Chapter 5: Check up is equal to four
Nagising ako ng maaga kaya napagdesisyonan kong mag jogging sa labas. It's 5:32 am palang kaya magandang magjogging dito bukod sa malawak ay madali ka lang din makakabalik sa bahay. Hindi nga pala kami natuloy noong nakaraang linggo sa pag papacheck-up, nagkaroon kasi ng emergency sa company na pinagtatrabhuhan ni Sayy.
Magdadalwang linggo na rin pala ako dito kina Sayreen at masasabi kong payapa ang aking buhay.
Nag leggings at black na sando lang ako-dahil hindi naman ako pepedeng magsuot ng sports bra dahil medyo sariwa pa ang sugat ko sa likod.
Naka high ponytail naman ang buhok ko para di masyadong mabasa ng pawis. Nakaready na akong umalis ng marinig ko ding bumukas ang pinto. Napatingin naman ako kay Sayreen na mukhang gulat parin habang nakatingin sa akin. Kagaya ko ay naka leggings din ito pero sports bra naman ang suot nya.
"Good Morning Say" matamis akong ngumiti ng bumati din ito ng pabalik.
"Good morning too, jogging?"tumango ako kaya napagpasyahan naming sabay nalang kami. Napalingon ako sa paligid uli ng may maramdaman akong nakatingin pero gaya ng kahapon wala namang tao, weird.
"Tara na?" tanong nito kaya tumango ako. Dahan dahan lang ang takbo namin para masulit namin ang pagjo-jogging at makapag kwentuhan uli.
MAHIGIT isang oras din kaming nagtatatakbo kaya pagod na pagod kaming umuwi ng bahay,humahapdi narin kasi ang likod ko . Nilakad na namin dahil baka hindi ko na kayanin dahil bumibilis na ang takbo ng puso ko. Mahirap na at baka biglang mabigla ang baby ko sa tiyan. Naghiwalay lang kami ni Sayy ng maglilinis na kami ng katawan, buti nalang at dalwa ang banyo nya dito sa bahay.
Kinakabahan nga ako para sa pagchechekup pero at the same time naeexcite! Sana maayos lang ang mga baby ko at di naapektuhan sa pagmamalupit na ginawa sa akin ni Craide!.
IM wearing jagger na tinernuhan ko ng oversized t-shirt nagrubber shoes nalang ako para mas compatible sa aking suot. Ang dadalhin ko lang na gamit ay wallet at cellphone para hindi na masyadong mabigat kung magdadala pa ako ng bag.
Mas nauna akong matapos kay Sayreen kaya naghintay pa ako ng 10 minutes sa kanya. Nakasakay kami ngayon sa tricycle dahil wala naman kaming mga sasakyan, no choice narin naman eh.
"Girl okay kalang?namumutla ka" nagaalalang tanong ni Sayy kaya ngumiti ako ng maliit. Medyo nahihilo kasi ako.
"Okay lang siguro ay gutom lang"pagdadahilan ko nalang. May kinalkal naman ito sa kanyang bag kaya nagtataka akong nakatingin lang sa kanya. Ng makita na nya ang kanyang hinahanap ay may iniabot ito sa aking tinapay. Nagpasalamat ako at tinuon nalang ang tingin sa labas ng tricycle. Inabot kami ng isang oras bago makadating sa hospital kaya nangangalay ang aking pwet ng tumayo ako. Naglakad kami papasok sa hospital kaya nanlalamig ang aking palad at paa dahil hindi ako sanay sa hospital. May kinausap lang kaming doctor bago ako iultrasound kaya ilang minuto din kaming naghintay bago ito dumating.
NAKAHIGA na ako ngayon sa hospital bed habang nakataas ang suot kung damit. May nilagay din ang doctor sa aking tiyan na gel bago umpisahang iultrasound. Nakatingin lang kaming lahat sa t.v na nakaconnect sa ginagalaw nya sa tiyan ko ng marinig ko itong magsalita.
"Nakapagcheck-up kana ba before?"
"Hindi pa po,bakit po?may problema ba?"tanong ko. Nagumpisa na akong kabahan but the doctor just smile to me kaya napawi ang kabang nararamdaman ko.
"Don't be nervous iha" pangpapakalma nito sa akin kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Sayreen.
"How about my baby?" tanong ko kaya ngumiti ulit ito.
"Your baby?the babies is totally fine iha" nakangiting sabi nito sa akin kaya napatingin ako kay Sayreen na naluluha. Babies?so madami sila?
"Babies?"tanong ni sayreen kaya tumango ang doctor.
"Yeah tama ka ng narinig but hindi lang isa ang dinadala ng kaibigan mo kundi apat" magiliw na sabi ng doctor kaya naiiyak akong yumakap kay Sayreen. Hindi mafunction ng utak ko ang aking narinig but isa lang ang nasa isip ko meron akong apat na babies sa tummy ko.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil sa aking nalaman. Gosh im having four babies on my tummy and i didn't expect that, ang hula ko lang ay isa lang talaga kaya nakakagulat na apat agad. Kaya pala mabilis akong mapagod ha!apat pala kayong nagaagaw agaw sa lakas ko.
Halos mapunit na ang aking mukha dahil sobrang laki ng ngiti ko,sobrang saya nga din ni Sayreen dahil ang dami nya daw magiging inaanak kaya natawa ako sa kanya. Mamumulubi sya sa anak ko,apat ba naman!.
"Hoy girl ha lakas makagawa ng anak yang asawa mo biruin mo yon unang sagad apat agad" walang preno ang bunanga ni Sayreen kaya nahihiya akong tinampal sa braso ito.
"Ang ingay mo, nakakahiya pinagtitinginan tayo" bulong ko dito kaya narinig ko ang malakas na tawa nito.
"Hayaan mo sila inggit lang yang mga yan"pagbibiro nito kaya malakas na ang pagkakatampal ko sa braso nito.
Napading naman ito kaya bago pa sya magreklamo ay niyaya ko na sya kaagad sa may tindahan ng mga pagkain. Hindi pa kasi kami kumakain kaya bigla agad akong nakaramdam ng gutom buti nalang at di na nagtanong yung doctor kanina kung kumain na ba muna ako bago magpacheckup!
"Hoy girl sure ka dyan sa kakainin mo?"paniguradong tanong ni Sayreen habang nakatingin sa pinggan ko.
"Oo naman,ano bang masama sa hawot na may sauce ng fishball?" pagtatanong ko dito kaya nakita ko ang mukha nitong nangangasim na naman.
"Hay jusko gayan ba talaga pagbuntis?" di makapaniwalang tanong nito. Tinawanan ko nalang sya at tinuloy ang pagkain. Sa karinderya pala kami tumuloy dahil hindi ko nagustuhan yung pupuntahan namin kanina,sobra kasing baho doon o dala lang ng pagbubuntis ko?
"Makisabay kana lang daw" kibit balikat kung sabi kaya iiling iling ito.
Natapos na namin ang pagkain kaya napagdesisyonan na naming umuwi. Maghahapon na kase at saka nakakaramdam ako ng antok.
"Girl ano na bakit ang tamlay mo na naman" nginitian ko lang ito at sumandal sa kanyang braso.
"Inaantok na kase ako Sayy" pagdadahilan ko kaya nilagay nito ang kamay sa aking braso.
"Sige tulog kalang muna Girl gisingin nalang kita pag nasa bahay na tayo"mahinang sabi nito kaya tumango ako.(nakasakay sila sa tricycle)Nagising lang ako ng may yumugyog sa aking balikat.
"Arria gising nandito na tayo"malambing na sabi nito kaya mabilis kong minulat ang aking mata. Nagpasalamat nalang kami sa driver bago iabot ang bayad. Pumasok na lang kami sa bahay at pagod na umupo sa sofa. Grabe pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginawang masyado!
"Akyat muna ako Arria bigla akong inantok" humihikab na sabi ni Sayreen, tumango nalang ako bago ipikit ang mata. Narinig ko naman ang yabag nito na paakyat sa taas kaya inayos ko ang pagkakahiga sa sofa.
Dito na muna ako iidlip hindi ko na kaya pang umakyat sa taas para doon humiga!.
-
E'reading,error's ahead and correct me if im wrong.Highly appreciated if you vote.
Hi to my reader's comment ka want kong malaman reaksyon mo sa chapter na ito(kung meron man)!
©2022
Unnoticed_Wp
YOU ARE READING
Running away to my abusive husband
General FictionHow can you live your life peacefully if you are destined to someone who's going to make your life misserable? After four years of being married to Craide. Arriane left him. Hindi na niya kinakaya ang pangaabuso nito at pagmamalupit sa kanya lalo na...