Chapter 5

1.2K 50 2
                                    

"Hello, Sabrina." Nakangiting bati ni Magnus sa dalaga.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka niyang tanong.

"I don't know. Maybe, faith brought me here to start our future." Kumindat pa ito sa kanya habang nakangiti.

Inirapan naman ito ni Sabrina. Naiinis talaga siya sa pagiging presko ni Magnus. Akala siguro nito madadala siya sa palekero nitong ngiti. Hindi siya ganoong babae. Hindi porke gwapo, bibigay na agad siya. Nag-iingat din siya para hindi masaktan. Sa style pa naman ni Magnus, parang hindi ito mananatili sa iisang babae. Ayaw niya sa ganoong lalaki. 

Nabigla si Sabrina ng kabigin ni Magnus ang katawan niya palapit. Mahigpit siya nitong niyakap at sinubsob ang ulo sa balikat niya. 

"What are you doing. Get off me, Bastard!" Gigil niyang sabi habang tinutulak ito palayo. 

"Sandali lang. Na sa tapat natin ang babaeng tinatakasan ko. Gusto pa kasi niya ng second round pero ayoko na. Napilitan lang akong pagbigyan siya dahil maganda ang katawan niya pero hindi pasado sa akin ang performance niya sa kama. Hindi man lang siya marunong mag-blow-"

"Bastos!" Sigaw niya para pigilan ang sinasabi nito. Inipon niya ang lakas at bigla itong itinulak. Napasandal ito sa kabilang pinto dahil sa ginawa niya. Hinampas pa niya ito ng hawak na bote ng mineral water. 

"Wala akong pakialam sa problema mo. Lumayo ka sa akin. Lumabas ka rito. Nakakadiri ka. Labas!" Sasabihin pa talaga ang ganoong bagay sa kanya? It's a private thing. Ayaw niyang nakakarinig ng ganoon lalo na kapwa niya babae ang sinasabihan nito. Pakiramdam niya binabastos din siya. 

"Hey, stop it. Umaandar na ang taxi kaya hindi na ako makakababa." Sambit nito habang hinaharang ang dalawang braso sa mga hampas niya. 

"Kuya Driver, itigil mo sa tabi ang sasakyan. Palabasin mo ang isang 'to. Ayokong makapitan ng bacteria kapag nagtagal siya rito." Utos niya sa Driver. 

Kinabig naman ng driver ang manibela. 

"No! Please continue driving. Babayaran kita ng doble kapag hindi mo ako pinalabas." Pigil ni Magnus sa lalaki. 

Nakita ni Sabrina sa rear view mirror ang paghanga sa mga mata ng driver ng makilala si Magnus. 

"Sir Magnus Anticlair, ikaw po pala iyan? Pwede po ba mag-selfie tayo mamaya? Idol po kasi kita. Palagi kong pinapanood ang mga pelikula mo. Ang astig mo kasi roon. Meron din kaming mga magazine mo sa bahay. Tagahanga mo rin kasi ang panganay ko." Masayang sabi ng taxi driver.

"Alright. Basta huwag mo akong palabasin. Okay?" Sambit ni Magnus.

"Yes, Sir!" Masaya nitong sabi at nagpatuloy sa pagmamaneho. 

Huminga ng malalim si Sabrina at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Mukhang hindi niya maitataboy si Magnus kaya hinayaan na lang niya ito. 

"Saan ka galing at inabot ka ng gabi sa daan? 9:00 pm na ah." Tanong ni Magnus na hindi naman niya pinansin. 

"Kung hinahanap mo ang future mo, narito na ako. Hindi mo na kailangan pumunta sa malayo. Kusa na akong lumalapit sa'yo. Kaya chance mo na ito para sunggaban ako."

Hindi pa rin niya ito pinansin. Iniisip niya na kapag hindi siya nakipag-usap, titigil na ito sa pagsasalita. Pero, wala yata sa bokabularyo ni Magnus ang manahimik. 

"Anong inilagay mo sa inumin ko at ganito ako sa'yo? Nakatuon lang kasi ang tingin ko sa'yo. Wala akong nakikita kundi ikaw lang."

"Bumaling ka sa ibang direksyon para may makita kang iba. Baliw!" Masungit niyang sabi at bahagyang tumingin dito.

Badass Female BouncerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon