Chapter 6: Nightmare
"Mama" tawag sa akin ng isang batang lalaki habang nakahawak sa dulo ng aking damit. Taka naman akong nakatingin dito dahil wala naman akong anak. Nasa sinapupunan ko palang ang aking mga anak kaya't ano't papaano ako naging mama ng batang ito.
"Mama, hanap po kayo nina kuya Raide" pagpapatuloy nito kaya kusang gumalaw ang aking mga paa na sumusunod sa kanya. Tuwang tuwa naman ang batang lalaki ng sumunod ako sa kanya.
Teka nasan bako sino ba ang mga batang ito? bakit tinatawag nila akong Mama? Tila may ibang kumokuntrol mg aking katawan.
Hindi rin naman nagtagal nang may makita akong tatlong batang lalaki din na naguusap na akala mo ay matatanda na. Nang medyo malapit na kami sa kanila ay nagsalita ang batang may hawak sa aking damit.
"Mga kuya kasama ko na si Mama sabi ko sa inyo eh mapapasama ko sya" pagkasambit ng lalaki sa sinabi nito ay sabay sabay na lumingon ang tatlo at kaagad na ngumiti.
"Ang galing mo talaga Aiden kaya proud kami sayo eh" nakangiting sabi nung nasa pangalwang nakatayo na bata kaya humagikhik ang mga ito.
"tsk ako pa-" naputol ang pagsasalita ng batang si Aiden ng biglang nagkaroon ng pinto sa gilid namin at parang galit na binuksan ito. Bigla naman nangatog ang katawan ko ng makilala ang nagbukas ng pintong ito.
"C-craide?" kusang lumabas sa bunganga ko ang pangalan na iyon kaya galit itong bumaling sa akin.
"Ang lakas ng loob mong tawagin ako sa pangalan ko" galit na sabi nito kaya agad nagsituluan ang luha sa aking mga mata.
"Diba sinabi ko na sa inyo hindi sya ang Mama nyo!" bulyaw nito sa apat na batang lalaki habang nakayuko at umiiyak ng tahimik.
"But Dad she is-Shut up she's not your mother!" para akong tinusok ng kutsilyo sa dibdib ng makita ko ang pangangatog ng batang lalaking Raide ang pangalan dahil sa walangyang Craide na ito. Hindi na ako nakapagpigil at galit na sinampal si Craide.
"Walanghiya ka talaga, napakawalang kwenta mo! pati yang anak mo ay nagawa mong sigawan" hindi ko na alam ang aking ginagawa dahil tila may kumukontrol sa aking katawan.
YOU ARE READING
Running away to my abusive husband
General FictionHow can you live your life peacefully if you are destined to someone who's going to make your life misserable? After four years of being married to Craide. Arriane left him. Hindi na niya kinakaya ang pangaabuso nito at pagmamalupit sa kanya lalo na...