"Pawi diba pare?" Nang makilala agad ni Jelo si Pawi.
Tumango lang si Pawi sa tanong ni Jelo. At pinag patuloy Ang pag serve ng pagkain dito. Ngunit naging matanong si Jelo.
"Buti at nandito ka parin. Pare hindi pa pinsan mo Ang may ari nitong resort? Magpapatulong sana ako. Gusto ko sanang makausap siya. May itatanong lang ako. puwede ba?"
"Medyo busy si insan. At pasensiya na sir, bawal kasi kami makipagusap sa customer habang on duty. maliban na lang sa pag kuha ng order at pag serve." Tugon ni Pawi.
"Ano oras ba out mo pare? hihintayin kita mamaya." Sabi pa ni Jelo.
tumango lang muli si Pawi, bago bumalik sa puwesto nito.
"Ano ba ang kailangan ng lalakeng iyon sa iyo?, kakilala mo ba iyan? Panay ang titig niya dito sa iyo oh, type ka yata." tanong ni Dik kay Pawi
"pamilyar nga sa akin eh, pero Kilala niya ako. Jelo daw ang pangalan. Gustong makausap sina boss Jim at Juno" sagot ni Pawi.
"Eh bakit daw?" usisa pa ni Dik
"Hindi ko alam, hihintayin nga daw ako mamaya eh." Sabi ni Pawi.
"Mag ingat ka ,baka taga labas iyan at sinisilipan ang Dapdap. Alam mo na , muli na namang umiingay Ang tungkol sa mga Kataw. Minsan na naging bahagi ng mga kuwento ang lugar na ito. At minsan narin kinatatakutan. Pangalagaan natin ang sekreto ng Dapdap. Nakasalalay ang katahimikan ng lahi natin sa ating sekreto." paalala pa ni Dik.
"Hindi ko nakakalimutan ang bilin sa akin nina boss Jim. Ako na bahala sa lalakeng iyan. aalamin ko Ang pakay niya dito." pangako ni Pawi.
Samantala naging usapusapan ang pag dating ng mga dayuhan sa Balwarte Baybay.
"Mayor, para saan ba ang mga tinatayong mga tent sa lugar na ito? At ano ang ginagawa ng mga dayuhan dito sa atin. totoo bang mga scientist sila at tungkol Ang lahat ng ito sa mga namataang mga sirena?" tanong ng isang reporter sa mayor
"Sirena, Sirena, lahat na lang ang bukambibig mga Sirena, walang katotohanan Ang mga chismis na iyan. Pero tama kayo, mga scientist nga ang mga bisita natin. At nandito Sila para mag research tungkol sa yaman ng ating karagatan. At para narin matingnan if may mga new species ba silang ma di- discover sa ilalim ng ating mga dagat. And this will not cause any harm sa ating dagat at Lalo na sa siyudad natin but rather this will put us on top. walang dapat ikabahala Ang aking mga constituents. Ligtas na lugar Ang Himvis" paliwanag pa ng mayor.
Ngunit itanggi man nito ang katotohanan, Ang paniniwala ng iilan ay hindi na mababali ng kasinungalingan. Lalo na ang mga residente ng Balwarte.
"kailangan na nating lumikas, nararamdaman ko na Ang napipintong delubyo na paparating sa atin dahil sa kagagawan ng walang kuwenta nating mayor!." Ang sigaw ng isang lalake na namumuno sa mga nagrereklamong mga mamamayan ng Balwarte.
Hanggang sigaw at reklamo lang ang tanging nakakayanan ng mga tao laban sa kabalbalan ng mayor. Nag simula Ang lahat dahil sa isang kontrobersiyal na Balita tungkol sa mga Kataw .
"Ano kaya ang nararamdaman ni Jelo ngayon tungkol sa isyo ng kanyang ama?" tanong ni Pabs sa mga kaibigan.
"Malamang Wala, eh hindi naman kinikilala ni Jelo na tatay niya si Mayor eh. Kahit man sa lugar ko, itatanggi ko." sagot ni Merra.
"Speaking of Jelo ilang linggo ko na siyang hindi nakikita dito sa tambayan natin. May ideya ba kayo kung kumusta na siya? Ikaw Arcel, nagkausap kayo?" puna ni Ken
"Ewan ko nga ba sa taong iyon, parang nag iba bigla, simula noong nag island hopping tayo, at may nakita siyang Kataw. Hindi na sumasama sa atin. Hindi narin ma kontak. Pumunta Ako sa kanila kahapon,Sabi ng tita niya dalawang araw na daw na hindi umuuwi sa kanila. Akala nga ni tita kasama natin." tugon ni Arcel.
BINABASA MO ANG
A Lover, Lair and a Legend
FantasyAfter the last few years the Island in Guimahol has been peaceful and quiet. The once-buried story of the so-called mere waters is making itself felt again. After a sudden storm, Jimmy had a hunch, Juno agreed with it Especially when they met Pawi...