Helena POVNandito kami ni Lady Jane sa canteen habang kumakain. Maraming estudyante nakatambay lalo na ang kalalakihan na tumitingin sa min. Actually sa kin. Ang iba naman umiirap lalo na ang mga babae.
Bahala sila dyan!
Narinig kong tumikhim si Lady Jane bago nagsalita.
"Lady Helena, balita ko na... na perfect ang score mo sa physics?" Sabi nito. Hanggang ngayon naiilang pa rin siya sa kin. Pero sinasabihan ko siyang huwag mahiya dahil kaibigan na ang turing ko sa kanya.
Dahil sa kabilang mundo. Magkaaway kami ng babaeng ito. Baka nga mag patayan pa kami.
Hindi ako makapaniwala na napaka inosente nito sa Etherial.
Dahil sa mundo ng Earth. Tinagurian play girl ang Reyna ng Moretti.
Anyway, inaamin ko na naaawa ako sa kanya. Hindi siya nawawalan ng pasa sa katawan. Kapag nakatalikod ako. Hinaharangan ito ng mga grupo na galit sa pamilya nito dahil sa maling bintang nila sa pamilyang Grey.
Sa kin, basta mabuti ka lang wala akong pakielam kung masama ang pamilya nito. As long as tinuturing niya akong kaibigan.
Sabagay wala naman siyang kaibigan babae. Madalas kong nakikita ang dalawa niyang kasamang lalake.
"Saan mo naman nabalitaan yan?" Itinaas ko ang manggas ng uniform ko para makakain ng maayos at para maiwasan na marumihan.
"Kalat na ang balita sa buong Royal Academy ang tungkol sa perpekto mong pag susulit lalo na't napakahirap matutunan ang physics at napaka strikto ni Ms. Betran" Mangha nitong sinabi. Nag kibit balikat lang ako habang kumakain.
"Hindi ako naniniwala na isa kang mangmang at walang pinag aralan dahil sa nakikita ko sa iyo. Parang ang taas ng pinag aralan mo" Muntikan na ako mabulunan sa sinabi niya.
"Mahilig lang ako mag basa ng libro. Kaya... Hmmm... Marami akong nalalaman"
Habang nag ke kwento si Lady Jane tungkol sa mga nangyayari sa Royal Academy. Nang mapansin ko dumating ang babaeng matagal ko na hindi nakikita. Walang iba kundi si Lady Bridgette.
Kumunot ang noo ko dahil akala mo'y napaka kimi niyang kumilos. Ngumingiti siya sa bawat estudyante.
Nagpapanggap na naman na mabait ang bruha.
Lihim akong napairap.Tumingin sa kin si Lady Jane.
"Di ba kapatid mo si Lady Bridgette?" May pagkamarites din pala etong si Lady Jane.
"Sa kasamaan palad. Oo" Bale wala kong sagot.
"Maraming may gusto sa kanya dahil isa siyang mabuting babae. Matulungin sa mahihirap at balita ko kasintahan niya si Grand Duke Simon. Napaka palad niya dahil maginoo at napakagwapo ng fiancé niya"
Huli ka na sa balita. Pag kakaalam ko hiniwalayan na siya ni Simon. Gusto ko sanang isantinig. Subalit baka lumabas na fake news ang ibabalita ko sa kanya. Tumingin sa pwesto ko si Lady Bridgette. Nakita ko ang pasimple niyang pag irap.
Napataas ang kilay ko dahil dumaan siya sa gilid namin ni Lady Jane.
Ano na naman kaya pakulo ng babaeng ito?
Nagtaka ako dahil bigla siyang nadapa at umalingawngaw ang iyak niya sa buong canteen.
Hays! Sinasabi ko na nga ba!
"Lady Bridgette!" Ang malakas na boses ni Lady Anna na akala mo'y nakalunok ng microphone. Lumapit agad ito para tulungan tumayo si Bridgette. Halos lahat ng estudyante sa canteen nanonood sa panibagong eksena ni Bridgette.
BINABASA MO ANG
The Villainous Doctor (Under Editing)
FantasyPaano mo maitatama ang ikatlong buhay?