Chapter 9

966 43 0
                                    

Poot.

Galit.

Iyon ang nararamdaman ni Sabrina pagkatapos malaman kung sino ang pumatay sa kanyang Ama. Mas nadagdagan iyon ng tawagan niya ang Ina pero si Jap ang sumagot sa tawag niya. 

Flashback one hour ago. 

Nagising si Sabrina na mahapdi ang mga mata. Tahimik ang silid ngunit napansin niya ang basag na bintana. Nang maalala ang nangyari, kaagad niyang tinawagan ang kanyang Ina. Nagpasalamat siya ng mabilis nitong sinagot ang tawag niya. 

"Mommy-" 

"Sabrina." Putol ni Jap sa kanyang sasabihin. 

Umusbong ang galit ni Sabrina ng marinig ang boses nito. Pumapasok sa isip niya ang walang awa nitong pagpatay sa kanyang Ama. Namuo ang luha niya pero pinigilan niyang pumatak iyon. Ayaw niyang pumiyok ang kanyang boses habang kausap ito. 

"Uncle Jap. Nasaan si Mommy?" Pigil ang galit niyang tanong.

Nagtagis ang mga ngipin ni Sabrina ng tumawa ito sa kabilang linya. Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamay. Maging ang hawak niya sa phone ay humihigpit din.

"Sabrina, anak."

"Huwag mo akong tawaging anak, demonyo ka! Hindi kita Ama!" Sigaw niya pero malakas lang itong tumawa.

"Enough with this sh't! Nasaan ang memory card?" Seryoso nitong tanong.

"Ibinigay ko na sa mga pulis. Magbabayad ka na sa ginawa mo kay Papa!" Galit niyang sabi.

Muling tumawa si Jap. Mas lalong nagalit si Sabrina sa malakas nitong tawa.

"Sabrina. Sabrina. Nagmana ka talaga sa iyong Ama. Pareho kayong komedyante na labis na nagpapasaya sa akin. Kung ibinigay mo sa pulisya ang memory card, malamang hindi kita pinapahanap ngayon. Alam kong hawak mo pa rin iyon. Pumunta ka rito sa bahay at dalhin ang memory card. Kapag hindi mo ginawa, papatayin ko ang iyong Ina."

Kinabahan si Sabrina sa banta ni Jap. Nanginig ang kanyang katawan. Kaba at takot ang nararamdaman niya sa maaaring mangyari sa Mommy niya.

"S-sige, dadalhin ko sa'yo ang kailangan mo. Huwag mo lang sasaktan si Mommy." Kinakabahan niyang sabi.

"Good. Maghihintay ako." Sambit nito bago patayin ang tawag.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, hinanap niya ang memory card. Malinis na ang table kung saan nakalagay ang computer na ginamit niya. Binuksan niya ang mga drawer sa kwarto pero wala rin doon ang hinahanap.

"Si Magnus, baka itinago niya ang memory card."

Nagmamadali siyang lumabas sa kwarto. Nakita naman niya ang may edad na babae sa baba. Nanood ito ng TV sa salas. Tumayo ito ng makita siya. 

"Mabuti gising ka na. Nagugutom ka ba? May niluto ako sa kusina." Nakangiti nitong sabi. 

"Si Magnus po?" Tanong niya sa Ginang.

"May pinuntahan lang siya. Babalik din iyon mamaya. Halika, kumain ka muna habang hinihintay si Sir Magnus." Nakangiti nitong sabi.

"Pwede po bang humingi ng number-"

Natigilan si Sabrina sa pagsasalita ng mag-appear sa telebisyon ang breaking news.

Nanginig ang kanyang katawan sa nakita. Tila gripong umagos ang kanyang mga luha. Pinupunit ang kanyang dibdib habang nakatitig sa larawang nakapaskil sa telebisyon. Hindi niya matanggap ang sinasabi ng reporter. 

It was her mother. The only family she have is dead! 

"Mommy!" Sigaw niya.

Nanghina siya at napaupo sa sahig.

Badass Female BouncerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon