Chapter 7

1K 53 0
                                    

Dinala ni Magnus si Sabrina sa dating bahay ng kanyang pamilya. Tanging caretaker ang nagbabantay roon. Pumupunta lang ito tuwing sabado at linggo upang maglinis. 

"Kaninong bahay ito?" Tanong ni Sabrina sa binata. 

"Our old family house. Malayo na tayo sa syudad kaya hindi na tayo masusundan dito ng mga naghahanap sa atin." Sagot niya. 

Pumunta si Magnus sa kusina at binuklat ang mga kitchen cabinet. Naghanap siya ng pwede nilang kainin. 2:00 pm na at hindi pa sila kumakain ng tanghalian. Maswerte naman na may nakita siyang canned goods. Tiningnan muna niya ang expiration date bago buksan ang de-lata. Walang stock ng pagkain doon maliban na lang kung sinabihan nila ang caretaker na mamili. Dahil biglaan ang dating nila, wala silang pagkain maliban sa canned goods na iyon.

"Kumain muna tayo. Mamaya pa darating ang mga food supply na pinabili ko. Pagtiyagaan muna natin 'to." Sambit niya bago ibigay ang isang canned goods at kutsara kay Sabrina.

Tinanggap naman ito ni Sabrina at nagsimulang kumain.

"Yung lalaking kasama mo kanina, isa siya sa biglang dumating sa Lively bar 'di ba?" Tanong niya sa kalagitnaan ng kanilang pagkain.

"Yes."

"Anong kailangan niya sa'yo?"

"I don't know." Sagot nito.

"Alam mo ba kung ano ang nangyari sa Lively bar?"

Kunot-noo itong tumingin sa kanya.

"Anong nangyari sa bar?"

"Nasunog kagabi ang bar at isang bangkay ang nakita roon. Wala pang makita ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng bangkay."

Umiwas ng tingin sa kanya si Sabrina. Binaba nito sa table ang kinakain. Uminom ng tubig at muling tumingin sa kanya.

"May computer o laptop ka ba rito?"

"Meron sa kwarto ko. Halika, sasamahan kita."

"Ibaba mo rito,"

Natawa naman siya. Alam niya kung bakit nagdadalawang isip itong sumama sa kwarto niya.

"Wala akong gagawin sa'yo. Kung meron man, kanina ko pa ginawa ng pumasok tayo rito. Isa pa, computer 'yon at hindi laptop. Matatagalan kung isa-isa kong ibaba iyon dito."

Saglit itong nag-isip bago tumayo.

"Naalala mo 'yung sinabi ni Manong kanina? Mas masarap iyon gawin sa kama." Muli niyang sabi. 

"Magnus!" Namumula ang mukha nitong saway sa kanya.

Malakas naman siyang tumawa ng magkulay kamatis ang pisngi nito. Napaka-cute talaga nitong magalit. 

"Biro lang. Tara na," nagpatiuna siyang maglakad. Sumunod naman ito pero tumigil siya at biglang humarap dito.

Muntik na itong sumubsob sa dibdib niya pero mabilis itong nakaatras.

"What?" Tanong nito.

"Kung magbabago ang isip mo, handa akong... biro lang talaga." Mabilis niyang bawi sa sinasabi ng iangat nito ang nakakuyom na kamao. "Mataray ka na nga, brutal ka pa. Paano na ang bandila naming mga lalaki kung under mo ako? Masisira ang reputasyon ko niyan e." Bulong niya ng talikuran ito at muling naglakad patungo sa kwarto niya. 

"May sinasabi ka?" Tanong nito sa kanya. 

"Sabi ko, narito na tayo. Pasok ka na." Nakangiti niyang sabi pero inirapan lang siya nito.

Badass Female BouncerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon