THE AWAKENING

78 0 0
                                    

Sampung minuto na lang at sisilip na ang dakilang Ugsad. Unti-unti nang nagtitipin sa may dalampasigan Ang mga taong Kataw para sa gaganaping ritwal. Nag sisimula na ring kumakambiyo ang ugali ng mga alon sa dagat. Hudyat na handa na ang lahat na salubungin ang inaabangang Ugsad.

Tinungo na nina Juno,Pawi at Jelo ang batohan kung saan doon tatanggapin at kikitain ni Jelo ang kanyang pagiging Kataw at si Neru.

Tanaw na ng lahat ang pag sikat ng buwan. Kasabay nito ang pag hampas ng unos sa buong dalampasigan ng Dapdap. Binalot ang paligid ng resort ng makapal na hamog. Natakpan nito halos ang kabuohan ng Dapdap. Tumaas ng napaka taas ang mga alon.  Na tila hinahalukay ng hangin ang pinaka pusod ng dagat.

Namangha na may takot si Jelo sa kanyang nakita at nasaksihan. Pinakalma ito ni Juno.

"Handa ka na ba na tanggapin ng buo ang pagiging Kataw?" tanong ni Juno kay Jelo.

"Hindi ko alam kung handa na ba ako. Pero kung ito ang nakatadhana sa akin at kung ito ang paraan para muli kong makasama ang aking Ina gagawin ko." Ang tugon ni Jelo.

"Wala na itong bawian. Sa Oras na sumama ka na sa dagat,  hindi mo na kailan man masisilayan ang lupa. Alalahanin mo ang batas at ang kasunduan" paalala pa ni Juno sa huling pagkakataon.

May pag aalangan man. Nais pa rin maranasan ni Jelo ang magkaroon ng buntot na siyang matagal na nitong pinapangarap.

Tuluyan nang naupo sa ibabaw ng dagat ang napaka ganda at napakaliwanag na Ugsad. Inilawan nito ang buong sakop ng Dapdap at ang karagatan.

At kasunod ng pag hupa ng mga malalaking alon ang siyang pag ahon naman ng mga Kataw at Sirena sa dagat. Natuwa at namangha si Jelo nang makita ang napakaraming mga Kataw at Sirena na unti-unting lumalapit sa pangpang at dalampasigan. Tanaw rin ni Jelo ang galak at kasiyahan sa mga mukha ng mga taong Kataw na naka abang sa dalampasigan.

Kasunod nito ang paglusong ng mga taong Kataw sa dagat para muling makasama ang mga kalahi. At nakita mismo ni Jelo kung paano naging mga Kataw ang mga lumusong sa tubig.

Nang ang lahat tuluyan ng naging mga Kataw. Nag ipon-ipon ang mga ito sa Dagat at gumagawa ng pabilog na hanay na para bang iniikutan ng mga ito ang repleksiyon ng Ugsad sa tubig.

Lalong kumapal ang mga hamog sa palibot at muling humampas sadalampasigan ang naglalakihang mga alon. Kasunod nito, bumuka sa gitna ang dagat at sakay ng malaking alon, naroon si Neru sakay ng isang dambuhalang sea horse.

Napayukod si Juno nang makita ang papalapit na si Neru.

"ikinagagalak ko ang muli mong pagdalaw Prinsipe Neru." pagbati ni Juno.

"Aries, hindi ka pa rin nagbabago, ang kisig mo pa rin." pagtugon ni Neru.

"teka teka, mukhang nakalimutan mo naman yata ako " sabat ni Jimmy kay Neru.

"Bakit ko naman makakalimutan ang mortal ko na karibal noon. Kamusta Jim?" tugon ni Neru kay Jimmy na nakangiti.

"Mabuti naman na miss ka namin." sagot ni Jimmy.

"ibig sabihin kayo pala si Aries, boss Juno?" nabiglang tanong ni Pawi.

Sa simula pa lang ,Ang misyon talaga ni Pawi ang hanapin sina Aries at Jim para balaan sa napipintong labanan sa pagitan ng mga tao at Kataw.

"Mawalang galang na po ako po si Jelo, Anak ni Marina"  pagpakilala ni Jelo.

"Alam ko, kaya nga Ako nandito dahil sa iyo. Kawangis mo nga si Marina." tugon ni Neru.

Bumaba si Neru mula sa sinasakyan nitong sea horse, At habang papalapag ito sa may batohan unti-unting naglalaho ang buntot nito at napapalitan ng mga binti.

A Lover, Lair and a Legend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon