Chapter Thirteen

593 31 4
                                    

Helena POV

Ayokong magpakita sa pamilyang White ngunit sinabihan ako ni Cora na gusto akong makausap ni Duke Joseph. Kaya wala akong choice kundi harapin ang matandang hukluban.

Pag baba ko sa sala. May mga kasama siyang mga apat na kawal. Masama ang tingin sa kin ng Duke. Habang ang mga kawal mukhang mga manyakis.

"Mabuti naman at umuwi ka din!" Naging mabagsik ang mukha nito. Namumula ito sa galit. Kapareho na ng kanyang pulang buhok na namana ko sa kanya.  Kaya't naiinis ako dahil may parte pa sa kanya ang namana ko.

"Yeah! Namiss ko kase kayo eh. Mukhang may mga kasama ka ata?" Bored kong tanong. Nag hikab pa ako sa harap niya.
Sumimangot ito dahil sa pinapakita kong kilos sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pagkatapos mong suntukin ang anak ko!" Lumapit ito sa akin at hinawakan ang braso ko ng napakadiin.

Walang sinuman ang may karapatan na saktan ako.

Flashback

Hirap na hirap ako dahil hindi ako makahinga sa tubig. Habang nakatali ang dalawang kamay ko sa likod. Inilublob niya ang mukha ko sa malaking drum sa likod ng mansion ng White. Pagkatapos niya akong bugbugin sa harap ng mga kawal nito.

"Ano?! Natuto ka na?! Ang lakas ng loob mong lasunin at siraan ang anak ko! Sinabi mong hindi totoo ang pinapakita niyang ugali sa mga bisita namin! Isa kang walang kwentang babae!" Galit na galit nitong sinabi.

Narinig kong nagtawanan ang mga kawal nito. Inulit niya muli ang pag lublob ng mukha ko sa drum. Halos dalawang oras niya itong ginawa sa kin.

Pagkatapos nito magsawa sa kaka lublob ng mukha ko sa tubig. Sinabunutan niya ng napaka diin ang buhok ko.

"Bilang parusa mo! Ipapatikim kita sa mga tauhan ko. Bago ka mapugutan ng ulo sa susunod na araw" Tinawag niya ang mga kawal.

"Ama, huwag! Parang awa mo na! Patawarin mo ko. Mahal ko lang si Grand Duke Simon. K - kaya ko nagawang magalit kay Ate Bridgette!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Punong puno ng luha ang mga mata ko.

"Wala akong pakielam!" Iniharap niya ako sa mga kawal.

"Hubaran ninyo ang babaeng yan!" Inutos niya sa kanyang mga tauhan.

Halos mag makaawa ako ng gabing iyon.

Nang gabing din iyon. Pinagahasa niya ako sa lahat ng mga kawal niya. Pagkatapos akong hatulan ng kamatayan ni Haring Darius sa kulungan.

Kaya hinding hindi ko mapapatawad ang matandang ito! Kung bakit ganito ang pinapakita kong ugali sa kanila. Kahit ang anak nitong si Bryan binaboy din ako.

Madilim ang mukha ko ng maalala ang nakaraan . Ang mga mata ko. Nagliliyab na sa sobrang galit. Makikita ni Duke Joseph ang panganib sa buhay niya.

"Pasalamat ka na lang dahil buhay pa ang anak mo. Hindi ako mag dadalawang isip na dumanak ang dugo niya sa Etherial Palace" May talim sa boses kong sinabi.

"Ikaw pa nag mamalaki ngayon! Mga kawal! Kayo na ang bahala sa kanya!" Tawag nito sa mga tauhan niya. Kinuha ko ang dagger knife na nakatago sa likod ko.

"Masusunod! Kamahalan" Halatang mga sabik makatikim ng babae.

Naalala ko ang kawal na ito. Eto ang unang gumahasa sa kin.

Ikaw ang una kong papatayin!

Mabilis na lumapit sa kin ang apat na kawal. Pag hawak nila sa kin.

The Villainous Doctor (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon