Chapter 1: Hide.
Nakasandal ako sa sa upuan ng taxi ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag, ng tingnan ko ang name ng caller ay agad akong kinabahan.
Liam Craide is calling.....
Sa sobrang taranta ko ay mabilis kong tinanggal ang sim at binasag iyon. Pinower-off ko din ang cellphone.
Sa konting paggalaw kong iyon ay kumirot ang likod ko kaya napangiwi ako, medyo tumataas nadin ang lagnat ko at nilalamig na rin. Kahit nahihirapan mang gumalaw ay naghanap ako ng jacket sa aking bag na masusuot.
Pagkatapos ang ilang oras na byahe ay bumaba ako sa terminal ng bus para sumakay uli.
Medyo nahilo panga ako sa pagbaba dahil sa sobrang init idagdag mopa ang nasusuka ako kaya naghanap muna ako ng restroom at bumili ng tubig sa may tindahan.
Nung medyo nahimasmasan ako ay nagcrave bigla ako sa pakwan na may lady's choice at chocolate kaya tumayo ako sa pagkakaupo kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay naglakad ako sa malapit na tindahan para bumili. Bumili narin ako ng gamot dahil nakalimutan ko kaninang uminom.
Bitbit ang aking binili kasali pa ang bag ko na may mga damit ay sumakay na rin ako ng bus para makaalis na.
Habang nasa byahe ako ay nilantakan ko na ang aking pakwan na nilagyan ko ng lady's coice at sarap na sarap ngumuya,may mga napapatingin pa nga sa akin ngunit sinawalang bahala ko nalang ang mga ito.
Nang maubos ay ininom kuna ang paracetamol at mefenamic para sa lagnat ko at sugat sa likod. Medyo kumikirot din ang ulo ko kaya napagdesisyonan kung umidlip muna.
Nagising ako sa mahinang tapik sa aking balikat kaya napamulat ako dahil sa gitla. Nabagnat ang likod ko sa aking ginawang pagtayo kaya napangiwi ako, napatingin rin ako sa tumapik sa braso ko ng mapagtanto na ang kundaktor ito ng bus kaya nahihiyang tumungo ako.
"Iha, andito na tayo sa may Laguna" tumango ako sa konduktor ng bus at tinulungan nyakong ibaba ang bag ko dahil naramdaman nyarin ang init ng katawan ko dahil sa lagnat.
Nagpasalamat nalang ako at naghintay ng tricycle na dumaan para makapunta ako sa bahay ni Nanay Morgia. Naiisip ko kasi na doon muna ako kay na Nanay Morgia tumira panandalian bago pumunta sa malayo.
Si Nanay Morgia ay ang katulong namin dati na nagpalaki sa akin. Naikwento ko sa kanya ang nangyayari sa akin kaya sinabihan nya akong umalis na bahay ng asawa ko at tumira sa kanya.
Magisa lang si Nanay morgia sa kanila dahil namatay na ang asawa nito nung kabilang taon. Ang anak naman nila na si Ate Sabina ay nasa ibang bansa upang doon magtrabaho bilang isang doktora.
Natext ko narin naman si Nanay na malapit nako kaya naman may nakita akong papalapit na tricycle sa may bandang tinatayuan ko. Nakita ko ang kasakay na si nanay morgia habang kumakaway sa akin.
Ngumiti nalang ako ng maliit dahil sumasakit ng todo ang likod ko at tumaas pa ang lagnat ko.
Nang tumigil ang tricycle sa harap ko ay nakita kung bumaba sa tricycle si Nanay at yayakapin na sana ako ng naramdaman nya ang singaw ng init ng katawan ko.
"Ay juskong bata ito ano't nilalagnat ka?" May pagaalala sa boses nito at hinawakan ang noo ko.
"Alam nyo na ang dahilan Nay. Kumikirot na nga din po ang likod ko dahil sugat" mahina kung sabi kaya tiningnan nya ako ng naaawa at pag-alala. Alam narin naman ni Nay ang nangyayari sa akin dahil kinukwento ko sa kanya ang lahat.
YOU ARE READING
Running away to my abusive husband
General FictionHow can you live your life peacefully if you are destined to someone who's going to make your life misserable? After four years of being married to Craide. Arriane left him. Hindi na niya kinakaya ang pangaabuso nito at pagmamalupit sa kanya lalo na...