Mermaid festival

79 1 0
                                    

Sobra ang pagkabahala ni Pawi sa mga nangyayaring pagbabago kay Jelo at Arcel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sobra ang pagkabahala ni Pawi sa mga nangyayaring pagbabago kay Jelo at Arcel. Ang biglaang pagtanggap ni Arcel sa pagkatao ni Jelo bilang isang kataw ang pinangangambahan nito. Kung maalala pa, binura na ni Pawi sa alaala ni Arcel ang imahe ng mga kataw sa kanyang isipan at kahit na makakita pa ito ng isa, hinding hindi ito basta maniniwala dito. Batid ni Pawi na may mali sa mga nangyayari.

Isinangguni ito ni Pawi kay Juno.

"Mabuti at nakabalik na ang lahat sa Dapdap, ano ba ang nangyari, bakit bigla na lang naglaho ang lahat? Pati ang mga taga Lumod, bigla na lang inabandona ang kanilang mga tahanan. " Tanong ni Pawi kay Juno na kababalik pa lang mula sa dagat.

"May masamang puwersa na nagdulot nito sa lahat ng mga kataw , hindi lamang dito sa Dapdap kung hindi sa buong Cebuklod. At iyon ang inaalam namin. Kamusta kayo ni Jelo, buti at hindi niyo naranasan ang mga nangyari sa amin dito. " Tugon ni Juno.

"Nangyari din sa amin ni Jelo ang nangyari sa inyo. Ang nakapagtataka nasa bundok kami nang mangyari iyon sa amin. "

"Malaki ang hinala namin na nagmula din sa karagatan ang puwersa na iyon. Kung sino, o kung ano, hindi pa matukoy. Siya nga pala ano ang dahilan mo sa pagpunta dito. Bakit hindi mo kasama si Jelo?" Tanong ni Juno.

At sinabi na nga ni Pawi ang obserbasyon nito kay Jelo at sa kaibigan nitong si Arcel. Nang marinig ito ni Juno, nabahala din ito. Ramdam niya may mali nga sa mga nangyayari.

"Ngayon ka mas kailangan ni Jelo, kung maaari huwag mo siya iwala sa paningin mo at bantayan mo ang sinasabi mong si Arcel. Pansamantala, gamitin mo ang kabebing ito na panlaban sa puwersang magpapahamak sa inyo. Balikan mo na si Jelo" Ayon pa kay Juno.

"May isang bagay na dapat malaman. "

"Ano iyon? "

"Isang Kugtong ang nakaharap ni Jelo, at ayon pa sa kanya, nais ng Kugtong na makuha ang hiyas ni Jelo. At ginamit ng Kugtong si Arcel para malinlang nito si Jelo. " Kuwento pa ni Pawi.

"Mukhang alam ko na ang may kagagawan nito. Balikan mo na si Jelo. "  Pansin sa mukha ni Juno ang takot at pag alala.

Pag balik ng bahay, agad na hinanap ni Pawi si Jelo sa tita nito. Ngunit ayon sa tita ni Jelo, hindi pa ito umuuwi simula noong sunduin ito ni Arcel kasama ang isang lalake na nagpakilalang engineer.

"Sinabi po ba kung saan ang punta nila? " Tanong ni Pawi.

"Hindi sinabi, pero may iniwan dito sa akin si Jelo. Ibibigay ko daw ito sa iyo kapag bumalik ka. " Isang selyadong sobre ang inabot nito kay Pawi.

Agad na binasa ni Pawi ang laman nitong sulat. At doon na tuklasan nito na nagpapanggap lang pala si Jelo, upang matuklasan ang mga bagay na gumugulo din sa kanya. At ito ang laman ng sulat.

"Batid ko, tulad ko may pagdududa din sa part mo. Ang pagtanggap agad ni Arcel sa pagkatao ko ay isa nang malaking katanungan sa akin, lalo na ang nagyaring pagtatangka sa akin ng isang Kugtong. Paw, sakaling hindi mo ako mahanap, alam mo na kung saan ako makikita. Sa pag sama ko kay Arcel may na natuklasan ako. Ihanda mo ang sarili mo, may mas malaking kaganapan pa ang mangyayari. Na dapat natin paghandaan. "

A Lover, Lair and a Legend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon