Chapter Fifteen

579 41 4
                                    

Helena POV

Pagkatapos ko makipag usap kay Lady Gaga. Dumirecho ako papuntang Royal Chamber. Kasama ko si Mariz ang Royal Servant ng Etherial Palace.

Nagpakilala muna ito bago tinulungan akong buhatin ang mga gamit ko. Kasama ng dalawang kawal ng Royal Academy.

Pag pasok ko sa Chamber. Namangha ako dahil napakalaki nito. Isang malaking manor house. Akala ko isa itong dormitoryo ng bawat estudyante.

Kumpleto ang nasa loob nito. May dalawang kwarto, kitchen at sala. Halatang mamahalin ang mga kasangkapan. Kahit sinauna ang mga gamit dito.

Para akong nalula sa sobrang ganda nito.

Ganito ako ka espesyal kay Prinsipe Andrius?

"My Lady, hinanda ko na po ang inyong paligo. Nasa silid na ang mga gamit ninyo." Paalam niya sa kin.

"Thank you, Mariz" Yumuko muna ito bago umalis. Pumasok ako sa loob ng kwarto.

"Walang anuman. My Lady" Ngumiti siya pabalik.

***

Maaga akong nagising bago pumasok. Sinamahan ako ng elf's na naka toka sa kin para gabayan sa mga classroom na papasukan ko sa Royal Academy.

Pag pasok ko sa loob. Maingay ang mga estudyante parang may rambulan na nangyari.

Pagkakita nila sa kin. Natahimik sila habang pinagmamasdan ako.

Siya ba ang fiancée ng Crown Prince?

Ang ganda niya! Kulay lila ang mata!

Balita ko nag eskandalo yan sa tea party ni Lady Bridgette.

Gusto kong sapakin ang taong nagsalita about sa tea party.

Grabe ang trending ng marites dito sa Royal Academy.

Anyway hindi ko sila pinansin. Suplada ang peg ko.

Mukhang wala pa ang guro. Bulong ng isip ko.

Tumingin ako sa paligid kung saan may bakanteng upuan. Nakita ko nasa dulo ito. Habang papunta ako.

Nakita ko ang isa sa mga alagad ni Lady Anna na kasama niya kahapon. Nakangisi at halatang may gagawin kalokohan.

Napansin ko pasimple niyang hinarang ang kanyang paa.

Uh huh! Mukhang bibiktimahin pa ako nito.

Nagkunwari akong hindi ko nakita ang paa niya. Kaya't tinapakan ko ito ng madiin.

Akala mo mapapatid mo ako. Hindi ako magiging assassin kung hindi ko oobserbahan ang kapaligiran ko!

Napasigaw ito sa sakit. Saka ako sinamaan ng tingin.

"Paumanhin, hindi ko napansin ang iyong paa na nakaharang!" Sabay nakakaloko kong ngiti.

Narinig kong nag tawanan ang mga kaklase ko.

Buti nga sa kanya! Ang yabang kase. Porque nasa grupo ni Lady Anna.

Rinig kong sinabi ng isa sa mga estudyante.

Dumirecho ako sa upuan. Narinig ko ang sinabi niya ng "Hangal ka" Kaya't tinaasan ko siya ng kilay.

Siniyesahan ko siya ng gitnang daliri.

Halatang naguguluhan ito kung ano ang ibig sabihin ng sign ko sa kanya.

Mukhang mapapalaban ako dito sa eskwelahan. Let's see...

***

Break na namin ngayon kaya pumunta ako sa canteen ng Royal Academy.

The Villainous Doctor (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon