Chapter Twelve

592 33 4
                                    

Helena POV

Sakay ako ng karwahe ng Etherial. Nagpaalam ako sa kanila na uuwi muna sa Mansion ng White.

Magulo ang isip ko dahil sa pinagkasundo ako na magpakasal sa Prinsipe. Ngayon hawak ko ang engagement invitation.  Isa itong royal scroll. Binigyan ako kanina ng kopya.

Kaya't binuklat ko itong muli. Baka namali lang ako ng binasa.

"Join us to celebrate the engagement of

Crown Prince Andrius Edward Hamilton - Etherial

And

Lady Helena Joyce Calliope - White"

Saturday, 02 December 20xx from 7:00pm at Etherial Palace

Three months for now ikakasal na ako. Wala na akong magagawa dahil pumirma na ako sa Royal Scroll.

Instant pikot ang nangyari sa akin. Oh noes! Literal na pikot talaga.

Ganon na ba ako ka dyosa at gusto na akong pakasalan ng Crown Prince?

Para akong kiti kiti dahil sobrang kinilig ako kanina.

Flashback

Pagkatapos kong pumirma. Nang hihina ako sa nangyayari.

"Paumanhin, Your Royal Majesty, maaari ko po bang kausapin ang Mahal na Prinsipe" Idiniin ko salitang mahal na Prinsipe.

"Sure! You can talk to him" Nakangiting pahayag ng Hari.

Mabilis kong hinila si Prinsipe Andrius papunta sa kanyang silid. Ang Reyna at Hari nakangiti sa aming dalawa.

Dalawa na lang kami dito sa kanyang silid.

Salubong ang kilay ko dahil sa inis. Habang siya nakangisi.

"Your Highness" Pinipilit ko na hindi bigwasan ang lalakeng nasa harap ko.

Oo, gusto ko siya pero hindi ibig sabihin nun. Gusto ko na mag asawa. Marami pa akong kailangan malaman. Kung bakit ako binalik sa mundong ito.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan ko magpakasal sa iyo. Masyado pa akong bata para mag asawa" Mahinahon kong saad.

"Bakit ayaw mo ba akong maging asawa? Dahil ba mas gusto mo si Ibrahim?" Tumiim ang bagang niya. Ang layo ng sagot niya sa tanong ko.

Subalit parang inurong ang dila ko.

Ayaw ko nga ba siyang maging asawa? Tanong ng isip ko.

"Teka ang layo ng tanong ko sa sagot mo! Walang kinalaman dito si Grand Duke Simon" Naiinis kong sagot. Mukhang nabalitaan niya ang paghahabol ko noon kay Simon.

"Bakit ayaw mong magpakasal sa kin?" Madiin niyang tanong.

Dahil hindi mo pa ako kilala ng lubusan! At hindi ako nararapat na maging isang Reyna! Lalo na't isa akong mamamatay tao! Gusto kong isigaw sa kanya.

"Dahil...Dahil anak ako sa labas ni Duke Joseph! Hindi ako isang noble na... May dugong bughaw" Bumaba ang boses ko sa sinabi ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. Maya't maya bigla siyang napangiti.

"So, gusto mo nga akong maging asawa?" Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Walang lumabas na salita sa akin. Para akong naubusan ng sasabihin.

"Mukhang kailangan ata kitang kumbinsihin. Para pumayag ka magpakasal sa kin!" Mabilis siyang lumapit sa kin.

The Villainous Doctor (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon