Chapter Fourteen

591 28 2
                                    

Helena POV

Kinabukasan maaga pa lang. Sinundo ako ng Royal Carriage papuntang Royal Academy. Sa utos ni Prinsipe Andrius.

Kina career na talaga niya ang pagiging fiancée ko sa kanya. Kaya natatawang napapailing ako.

Namangha ako sa ganda ng eskwelahan na pag aari ng Etherial.

May mga bulaklak at puno sa paligid at may mga usa at ibon. At may malaking fountain sa gitna ng school.

Ang yaman ng mapapangasawa ko! Charot!

Naglalakad ako habang pinagmamasdan ang paligid.

May mga estudyante napapatingin sa akin. Karamihan ay puro kalalakihan.

Sino siya? Bagong estudyante?

Isa din ba siyang anak ng noble?

Sobrang ganda niya!

Naririnig kong bulungan ng mga estudyante. Karamihan ay anak ng noble.

Mukha siyang ignorante. Rinig kong usapan ng mga kababaihan. Halatang mga inggit sa kagandahan ko.

Subalit hindi ko sila pinansin.

Habang direchong naglalakad may sumalubong sa kin na grupo ng mga kababaihan. Nakasuot ng uniform ng Royal Academy.

Akalain mo. Makikita ko pa ang babaeng ito sa Royal Academy.

"Akalain mo nga naman mag kikita tayong muli. Babaeng mangmang at bastarda" Malamig kong tinignan si Lady Anna. Nag bulungan ang mga tao sa paligid.

Hala! Si Lady Anna, ang anak ng Grand Duke of Campbell.

Lagot ang binibini!

Walang ekspresyon ko siyang tinignan.

"Problema mo?" Banat ko sa kanya.

Another kontra bida spotted!

"Problema ko? Ikaw! isa kang mang aagaw. Dahil ako ang kasintahan ni Prinsipe Andrius!" Napataas ang kilay ko.

Taena! Ang daming nagkakagusto sa Prinsipe.

"Ang Prinsipe? Oh... Wow! Hindi ko alam na may kasintahan na pala siya. Wala naman siyang sinasabi sa akin. " Napailing ako sa nakakatawa niyang sinabi.

"Matagal na kaming magkakilala simula pagkabata. Kaya hindi mo siya maagaw sa akin" Pagmamalaki niya. Halos ipagsigawan niya ang tungkol sa kanila ni Prinsipe Andrius.

"Ahh okay? Mukhang hindi ka naman ata pinansin ng Prinsipe sa Etherial Palace" Nagkibit balikat ako. Ang mga tao nagulat sa sinabi ko.

Siya ang babaeng sinayaw ng Prinsipe?!

Mas lalo itong nagalit dahil sa sinabi ko.

"Dahil inakit mo si Prinsipe Andrius pati si Grand Duke Simon Ibrahim inakit mo din at inagaw kay Lady Bridgette, isa kang malanding babae!" Bulyaw nito sa akin.

"Malandi? Sa ganda ko nito? Hindi ko na kailangan lumandi para mang akit ng lalake dahil sila ang lumalapit sa kin at bakit naman umiksena dito si Grand Duke Simon Ibrahim? Huwag mo sabihin na gusto mo din siya?" Balik tanong kong sa babaeng palaka.

"Umiksena? Anong lenguwahe iyon?" Hindi ko pinansin ang tanong niya.

"Bakit nadamay dito si Grand Duke Simon?" Inayos ko ang tanong. Hindi ko maiwasan ang mga lengguwahe sa Earth. Umiiral na naman ang pagiging marites ko.

Dahil likas ang pagiging marites ko.

"Dahil kasalanan mo! Nakipag hiwalay si Grand Duke Simon kay Lady Bridgette kaya umiiyak ang kaibigan ko dahil sa iyo!" Bulyaw nito.

The Villainous Doctor (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon