Chapter Two

745 38 3
                                    

Helena POV

Pagod akong lumabas ng hospital na pinag ta trabauhan ko.

Habang naglalakad papunta sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan ko na nasa harap ng Asian Hospital.

Pagkatapos kong buksan ang pinto ng kotse. Inilagay ko ang mga gamit sa backseat bago binuksan at umupo sa driver seat. Ini start ko na agad ang ignition. Binuksan ang cellphone na naka connect sa usb ng sound system para makinig ng musika.

Ocean Deep by Cliff Richard

Love, can't you see, I'm alone?
Can't you give this fool a chance?
A little love is all I ask
A little kindness in the night

Please don't leave me behind
No, don't tell me love is blind
A little love is all I ask
And that is all

Habang nag da drive pumasok sa ala ala ko noon na sinabi ni Grand Duke Simon na hindi ako nababagay sa kanya.

Flashback

Lasing ako pumunta ng tea party ni Bridgette kasama ng mga kaibigan niya. Para ipagdiwang na magkasintahan na sila ni Grand Duke Simon.

Mabilis akong lumapit sa kanya at sinampal ko agad siya sa mukha. Nanlilisik ang mata ko sa galit.

Biglang naglapitan ang mga tao sa paligid niya. Ang mga noble ng iba't ibang panig ng Etherial.

"Anong pinagkakalat mo na magkasintahan na kayo ni Grand Duke Simon?!" Matalim kong tanong sa kanya. Nakahawak siya sa kanyang mukha habang lumuluha.

Bitch! Nagpapanggap na naman ang babaeng ito!

"Lady Helena, wala akong inagaw sa iyo? Dahil hindi ka kailanman niligawan ni Simon at mas lalong hindi ka niya iniibig  sa una pa lang" Umiiyak niyang sinabi. Maraming nakisimpatya kay Lady Bridgette. Kaya lumapit ang isa sa mga kaibigan niya na si Lady Anna Campbell.

"Ang kapal ng iyong pagmumukha. Babae! Sa iyong postura at  itsura sa tingin mo papatol si Grand Duke Simon na isang kaladkarin at walang delicadezang babae!" Galit nitong bulyaw sa kin.

"Huwag kang makisali dito! Hindi kita kilala kung sino ka man!" Walang control kong pahayag sa babaeng ito. Tumingin ako muli kay Lady Bridgette.

"Mang aagaw ka!" Akmang sasampalin ko muli si Lady Bridgette. Dumagundong ang malakas na boses ni Grand Duke Simon.

"Subukan mong saktan ang mahal ko. Lady Helena! Hindi ako mangingimi na saktan ka! Kahit isa ka pang babae!" Galit na sigaw ni Grand Duke Simon. Biglang nag luksuhan ang puso ko. Dahil nakita kong muli ang lalakeng mahal ko. Lumapit ako sa kanya bago lumuhod sa kanyang harap. Subalit humakbang siya paatras na may halong pandidiri sa kanyang mukha.

"Simon, nakikiusap ako sa iyo? Ako ang piliin mo! Gagawin ko ang lahat! Para...Para mahalin mo din ako" Umiiyak kong pakiusap.

Akmang may sasabihin si Grand Duke Simon

"Anong kaguluhan ito?!" Narinig ko ang malakas na boses ni Duke Joseph.

"Ang babaeng iyan! Nanggugulo sa tea party ni Lady Bridgette!" Dinuro ako ni Lady Anna kasama ng mga kaibigan nila na galit nakatingin sa akin. Mabagsik na tumingin sa kin si Duke Joseph at lumapit agad sa akin.

"A- " Pinutol n'ya agad ang pag tawag ko sa kanya.

"Halika dito!" Mabilis akong kinaladkad ni Duke Joseph White. Pilit akong nagpupumiglas. Subalit madiin niyang hinawakan ang braso ko. Tinawag niya ang kanyang tauhan para tulungan siyang hawakan ako.

The Villainous Doctor (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon