Chapter 7

124 8 0
                                    

Chapter 7: Baby boys



"Yung totoo Arria okay ka lang ba?" tanong ni Say kaya mahina akong umiling. Nandito parin ako sa sofa at tulalang nakatitig sa kawalan.


"Hoy magsalita ka nga, kinakabahan na ako sayo!" pagaalalang sabi nito pero hindi ko parin sya pinapansin. My mind went blank because of my dream.



"Arria??"


"Hayyyys, ahmm magtitimpla nalang muna ako ng maiinom natin. Magaalas-singko narin naman." pagsukong sabi ni Sayreen. Hindi ko parin ito binibigyang pansin kaya narinig ko na ang yabag nito patungong kusina.





Kusang naglandas ang luha sa aking mga mata ng tuluyan na itong makaalis.


H-hindi ko alam ang aking gagawin kung magkataong totoo ang aking naging panaginip!Salamat sa diyos at bangungot lang iyon.




Nagmuni muni pako ng ilang minuto bago napagpasyahan na sumunod sa kusina kay Sayreen. Rinig ko ang malalim na buntong hininga nito habang seryosong nagtitimpla ng kape.



Hindi pa siguro ako napapansin nito dahil busy-ing busy ito sa paghalo sa dalwang tasa.



"E-ehem" pagsamid ko kunwari para agawin ko ang atensyon nito. Gulat naman itong napalingon sa akin kaya ngumiti ako ng alinlangan.



"Oh, okay kana ba?"tanong nito kaya dahang dahan naman akong tumango.

"Kape?"tumango ulit ako sa tanong nito at lumapit sa kanya. Umupo narin ako sa tapat ng upuan nya at dahan dahang hinigit ang tasa ng kape.



Tinitigan ko pa ito ng matagal bago napagpasyahang inumin. Lutang ko ding inabot ang tasty na nasa may harapan ni Sayreen bago ito sinawsaw sa kape.



"Ano bang napanaginipan mo at ganyan ang nangyayari sayo?Umiiyak kapa at natutulala siguro sex ang napanaginipan mo no?ikaw ha, ano malaki ba?" pagbibiro nito kaya napangiwi ako.




"Grabi Sayreen, bunganga mo" pagkasabi ko ay umirap ito ng pabiro bago tumawa.



"Sus,ano ga?"kuryusong tanong nito kaya napa buntong hininga ako.



"Oo na malaki" kunwaring pagsuko ko kaya napatawa kami ng malakas.


"potangina WAHAHA ang intense na ng iyong buntong hininga tapos BWAHAHA ganan ang sagot mo" hagalpak na tawa ni Sayreen kaya natatawa akong pinagsabihan ito.



"Hoy Gaga ang tawa mo ang lakas baka mapabrangay tayo, madaling araw palang!"



"Tse wala akong pake basta masaya kana ule" pagtataray nito pero ramdam ko sa boses nya ang pagaalala. Napatingin ako dito at napangiti, jusko Sayreen kinikilig ako sayo ha!



Pagkatapos ng aming tawanan ay napabuntong hininga ako sabay inumpisahan ikwento ang aking napanaginipan. Seryoso lang itong nakikinig hanggang sa matapos akong magkwento.


"Tanginang panaginip mong yan, patayin ba naman ako!" iritang sabi nito kaya napaluha ako at napaisip ng malalim.


"Kaya dapat huwag ka nang bibili ng kotse" mabilis kong saad. Napairap naman ito nang may biro.


Tumahimik naman ako kaya hindi na nasundan pa ang paguusap namin dahil tahimik na ulit kaming inuubos ang kape. Gumaan narin naman ang aking pakiramdam kaya mauumpisahan ko ulit ang aking araw ng maayos!



 Running away to my abusive husbandWhere stories live. Discover now