Chapter Four

771 41 9
                                    

Helena POV

Mabilis kong tinakbuhan ang Prinsipe. Halos hingalin ako para matakasan ko sila. Nag tago ako sa taas ng puno para makapag pahinga.

Putspa! Ang hirap umakyat ng naka gown. Inis kong sinabi sa isip.

Naalala ko ang kanyang ama na siyang nag bigay ng hatol sa kin ng kamatayan.

Sunod sunod akong napalunok biglang napahawak sa leeg.

Kababalik ko pa lang sa mundong ito! Mamatay na agad ako dahil sa pag sagot ko sa crown prince! Mauubos ang siyam na buhay ko nito!

Hindi ko napansin ang kanyang pananamit. Dahil natatabunan ng black cloak ang kanyang kasuotan.  Sa sobrang dami ng iniisip ko. Hindi ko agad napapansin ang mga nasa paligid ko.

Kasalanan ito ni Moon Goddess! Kung bakit kase binalik niya ako dito sa Etherial. Hindi ko akalain na makikilala ko ang Crown Prince.

Kalahating oras ako nag pahinga bago nag desisyon na bumaba ng puno.

***

Prince Andrius POV

Humihingal na lumapit sa akin si Tomas. Ang isa sa Royal Knight ng Etherial. Ang kanan kamay ko.

Isa sa mga pinagkakatiwalaan kong kawal. Ang Etherial ang namumuno sa buong mundo. Ang mga Grand Duke at Grand Duchess naman ang namamahala sa bawat bansa.

Yumuko muna s'ya bago tumingin sa kin.

"Prince Andrius" Halatang bigo ang kanyang mukha.

"Speak" Utos ko.

"Paumanhin, subalit hindi ko nahabol ang binibini. Napaka bilis niyang tumakbo. Para siyang hindi isang babae sa bilis niya. Wala pa akong natagpuan na katulad niya" Napangisi ako.

Just what i expected. She's interesting!

Kanina habang nakatali ang isang paa niya sa patibong na ginawa namin. Napahinto ako nang makita ko ang kanyang salawal.

Kakaibang salawal dahil walang babae na nagsusuot ng kakaibang salawal.

Napakaganda ng kanyang katawan. Mismong oras na iyon.

Nakaramdam ako ng init sa aking katawan.

Plano ko na siyang iligtas ngunit napahinto ako nang bigla siyang bumuwelo at tumalon sa puno.

Kaya nagulat ako na nagawa niyang makawala sa patibong.

"Tama ka, may kakaiba nga sa kanya. Hindi din ako umaasa na mahahabol natin siya" Sang ayon ko kay Tomas.

Bigla akong napangiti sa naisip.

I'll make sure na magkikita tayong muli. Lady Helena Joyce Calliope - White.

***

Helena POV

Malapit na ako sa bayan. Nakikita ko na ang sentro ng Dukedom Of White. Maraming mga taong nagtitinda at namimili.

Wala pa rin pinagbago katulad pa rin ng dati.

Uhaw at pagod na ako sa kakalakad mula sa kagubatan ng Mount of Denali hanggang dito sa sentro ng White.

Potah! Limang oras din ako nag lakad.

Kung pwede ko lang magamit ang credit card at ATM card para makapag withdraw. Nag check-in na sana ako sa mga mamahaling hotel at Inn dito.

Halos mag laway ako sa mga pagkain na nasa paligid.

Anyway isa akong assassin kaya madali sa kin maka nenok ng pera at pagkain.

The Villainous Doctor (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon