Helena POV
Hindi pa ako nakakapag palit ng damit. nang pinatawag ako sa opisina ni Duke Joseph. Kaya wala akong choice kundi sununod sa utos nito.
Papunta na ako sa opisina niya. Huminga muna ako ng malalim dahil nasa harap na ako ng pinto kaya kumatok ako. Narinig kong pinapapasok niya ako.
Pag tayo ko sa gitna. Hindi ko inaasahan ang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin. Tumaas baba ang dibdib nito sa galit.
"You're disgrace!" Fuck! Naulit na naman ang nakaraan.
Ganito din ang senaryo.
Tumiim ang bagang ko. Dahil baka hindi ko mapigilan na patayin ang matandang ito.
Sa totoo lang hindi ko maramdaman ang pagiging isang ama niya sa kin. Wala ang tinatawag na luksong dugo.
"Kahit kailan! Wala ka ng ginawang matino sa pamilyang ito. Helena! Punong puno na ako sa iyo!" Dinuro n'ya pa ako. Hindi ko siya sinagot. Nanatili lang akong tahimik.
Naramdaman ko na sinabunutan niya ako sa buhok. Hanggang sa sampalin niya ako ulit. Hindi ko pinakita na nasasaktan ako.
Wala pa ito sa sakit na naranasan ko. Noon panahon na naging assassin ako sa mundo ng Earth.
"Kung hindi mo lang dala ang apelyido na "White" Wala akong planong hanapin ka! Inuubos mo lang ang oras ko sa iyo!" Binitiwan niya ang buhok ko.
"Bakit kailangan pa ninyo ako hanapin? Kung inuubos ko lang ang oras mo?" Mahinahon kong sinabi.
"Alam mo ang rason! Helena" Oo, Alam ko dahil natatakot ka na malaman ng buong Etherial na may anak ka sa labas. Isang malaking kaparusahan ang igagawad sa kanya ng Hari.
Umalis siya sa pwesto ko. Kinuha niya ang tobacco at sinindihan. Umupo siya sa desk niya.
"Gusto kong humingi ka ng kapatawaran sa harap ni Grand Duke Simon at Lady Bridgette mamayang hapunan. Huwag na huwag kang gumawa ng eskandalo." Mariin niyang banta sa akin. Kumuyom ang kamao ko.
"Yun lang ba? Masusunod ang iyong nais. A - ama" Mabigat sa dibdib ko na tawagin ko siyang ama. Dahil kahit kailan hindi niya ako tinuring na anak.
"Umalis ka na sa harap ko" Pag tataboy niya sa akin. Pag labas ko ng pinto. Kumuyom ang kamao ko sa galit.
Makakaganti din ako!
***
Nagising ako mula sa pag tulog. Halos dalawang oras din ako nakatulog. Pumasok ako sa loob ng banyo para mag hugas ng mukha.
Habang tinititigan ang sarili ko sa salamin.
Hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik ako sa edad kong labing anim na taon.
Ang edad kong ito na pugutan ako ng ulo.
Maraming katanungan ang nasa isip ko ngayon. Una, anong sinasabi ni Moon Goddess tungkol sa propesiya at ang pangalawa, sino ang itinakda para sa akin?
Ibig sabihin noong namatay ako. May nakatakda na para sa akin? Kaya binalik akong muli dito sa Etherial?
Hindi ko pa rin mahanap ang kasagutan. Pagkatapos kong maligo.
Lumabas na ako sa banyo. Tinignan ko ang mga gamit sa tokador.
Ang iba't-ibang klase ng kolorete na ginamit ko noon. Para magpaganda kay Grand Duke Simon. Naalala ko noon na nag mumukha na akong clown sa pag lagay ng blush on. Ang mga berries or red beet root na kailangan basain ng tubig. Para kumalat sa aking cheeks at ang pag gamit ng blaunchet na parang flour. Para ipabulbo sa buong mukha.
BINABASA MO ANG
The Villainous Doctor (Under Editing)
FantasyPaano mo maitatama ang ikatlong buhay?