Ipinagpabukas na ni Jelo ang mga katanungang bumabagabag sa kanyang isipan. Nakatulog ito na si Pawi ang nasa ala-ala.
Wala pang ilang oras nang magising si Jelo sa kaluskos ng mga dahon sa labas ng kanyang tent. Napabangon ito bigla nang marinig ang pamilyar na boses at tinatawag ang pangalan nito. Agad na lumabas si Jelo para tingnan kung tama ang kanyang hinala.
At doon tumambad sa kanyang harapan ang hubot hubad na katawan ni Pawi na nakatayo hindi malayo sa kanyang tent. Tinatawag siya nito at pinapasunod sa kanya.
Agad na tumugon si Jelo. May tila anong magnetismo si Pawi na tila hinihila Ang mga paa ni Jelo para sumunod sa kanya. Hanggang sa namalayan na lang ni Jelo na nasa dalampasigan na silang dalawa.
Tinawag pa ni Pawi si at pinapalapit sa kanya. Hindi mapigilan ni Jelo ang sarili na mamangha sa kakisigan ng katawan ni Pawi. Para itong inukit na rebulto na perpekto at pantay ang pagkakalilok. lalakeng-lakake si Pawi sa paningin ni Jelo at subrang nakakaakit. Bagay na hindi maipaliwanag nito sa sarili bakit may ganun itong nararamdaman sa kapwa niya lalake, Lalo na dito kay Pawi.Dahil sa pagkakaalam ni Jelo sa sarili, straight siya.
"Halika, may ipapakita Ako sa iyo" Sabi ni Pawi habang inaabot nito ang kamay kay Jelo.
Nang maglapat ang mga palad ng dalawa, biglang nagsi hampasan Ang malalaking alon sa dalampasigan at lumabas bigla ang ihip ng hangin sa paligid. Napa atras si Jelo sa kaba. Ngunit napawi ito nang nakaka halinang mga titig ni Pawi sa kanya.
Nagpatuloy ang dalawa sa dagat, lampas na sa kanilang beywang Ang tubig. Humarap si Pawi kay Jelo at may ipinakita ito sa kanya. Hawak sa kamay ni Pawi ang isang kuwentas na gawa sa halamang dagat at sa dulo ni Ang isang pamilyar na bato kay Jelo. Ang kulay kahel na bato na minsan nang napanaginipan nito.
isinuot ni Pawi ang kuwentas kay Jelo. Saka may binulong ito sa kanya.
"uuwi na tayo, pinapasundo kana sa akin ng mama at Lola mo." kasunod nito, tila isang malaking unos ang lumukob sa buong karagatan.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jelo na puno ng mga katanungan sa sarili.
Naging maingay ang dagat,lalong lumalakas ang hangin sa paligid. At ang mga alon tila nangangalit at ang lalaki.
Takot ang bumalot kay Jelo. Napakapit ito nang mahigpit kay Pawi , napayakap ito kay Pawi. Napasigaw si Jelo nang makita ang paparating sa kanila na alon. isang napakalaking alon, kasing taas ito ng isang gusali. At tinutumbok ang dalawa.
Napahigpit nang husto ang yakap ni Jelo kay Pawi.Nilamon ang dalawa ng alon. Dahil sa lakas nabuwag ang dalawa. Pilit na kumakawala sa tubig dagat si Jelo, nahirapan itong huminga sa ilalim ng dagat,.Nagpupumiglas ito ngunit napakalakas ng agos ng tubig.At kahit Anong kampay nito hirap itong maka-ahon. Nabalot ito ng subrang takot, habang ramdam nito na nawawala na ito ng hininga.
Hinabol ni Pawi si Jelo, at nang mahawakan nito sa kamay ang lalake agad niya itong hinila at kinabig palapit sa kanya.
"magrelax ka lang, hindi ka mamamatay sa sarili mong mundo" wika ni Pawi.
Nagulat at nagtaka si Jelo bakit naririnig nito na nagsasalita si Pawi gayong hindi naman nito binubuka ang mga bibig. Biglang lumapit sa kay Jelo si Pawi at agad siya nitong binigyan ng halik sa labi. Nabigla si Jelo sa halik na iyon sa kanya ni Pawi.
"Makakahinga ka na." muling salita ni Pawi.
"Nagsasalita ka?" tanong sa isip ni Jelo na may pagtataka.
"naririnig kita,at naririnig mo ako. makapag usap tayo gamit ang ating isipan. Kaya huwag ka magtaka dahil makakasanayan mo rin ito. Tara may nag hihintay sa iyo." at hinila ni Pawi si Jelo, Lumangoy Ang dalawa sa pinaka ilalim pa ng dagat.
BINABASA MO ANG
A Lover, Lair and a Legend
FantasyAfter the last few years the Island in Guimahol has been peaceful and quiet. The once-buried story of the so-called mere waters is making itself felt again. After a sudden storm, Jimmy had a hunch, Juno agreed with it Especially when they met Pawi...