A Lover's Game

69 1 0
                                    

"Smell FISHY"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Smell FISHY"

Nakauwi na sina Jelo at Pawi nang mapagusapan nila ang nakilala nilang engineer na si Martin. Laking pagtataka ni Jelo kung bakit nakilala siya agad nito,gayung ngayon lang sila nagkita at nagkakilala. Napag usapan din nila kung bakit ang bilis ng konstraksiyon sa site gayong kakalabas lang ng balita tungkol sa project ng kanyang ama.

"Akala ko Ako lang ang nakakaramdam nang kakaibang sa tao na iyon. May kung ano sa kanya na hindi ko mawari kung ano. Maiba ako, ano ba ang pagkakakilala mo sa ama mo?" tanong ni Pawi kay Jelo

"Wala akong pakialam sa ama ko, hindi naman siya naging ama sa akin. Ginagamit niya lang Ako para bumango Ang pangalan niya sa mga tao. At isa pa may sariling pamilya iyon. Bakit mo naman naitanong?"

"Alam ba ng ama mo na isang Kataw ang Ina mo?" tanong muli ni Pawi

"Hindi ko alam, lumaki na kasi ako sa lolo ko at hindi ko na naitanong sa kanya Ang kabuohang kuwento tungkol sa kanila ni mama."tugon pa ni Jelo

"Kasi baka ,kaya ito ginagawa ng ama mo, dahil may alam talaga siya tungkol sa mga Kataw at Sirena. Diba nga ginawa ka pa niyang mascot bilang Kataw sa oceanarium niya. Hindi kaya alam niya na Ang tungkol sa Dapdap?" ayon pa kay Pawi.

Napaisip nang husto si Jelo sa sinabi ni Pawi. At bilang Isa nang Kataw nangangamba ito sa magiging epekto at panganib nito sa kanyang kalahi.

Mabilis ang pagusad ng pagpapatayo ng resort and hotel sa tabi ng Dapdap.At kinabahala din ito ng mga taga Dapdap. Dahil sa Oras na magsimula nang gumana Ang operasyon ng katabing resort, mabubulabog ang santuwaryo ng mga taong Kataw.

"Boss Juno, wala ba tayong gagawin dito? Sa Oras na dadagsain na ng mga tao ang resort na iyan, hindi maiiwasan na mangyari na namang muli Ang nakaraan."  pagsangguni ng tauhan ni Juno sa kanya.

"Hanggat hawak ko Ang kasunduan at selyo ng batas nating mga Kataw. Hindi mangyayari Ang pinangangambahan natin. Gayun pa man, maging alerto kayo. tulad niyo, iba ang pakiramdam ko sa resort na iyan." tugon ni Juno.

"Ama ni Jelo ang nasa likod nito, paano kung kakausapin natin si Jelo na pigilan niya ang kanyang ama mahal." ayon pa kay Jimmy.

"Ginawa na ni Jelo iyan, ngunit baka mas lalong mabigyan  lang natin ng ediya Ang ama ni Jelo kung kukuntrahin pa natin ang ginagawa nila. Hahayaan na muna natin sila. hanggat wala silang ginagawang mali laban sa atin hindi tayo kikilos mahal." sagot pa ni Juno.

Malaki ang naging epekto sa mga taong Kataw sa tinatayong resort sa tabi ng Dapdap. Hindi man pinapakita ni Juno ang nararamdaman sa mga kalahi nito, nababahala din ito sa maaring masamang dulot sa pinapangalagaan nilang kasunduan.

Hindi rin mapakali si Jelo sa posibleng mangyari sakaling magsimula na nga ang pinapatayong resort ng ama. Sa kabilang banda ang nabubuong ugnayan sa pagitan nina Jelo at Pawi ay hindi rin nakaligtas sa mapanuring mata ni Arcel na bukas nang umamin sa kaibigang si Jelo na may gusto ito dito. Nagpasya ang mag babarkada na mag camping sa lugar nina Kristel upang ipagdiwang ang kaarawan nito. At sumakto pa ang araw sa kanilang paglisan sa full moon. Bagay na pinangangambahan ni Pawi.

A Lover, Lair and a Legend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon