Chapter 4

140 9 0
                                    

Chapter 4: Normal day


Natapos ang pagkain namin ni Sayreen ng puro suka langang naiaambag ko. Puro paghaplos lang ang nagagawa ni Sayreen sa akin kaya kahit papaano ay guminhawa ang nararamdaman ko.

Nakaupo kami ngayon sa may sala at nagkukwentuhan ng kung ano ano ng biglang mapunta sa akin ang topic kaya diko mapigilang maluha.

"Grabi girl binúbugbog ka talaga? As in?" Di makapaniwalang tanong nito kaya para akong batang tumango.


"Hanep eh ang sweet sweet nyo panga pag anniversary o di kaya ay kung anong okasyon" malakas na boses nito kaya lalong npalakas ang iyak ko. Nagaalala naman itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Sayreen he's just doing that for making anyone believed that we are a perfect husband and wife" pagsusumbong ko dito kaya dina nya alam ang gagawin sa pagpapatahan sa akin.

"Tahan na Arria baka mapano ka masama sa bata ang mastress" pagpapatahan nito sa akin kaya sisinghot singhot akong tumango.

"Salamat Sayy" i said as i hug her. May sinabi pa ito na kung ano ano bago sya umalis ng bahay dahil magstart na ang kanyang trabaho.



Bumalik nalang ako sa aking kwarto dahil hindi ko pa nalalagyan ng ointment ang aking sugat at pasa sa likod ko simula kahapon. Baka kasi maimpeksyon kaya kailangan kong magingat lalo na't sa paggalaw lalo nat buntis pa ako.


Bukas nalang ako magpapacheckup dahil day off daw ni Sayreen kaya magpapasama ako. Gusto ko ding bumili ng mga gamit pang kusina para naman hindi na kami palabas labas ng bahay para bumili pa sa mga tindahan.


Tapos ko ng lagyan ng gamot ang aking likod kaya humiga muna ako ng saglit bago tumitig sa kisame. Napahawak naman ako sa aking tiyan at hinaplos ito ng mabagal.


Kaya ko kayang palakihing magisa ang baby ko?Paano kung hindi ko kaya sa isiping palang na yon ay bumibigat na ang dibdib ko. Napahinga nalang ako ng maluwag at napagpasyahang magpainit sa labas. Baka may magustuhan akong gawin, tapos na kasi ang linisin sa bahay nilinis na ni Sayreen kaya wala akong magawa.



Dahan dahan akong tumayo sa paghiga para di masyadong mabagnat ang aking likod. Napapangibit parin ako dahil sariwa parin ang pasa at sugat. Napalakas ang buntong hininga ko dahil nagawa kong tumayo ng hindi kinakailangan ng tulong ng iba.


Kasalanan kasi to ni Craide eh kung hindi nya lang ginagawa sa akin yon edi sana maayos kaming dalwa ngayon.



Umalis na ako ng kwarto at bumaba na para magpaaraw. Gusto kong libutin ang buong bahay ni Sayreen para naman malaman ko kung saan ang pasikot sikot. Marami parin pala syang kapitbahay.



Napatingin ako sa mga taong nag-kukumpulan sa may gilid habang nakatingin sa mga construction workers na nagkumpulan din sa harap ng malaking bahay, sa tapat ng bahay ni Sayreen. Magrerenovate ata sila, ayon kase yung narinig kung usapan ng mga nagkukumpulang mga babae dito sa gilid ng kalsada.



Tinuloy ko nadin ang paglalakad ng may matanaw akong kotseng kulay asul. Ganda naman non mukhang mayaman ang may ari!. Napatingin ako sa may umuusok at natakam ng maamoy ko ang isaw.




Mabilis akong bumalik sa bahay upang kuhain ang wallet ko ng may maramdaman akong nakatitig sa akin. Napatingin tingin pako sa paligid ng mapagtanto na wala naman. Dali dali naman akong pumasok sa aking kwarto upang kunin ang wallet at masayang naglakad palabas ule. Kanina ko pa nararamdaman na may nakamasid sa akin pero diko naman makita kung sino at nasaan. Diko nalang yon pinansin at itinuon nalang ang aking sarili sa king patutunguhan, isawan!.




 Running away to my abusive husbandWhere stories live. Discover now