Chapter 2: He knows.
Third person P.O.V.
Natapos na ang meeting ni Craide ng maisipan nyang tawagan ang kanyang asawa upang sabihan na magayos ng bahay dahil pupunta ang kanyang mga kaibigan upang icelebrate ang ika dalwampu't tatlong anniversary ng company ng Adjedredos na kasalukuyang sya ang nagmamannage.
Ilang beses nyang tinawagan ang babae ngunit out of coverage lang ang paulit ulit na sinasabi kaya sa sobrang inis ay naibato nya ang kanyang cellphone dahilan upang makalikha ito ng malakas na tunog.
Nagmadaling umuwi ang lalaki upang sabihan si Arriane na kailangan nitong magayos at maglinis kahit na alam niyang hindi maganda ang lasa ng babae dahil sa ginawa nyang paglatigo ng sinturon sa likod nito.
"Fuck....fuck...Tangina"
Paulit ulit na wika ni Craide habang mabilis na minaneho ang sasakyan nito. Nang makarating ito sa tapat ng bahay ay nagmadali syang bumaba sa sasakyan niya at dali daling binuksan ang pinto. Hindi nito alam kung bakit nya ginagawa ito pero iisa lang ang nasa isip nya na baka nilayasan siya ng babae.
Saktong pagkabukas niya ng pinto ay sinigaw nya kaagad ang pangalan ng asawa ngunit ilang minuto na ang nagdaan ay walang sumasagot kaya matinding kaba ang namayani sa pagkatao nito at nagumpisa ng hanapin ang asawa.
Nalibot na nya ang buong bahay ay di nya nakita miski ang anino nito kaya naman nagmadali siyang nagmaneho pabalik ng kanyang kumpanya upang itrack ang babae.
Mahigit tatlong oras na ang nagdaan ngunit hindi nya parin matrack ang phone ng babae dahil patay ang cellphone ng asawa ay sa sobrang galit ay sinuntok nito ang lamesa bago napahilamos ng mukha.
Mukhang dumating na nga ang kinatatakutan nya, ang tuluyang mawala sa kanya ang asawa.
Sa kabilang banda naman ay kinakabahan na uminom ng tubig si Arriane dahil sa hindi nya inaasahang bisita, pati si Morgia ay napatigil sa planong pagalis upang maglaba ng kanilang tubalin dahil sa di inaasahang bisita at sa tabi naman ng pinto ay ang si Damion na hindi alam ang nangyayari sa kanyang paligid.
Arriane's P.O.V.
"Anong ginagawa mo dito?"may galit na patanong ni Nay Morgia. Miski ako ay nagtaka kung paano nya nalaman na nandito ako sa may probinsya. Kahit kinakabahan ako ay tumayo ako ng dahan dahan upang humarap kay Craide ng seryoso ang mukha.
Nakita ko naman ito na napatingin kay nay morgia bago lumingon uli pabalik sa akin.
"B-bakit ka nandito?" napalunok ako dahil sa pagkakautal ko ngunit tinatagan ko ang aking sarili kahit sobra sobra na ang aking kaba.
"Im here to fetch you my W.I.F.E." madiin na pagkakasabi nito at nahahalata mo ang pagdaan ng galit sa kanyang mata. Kinakabahan ako sa aking narinig at magsasalita na sana ako ng inunahan ni Damion.
Mariin at seryoso. "Pasensya na pare pero umuwi kana. Masama ang pakiramdam ni Arriane kaya kahit yon man lang ay irespeto mo." ng marinig ko ang sinabi nito ay kinabahan ako para sa kanya. H-hindi kilala ni Damion si Craide.....baka mapahamak siya!
Dahil sa namumuong tensyon sa buong sala ay parang may humalukay sa aking sikmura at naramdaman ko ang pagsuka kaya naman ay nagtatatakbo ako papuntang banyo.
Takte naman bakit ngayon pa!
Narinig ko pa ang pagtawag ni Craide, Nay' Morgia at ni Damion ngunit mas nanaig ang pagbaliktad ng sikmura ko kaya hindi ko sila pinansin.
YOU ARE READING
Running away to my abusive husband
General FictionHow can you live your life peacefully if you are destined to someone who's going to make your life misserable? After four years of being married to Craide. Arriane left him. Hindi na niya kinakaya ang pangaabuso nito at pagmamalupit sa kanya lalo na...