Chapter 19

4.5K 194 14
                                    




Krista San Jose

Naku-konsensya tuloy ako dahil may sakit si Max noong araw na nagtapat siya sa akin tapos ganon pa ang sinabi ko sa kanya.

Nakasubsob ako dito sa desk ko. Wala akong gana sa lahat. Ilang araw na ang lumipas mula nong umamin siya ng nararamdaman niya para sa akin. Pero paano ko ba siya mapagbibigyan? Kilala ko siyang heartbreaker. Baka saktan din niya ako katulad ng mga naging babae niya.

Baka nga hinuli lang niya ako sa mga babaeng sasaktan niya. Kung kaibigan lang, walang problema, mabuti siyang kaibigan para sa akin.

"Krista, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik. Malapit na mag eight AM."si Nadia.

"Okay lang ako. Napuyat kasi ako."

Inayos ko ang upo ko dahil magsisimula na kaming magtrabaho. Hindi ko mapigilang mapatingin sa CCTV Camera. Pinapanood pa kaya ako ni Max? Baka hindi na.

"Kaya naman pala mukha kang malungkot at walang ganang magtrabaho. Siya nga pala, nakausap ko yong mga kaibigan ko sa Monitoring Department mukhang magre-resign na si Maxine."

Natigilan ako sa narinig ko. Magre-resign agad? Akala ko ilang buwan pa bago siya aalis ng company.

Natahimik ako bigla. Pero hindi na ito bago sa akin, ganito rin ang ginawa niya noon. Bigla siyang lumipat ng department nang walang paalam. Uulitin na naman niya ngayon. Pero sa pagkakataon na ito mas matindi dahil resignation na ang gagawin niya.

Ang sakit mawalan ng kaibigan. Yong kaibigan na alam mong nandiyan lagi para sayo. Mukhang hindi na talaga maisasalba pa ang friendship naming dalawa, lalo na tinanggihan ko ang inaalok niyang pagmamahal. Ang bigat sa dibdib. Yong taong inaasahan ko na mananatili sa tabi ko habang buhay ngayon iiwan na ako. Palihim akong nagpapahid ng luha habang hindi nakatingin si Nadia.

Masakit sa kalooban ko ang nangyayari sa amin ni Max, okay naman kami dati pero ngayon magulo na.

Hindi na ba niya pinapahalagahan ang pagkakaibigan namin kaya nagagawa niya sa akin ito?

Mahal ba talaga niya ako o talagang gusto lang niya akong saktan?

"Krista, okay ka lang ba talaga? Ahm, pwede kang mag-open sa akin, makikinig ako sayo."

"Okay lang ako, Nadia."

Ayokong makita niya na namumula ang mga mata ko. Lagi na lang si Max ang dahilan ng kalungkutan ko. Masyado akong nagtiwala na hindi niya ako iiwanan bilang kaibigan.

Mula pa noon hindi ko hinayaan ang sarili ko na makipagkaibigan sa iba, dahil para sa akin sapat na si Max sa buhay ko. Mali pala, hindi ko dapat nilimitahan ang sarili ko sa isang tao lamang, na hindi naman pala niya kayang pahalagahan ang pagkakaibigan naming dalawa.

Ngayon maiiwan akong mag-isa. Wala ni isang kaibigan. Sobrang sakit Max.

"Matagal ko nang napapansin ang samahan niyo ni Maxine. May gusto ka ba sa kanya?"

Umiling ako. Pero nasasaktan ako sa mga nangyayari.

"Hindi ka iiyak ng ganyan kung hindi mo siya gusto. Ayokong mag-assume pero wala naman masama kung gusto mo siya. Kaya bago pa siya umalis umamin ka na sa kanya. Walang kaso 'yon, kung mahal mo ang isang tao magpakatotoo ka para hindi ka masaktan sa bandang huli. Sorry kung nanghihimasok ako."

Pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil ayokong makita nila na ganito ako.

"Kaibigan ko lang siya, Nadia. Nalulungkot ako kasi iiwan niya ako. Nasanay ako na nandiyan siya palagi sa tabi ko."

Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon