Helena POV
Unti unti kong dinilat ang mata. Hanggang sa luminaw ito. Tumingin ako sa paligid. Nakikita ko ay mga puno at halaman sa kapaligiran.
Nasaan ako?
Tinignan ko ang cellphone.
Walang linya? Sinilip ko ang date.
21 August 20XX
Pati ang apple watch ko. Same din ang date.
Talagang nandito na ako sa mundo ng Etherial. Arghh!
"Pesteng buhay ito!"
Inis akong lumabas sa kotse. Malapit na mag bukang liwayway.
Nasa gitna ako ng kagubatan?
"Oh shit! Anong ginagawa ko dito?" Ilang minuto ako nag isip.
Hindi ko alam kung anong plano ni Moon Goddess. Mukhang wala na din akong choice kundi mag stay forever dito sa mundong ito.
Pagkatapos kong mag isip. Nag desisyon akong itago ang mga kagamitan sa compartment ng kotse.
Kinuha ko ang aking Emergency bag kit sa passenger seat. Nandito ang lahat ng kagamitan ko sa pag gagamot. Twizzer, bandage, gauze, surgical blade, etc...
Isa itong malaking bag na palagi kong dinadala. Lalo na kapag nasa mission ako.
Dala ko din ang isang maleta sa likod ng upuan. Ginagamit ko din sa biglaan mission.
Nag lalaman ito ng ilang alahas, damit, make up at gadgets sa mundo ng earth.
Hindi nila maaaring makita ang aking kasuotan. Naka scrub at white coat ako. Nakalagay ang pangalan ko na Dra. Helena Rivera - Santos. May stethoscope din sa leeg ko.
Maraming mag tataka dahil sa kakaibang style ng aking kasuotan.
Inilagay ko sa compartment ang lahat ng gamit ko.
Sinubukan kong paandarin ang kotse.
Gusto kong mag tatalon sa tuwa dahil umandar ang sasakyan ko.
Wait? Sira nga pala ang break nito.
Lumabas akong muli sa kotse. Kinuha ko ang mga auto parts at accessories sa loob ng compartment.
Buti na lang marunong ako mag ayos ng sasakyan. Dahil isa din ito sa tinuro sa min ni Dark Lord. Simula pagkabata hanggang sa lumaki kami.
Halos dalawang oras kong inayos ang break ng kotse.
Sa wakas natapos din! Kailangan ko mag hanap ng pag tataguan ng kotse. Habang pinupunasan ko ang kamay ng towel.
Pag pasok ko sa loob ng sasakyan. Nakita ko na may liwanag na.
Halos isang oras kalahati ako nag da drive. Nang may nakita akong isang kuweba.
Ayos! Thank you, Moon Goddess!
Ipinasok ko ang kotse sa loob. Malaki ang loob ng kweba. Maaari kong itago ang mga kagamitan ko. Gagawin ko itong tirahan in case of emergency.
Binuksan ko muli ang compartment para mag hanap ako ng bagong damit na pwede sa panahon ito. Itinaas ko ang puting gown.
Pwede na ito!
Isa sa mga naging gown ko. Noon nasa mission ako. Medyo reveal nga lang dahil mababa ang cleavage nito at may kanipisan. Naghanap ako ng sapatos. Buti na lang may puting flat close shoes ako.
Tumingin ako sa salamin. Napansin ko na mas nag mukha akong bata.
Ibig sabihin nasa labing anim na taong gulang ako?!
BINABASA MO ANG
The Villainous Doctor (Under Editing)
FantasíaPaano mo maitatama ang ikatlong buhay?