Pamagat: A Lover, Lair and a Legend
"Once There was a Sea " Book 2
May-akda: R. Ramzky Hernandez
Tema: pantasiya at romansaEpisode 2 (PAST)
"Excuse me, mawalang galang lang po sa inyo. Ano po ang meron?" Sinalubong agad ni Jimmy ang mga crew team ng isang sikat na tv network.
"Good morning sir, mga taga TVC po kami, from KMKJ ni miss Karina. Hinahanap po namin si Sashal Linmoko. Ang nag upload nang viral video ng isang Kataw dito mismo sa karagatan ng Dapdap." Tugon agad ng isang reporter na nakipagkamay kay Jimmy.
"Teka walang Sashal dito. Ako si Jim. May ari nitong resort. At ano ang tungkol sa video? Kataw? Walang ganun dito sa dagat namin."
"Nakipag ugnayan sa amin si Miss Linmoko. At sinabi niya guest daw siya dito. Maari ba namin siya puntahan? " Paliwanag ng reporter.
"Pasensiya na, pero bawal ang ganito dito sa resort ko. You should have first coordinate with me bago kayo basta basta na lang pumunta dito. At please lang paki off ng camera. This is a private resort at marami kaming VIP guests na gusto nang privacy. Baka magambala ang relaxation nila kapag makita nilang may taga TV network dito." Pakiusap ni Jimmy.
"Saglit lang naman po sir, si Miss Linmoko lang naman ang kailangan namin. And besides this will help your resort na mas makilala pa, dahil e fe- feature namin itong Dapdap." Sabi pa ng reporter.
"Pasensiya na talaga, kontakin niyo na lang iyang sinasabi niyong Sashal at sa iba na lang kayo gumawa nang interview." Pagharang ni Jimmy, walang nagawa ang crew team ng reporter kundi ang sumunod sa sinabi ni Jimmy.
Pasakay na sila ng kanilang van nang dumating si Sashal, pinigilan nito ang team. Ngunit nanindigan si Jimmy na bawal ang pinaplano nilang interview. At bilang respeto sa privacy ng resort nagpasya ang reporter na sa ibang lugar na lang gagawin ang interview.
Sumama narin sina Sashal at mga kaibigan nito sa mga reporter. At nang maka alis ang van, napakamot sa ulo nito si Jimmy. Napansin ito ni Juno kaya nilapitan siya nito.
"Mga reporter ba iyon mahal? Ano ang gagawin nila dito?"
"Ang mga kabataan na kasama natin kahapon, inapload Ang nakuhanan nilang video,ayon maraming nagka interesado sa kuwentong Kataw. Pinigilan ko, ayukong mabulabog ang lugar na ito dahil lamang sa mga iyon." Tugon ni Jimmy.
"Tingin mo, si Pawi kaya Ang nakuhanan nila ng video?" Tanong ni Juno.
"Hindi ko masabi, pero posible. Dumating si Pawi dito kung kelan nila na kuhanan ang buntot ng isang Kataw. Pero baka ibang Kataw din iyon." Ayon pa kay Jimmy.
"Mahal, mukhang hindi lang ang video na iyon ang makikigulo sa atin. Pasemplihan mo nang tingin sa bandang likuran mo. Sa may cafeteria, hindi ba kasamahan din iyan ng mga iyon. Siya din iyong sumaklolo kay Pawi."
Napansin ni Juno, ang nakasunod at nakamasid sa kanilang si Jelo.
"Akala ko ba, umuwi na iyan?"
"Nag book uli ng one week accomodation dito. Ayon sa inutusan ko. Anak pala iyan ng Mayor ng Himvis. Ewan ko nga ba at nag extend pa iyan dito. Pero tingin ko may gagawing hindi maganda yan rito. Panay ang tanong niya sa mga staff natin tungkol sa mga Kataw at Sirena." Ayon pa kay Juno.
"Ngayon nagpaparamdam na naman ang mga lahi niyo mahal, kailangan maging handa tayo. Lalo na sa sinasabi ni Pawi na napipintong labanan ng mga tao at Kataw. Kung totoo man iyon." Sabi pa ni Jimmy
"Alam kong hindi hahayaan ni Neru na umabot pa sa hidwaan ang lahat. Nangako na si Neru na magtalaga ng harang para sa kapayapaan ng dalawang mundo."
"Pero bakit niya hinayaan si Pawi, at inutusan pa na hanapin tayo. Hindi ba at parang may mali?" Pagdududa ni Jimmy.
BINABASA MO ANG
A Lover, Lair and a Legend
FantasíaAfter the last few years the Island in Guimahol has been peaceful and quiet. The once-buried story of the so-called mere waters is making itself felt again. After a sudden storm, Jimmy had a hunch, Juno agreed with it Especially when they met Pawi...