Bumaling ang tingin ni Sabrina ng marinig ang sinabi ni Magnus Anticlair. Kilala niya ang lalaking ito na palaging laman ng magazine, telebisyon at internet. Kaibigan din ito ni Jude na step sibling niya. Palagi itong bukambibig ng kanyang kapatid sa tuwing may family dinner sila. Ayaw lang niya sa pagiging presko ni Magnus kaya nagpanggap siyang hindi ito kilala.
"Nagkakilala na kayo two years ago?" Tanong ni Jude kay Magnus.
Nagtataka man sa tinutukoy ni Magnus, binalewala na lang iyon ni Sabrina. Kailangan pa nilang ligpitin ang mga kalat sa bar.
All around ang kanyang trabaho sa Lively bar pero isa talaga siyang bouncer. Kaibigan ng pumanaw niyang Ama ang may-ari nito na nasa ibang bansa ngayon. Siya ang pansamantalang nangangasiwa sa bar. Siyam na katao lang sila na nagtatrabaho sa Bar na iyon kaya lahat ng trabaho rito ay tulong-tulong sila. Hindi sila pwedeng kumuha ng panibagong tauhan sa bar dahil ayaw na ng may-ari. Maayos naman itong magpasweldo kaya kinakaya nila ang lahat ng trabaho.
"Haide, ilipat mo muna ang mga customer sa Lively studio. Isama mo si Pink, Yellow at Purple para may mag-asikaso sa kanila." Utos ni Sabrina sa kasama.
"Sige, kami ng bahala sa kanila." Sagot nito.
"Apple, ilista mo ang mga damages at prices ng mga nawasak na gamit. Sisingilin natin sa dalawang 'yan." Muli niyang sabi sa isa pa.
"Don't worry, nagawa ko na iyan. Nasanay na rin ako sa trabaho ko pagtapos ng gulo. Kaya ginawa ko na kahit wala pa ang utos mo." Pinakita nito ang hawak na notebook sa kanya habang nakangiti.
"Good. Tawagin mo sina Sandro, Sammy at Santo. Ipabitbit mo ang dalawang 'yan."
"Nariyan na sila." Turo nito sa tatlong bouncer na inutusan niya kanina para linisin ang limang lalaki sa likod ng bar. Iniiwasan niya talaga na magkaroon ng gulo sa loob ng bar pero hindi iyon maiiwasan tulad ngayon. Kailangan pa nilang mag-overtime para lang maglinis ng kalat.
"Okay. Simulan na natin ang paglilinis."
Naging abala ang grupo ni Sabrina sa paglilinis ng mga kalat sa loob ng bar, kaya hindi niya napansin ang paglapit sa kanya ni Magnus.
"Let me help you." Sambit nito sa kanya at nagsimulang itayo ang mga natumbang upuan at mesa.
"Tutulong na rin kami." Sambit din ng isa nitong kasama.
Hinayaan na lang niya ang mga ito. Hindi niya pipigilan ang pagmamagandang loob nito. Mas mabuti iyon para mabilis silang makatapos.
Lumapit din sa kanya si Jude. Narinig niya ang buntong hininga nito. Itinigil niya ang pagwawalis at hinarap ang kapatid.
"May sasabihin ka?" Tanong niya rito.
"Uuwi ka ba sa weekend? May family dinner tayo. Kailangan kumpleto tayo sa bahay. Baka magtampo ang Mommy mo kung hindi ka pupunta."
"Kung mananahimik si Jade sa isang tabi, baka pumunta ako." Sagot ni Sabrina tukoy sa bunsong kapatid ni Jude.
Jude is six years older than her. Three years naman ang tanda sa kanya ng kapatid nitong si Jade. Hindi sila magkasundo ng babae. Palagi siya nitong inaasar kapag nagkikita sila. Binabalewala na lang niya para sa kanyang Mommy. Ayaw niyang ito ang pag-initan ni Jade kapag pinatulan niya.
"Huwag mo na lang pansinin ang pang-aasar sa'yo ni Jade. Makulit lang talaga 'yon."
"Theater actress ang kapatid mo. Magaling siyang umarte sa harapan nyo pero lumalabas ang totoo niyang ugali kapag kami ni Mommy ang kaharap niya. Hindi niya ako maloloko."
BINABASA MO ANG
Badass Female Bouncer
RomanceMagnus Anticlair is a freaking hot model and a celebrity. He is famous when it comes to girls. Everyone was drown by his flirty seductive smile not until he met Sabrina Kim, the Badass Female Bouncer. Umubra kaya ang pagka-palekero niya sa supladan...