Chapter Ten

679 34 1
                                    

Reyna Danica POV

Nandito ako ngayon sa aking silid habang hinihintay ang aking asawa. Para tignan ang kalagayan ng aming anak.

Masaya ako dahil ligtas na ang unico hijo namin ni Darius sa tulong ni Helena.

Mamatay ako kapag nawala ang nag iisa namin anak. Dahil siya ang buhay namin ni Darius.

Kaya't pino protektahan namin siya sa abot ng makakaya namin mag asawa.

Malaki ang pasasalamat ko kay Lady Helena dahil sa angking talino niya sa pag gagamot. Isang kabigha bighaning binibini.

Ngunit, Kanina tinititigan ko ang napakagandang mukha niya. Napaka pamilyar sa kin.

Ang mukhang iyon...

Hindi ako maaaring magkamali.

Si Helen Calliope ang babaeng naging kaibigan ko. Noon labing dalawang taon gulang pa ako.

Flashback

Tumatakbo ako papuntang kagubatan dahil hindi ko na kaya ang pananakit sa kin ng pangalawang asawa ng ama ko na si Michaela kasama ng dalawang anak nitong babae.

Ang aking ama ay Grand Duke ng Hamilton.

Namatay ang aking ina. Noong pinanganak ako. Kaya't sinisisi ako ng aking ama ang pagkamatay nito.

Lumaki akong malamig ang pakikitungo sa akin ng Grand Duke. Kahit anong gawin ko. Hindi niya na appreciate ang pag sisikap ko sa pag aaral.

Pag lipas ng ilang taon. Nag asawa muli ang Grand Duke Carl Scott - Hamilton. Si Grand Duchess Michaela Moore - Hamilton. May anak na ito sa unang asawa si Vanessa at Janessa.

Nakita kong naging masaya ang ama ko. Subalit simula ng tumira ang step mother ko kasama ang kanyang anak. Mas lumala ang kalbaryo ko sa buhay.

Naging isa akong utusan. Lahat ng gawain sa bahay. Ako lahat ang gumagawa.

Kapag hindi ko sinusunod. Sinasaktan at kinukulong ako sa Mansion.

Kaya't ngayon, tumakbo ako sa kagubatan. Para takasan ang pananakit sa kin ng kanyang mga anak.

Plano ko ng tumalon sa bangin. Nang makarinig ako ng napakagandang tinig.

"Danica!" Malakas niyang sigaw. Bigla akong napalingon sa babaeng sumigaw ng pangalan ko.

Isang napakagandang babae. Una mong mapapansin ang kulay violet niyang mata.

Ngayon lang ako nakakita ng isang Dyosa ng kagandahan.

Nakasuot siya ng puting damit at kakulay ng kanyang buhok ang kanyang mata.

"S - Sino ka?" Naluluha kong tanong. Kanina pa ayaw tumigil ng luha ko.

"Ako si Helen Calliope, isang High Priestess"

"High Priestess? Ano yun?" Nagtataka kong tanong. Natawa siya sa akin dahil sa inosente kong pagtatanong.

"Hindi ako nag mula sa mundong ito. Ngunit, alam ko ang nangyayari sa buhay mo" Nanlaki ang mata ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

"Halika dito. Ipapaliwanag ko sa iyo"

Simula ng gabing iyon. Naging masaya ang buhay ko. Dahil nagkaroon ako ng kaibigan. Kaya't tuwing gabi tumatakas ako sa palasyo para makipag kwentuhan kay Calliope.

The Villainous Doctor (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon