Chapter 10

4.2K 175 24
                                    



Maxine Genares

Hindi ko akalain na iiyakan ni Krista ang paglipat ko ng department. Nagpalipat ako para umiwas sa kanya at para hindi na ako masaktan ng sobra.

Kumuha ako ng tubig dito sa fridge para sa kanya pero sumunod siya sakin.

"Max..."

"Mmm?"

"Hindi ka na rin pumupunta sa apartment ko."

"Nahihiya ako baka kasama mo lagi si Barry."sagot ko habang pinagmamasdan siyang umiiyak.

"Max, kelan ka pa naging ganyan?"

"Alam mo, hindi mo bagay ang umiyak. Ang pangit mo."biro ko sa kanya.

"Walangya ka. Kasalanan mo 'to."inis niyang sabi sabay hagulgol.

Umiiyak siya, at alam kong ang pag-iyak niyang ito ay ang pagmamahal niya sakin bilang kaibigan. Natatawa ako pero sa kabilang banda nasasaktan din ako pero kailangan kong tiisin.

"Tama na, huwag ka nang umiyak. Baka pagalitan ako ni Barney kapag nalaman niyang pinapa-iyak kita."

Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap.

"Ikaw lang ang kaibigan ko, Max. Wala akong makausap mula nong umalis ka. Bumalik ka na sa department please? Kahit magulo kang katabi okay lang sakin."

Nalulungkot ako habang yakap siya.

Hindi pwede, kailangan kitang layuan para sa ikabubuti nating dalawa.

"Kung umiyak ka akala mo dyowa mo ang umalis."

"Kaibigan kita. Natural iiyak ako na umalis ka. Anong gusto mo tumawa ako?"

Ako yong natatawa, eh.

"Hatid na kita sa apartment mo?"

"Ayoko, tsaka bakit nagdadala ka na ng babae rito sa apartment mo? Dati hindi naman."

"Ah yon ba, nagtitipid ako. Wala akong pang motel."

"Kadiri ka!"

Hinampas niya tong braso ko. Mas lalo akong natawa.

"Kaya hindi ka pwedeng matulog dito dahil hindi pa ako nakakapagpalit ng bedsheet."

"Nakakainis ka, sinasadya mo talaga akong iwasan."

"Masanay ka na. Mga ilang buwan na lang din ako mag-i-stay sa company, magre-resign rin naman ako."

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa damit ko.

"Ganon ba?"

Tumango ako.

"Okay, buti sinabi mo. Atleast alam ko. Aalis na ako."

"Krista!"

"Hindi na ako iiyak pagkatapos nito. Heartbreaker ka talaga! Pati ako na kaibigan mo sinasaktan mo!"

Lumabas na siya ng pintuan at sumakay na ng taxi.

Masakit pero mas mabuti na ito para masanay kami na hindi laging magkasama.

•••

Mula nong huling pag-uusap namin ni Krista hindi ko na siya nakita pa na umakyat dito sa Monitoring. Dati nakikita ko siya ng lunch break na naghihintay sa may labas para kausapin ako pero ngayon hindi na siya umakyat pa. Nasa 8th floor kasi ang office niya. Tiningnan ko ang CCTV sa department nila. May isang camera na nahahagip siya ng malinaw. Nakikita ko siya mula rito sa monitor na kaharap ko at busy siya sa trabaho niya.

Love Of A Heartless (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon