Chapter 12

960 45 1
                                    

Nagising si Magnus ng marinig ang malakas na tunog nang kanyang alarm clock. Bumalikwas siya ng bangon. Nagtaka siya ng makita ang kinaroroonan na silid. Kawayan na dingding at sahig. Bubong na yari sa nipa. Pumapasok ang liwanag mula sa bintana na natatakpan ng puting kurtina. Walang anumang gamit doon maliban sa higaan niyang kama na nakalatag sa sahig at isang cellphone na tumutunog. Akala niya alarm clock niya iyon.

Kinuha niya ang phone at sinagot ang tawag mula sa unregistered number.

"Hello? Sino 'to?" Mabilis niyang tanong sa tumatawag.

"Don't worry, you're safe." Sagot ng lalaki sa kabilang linya.

"Safe? Mula kanino? Sino ka ba?" Muli niyang tanong.

"This is Captain Alvarez. Muntik ka ng mapahamak kagabi pero mabilis kumilos ang kasama ko at iniligtas ka niya. Iniwan ka niya riyan para asikasuhin ang naiwan niyang trabaho."

Pilit inaalala ni Magnus ang sinasabi nitong nangyari kagabi. Bahagyang kumirot ang kanyang ulo. Marahan niyang hinilot iyon. Ang natatandaan niya lang ay pumunta sila ni Ken at Jude sa bar hanggang sumayaw siya sa dance floor. Bukod doon, wala na siyang matandaan.

"Bakit ako narito? Anong kailangan mo sa akin?" Tanong niya sa Kapitan.

"Alam mo ang nilalaman ng memory card 'di ba? Dahil doon, ikaw na ngayon ang target ni Jap Santos. Ibigay mo sa akin ang memory card para matapos na ang kasong ito. Malaking ebidensya ang nilalaman noon para mabulok sa bilangguan si Santos."

Nang maalala ang tungkol sa memory card, bigla na namang nalungkot si Magnus. Isa iyon sa dahilan kaya nagpakamatay si Sabrina. Doon nito nalaman kung sino ang pumatay sa Ama. Nagpatong-patong ang pighati nito ng mamatay rin ang Ina. Dapat na niyang ibigay iyon sa mga pulis para magkaroon ng hustisya ang Ama nito pero, nag-aalinlangan pa rin siya kung ibibigay kay Captain Alvarez ang memory card.

"Mapagkakatiwalaan ka ba Captain?" Seryoso niyang tanong sa Kapitan.

"Wala kang ibang pagpipilian kundi pagkatiwalaan ako, Mr. Anticlair. Bukod sa akin, wala ng makakatulong sa'yo." Seryoso rin nitong sagot.

Ilang saglit na natahimik si Magnus bago muling nagsalita.

"Kukunin ko lang sa bahay ang memory card. Saan tayo pwedeng magkita?"

"Magkita tayo mamaya sa tapat ng nasunog na Lively bar. 2:00 pm sharp. May sasakyan sa labas. Gamitin mo iyon para makaalis diyan. Mag-iingat ka."

Pinutol ni Magnus ang tawag. Tumayo siya sa kama pero muli siyang bumagsak.

"What the hell? Bakit masakit ang buong katawan ko?" Bulalas niya ng maramdaman ang kirot sa katawan.

Napahawak naman siya sa panga ng may sumaging imahe sa isip niya.

Napailing na lang siya habang tumatawa.

"D'mn illusion. Nasapak pa yata ako ng kasama ni Captain Alvarez kagabi. Ang sakit ng panga ko."

Pinilit ni Magnus tumayo at lumabas sa maliit na kubong kinaroroonan niya. Nakita naman niya sa labas ang isang asul na kotse. Sumakay siya roon at nakita sa keyhole ang susi. Bago niya pinaandar ang sasakyan, kinapa niya sa bulsa ang sariling phone. Nang naroon ang hinahanap, tinawagan niya si Ken na mabilis nitong sinagot.

"Tol, kamusta? Nag-enjoy ka ba kagabi? Dalawang babae ang kasama mo ah." Bungad na tanong nito sa kanya.

"Tol, nagtatrabaho sa NBI ang tiyuhin mo 'di ba? Kailangan ko siyang makausap. Pwede mo ba akong tulungan?"

Badass Female BouncerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon