapakilala raw yong bagong boss namin. Nagresigned na kasi yong dating boss namin na si Sir Henry, mabait pa naman yon.

"Good morning, everyone I'm Clarence Lago, galing ako sa branch at natransfer dito sa head office. Starting today ako na ang hahawak ng Admin department at magiging under ko na kayong lahat." Mukhang nasa early fifties ang bago naming boss. At medyo may katapangan ang mukha.

"Welcome, Sir."bati naming lahat.

"Thank you, at siya nga pala nareview ko na ang mga performance niyo. Nasaan si Krista?"

"Sir." nagtaas ako ng kamay.

"Hindi ba, hawak mo ang mga supplies?"

"Yes Sir." Bigla na lang akong kinabahan.

"Napakalaki ng expenses monthly sa mga supplies, alam mo ba ang ibig sabihin ng cost cutting, hija?"

"Opo, Sir."

"Alam mo pala, eh. Hindi ka ba marunong mag-budget ng maayos para sa mga branches at mga departments? Example, hindi por que nagrequest ang branch ng forty pieces na ballpen ay ibibigay mo agad. Isipin mo nga kung anong gagawin nila sa forty pieces na ballpen sa loob ng isang buwan? Gamitin mo naman yang utak mo Krista. Mag-a lot ka lang ng twenty pcs na ballpen per month at sabihan mo sila na magtipid! So, this month dapat mabawasan ang expense sa supplies nang atleast thirty percent. Okay?"

"Noted Sir." Ang aga naman sermon agad ang inabot ko. Ako lang naman ang nagiisang ipinahiya niya sa department namin. Ang swerte ko naman talaga ngayong araw na ito. Ngayon lang ako napahiya ng ganito.

Paglabas namin ng conference room ay bumalik na ako dito sa desk ko at nagsimulang magtrabaho. Problemado tuloy ako kung paano ako magbu-budget ng supplies, big branch lang naman ang nagrerequest ng ganong karaming ballpen dahil napakarami nilang customers araw-araw. Kapag kulang ang naibigay ko sa mga branches na supplies ako naman ang inaaway nila.

...

KALALABAS ko lang ng trabaho nong makita ko ang isang pamilyar na itim na sasakyan. Binaba nito ang bintana at bumungad ang mukha ni Max. Kinawayan niya ako kaya agad akong lumapit sa kanya.

Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon