"Sabrina!" Sambit ni Magnus ng makita ang dalaga.
Gusto niya itong yakapin pero nakaposas pa rin ang kanyang mga kamay. Hindi pa rin natatanggal ang packing tape sa kanyang katawan.
"Mabuti naman gumising ka na. Akala ko magpapabuhat ka na naman sa akin." Masungit nitong sabi.
Kumunot ang noo ni Magnus. Napuno ng pagtataka ang isip niya.
"You're real? D'mn! How is it possible? I'm not dead?" Sunod-sunod niyang tanong pero isang boses ng lalaki ang sumagot sa kanya.
"Muntik ka ng mamatay, Mr. Anticlair. Maagap lang ang kasama ko. Kung nahuli siya ng dating, baka natuluyan ka na."
Inalalayan siyang bumangon ni Sabrina kaya nakita niya kung nasaan siya ngayon. Nakahiga siya sa gilid ng tulay. Nakatigil ang ilang police cars sa paligid. Bumaling naman ang tingin niya sa nagsalita.
"Captain Alvarez? Narito ka rin? Ano bang nangyayari? Akala ko-" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng muli siyang tumingin kay Sabrina. Ayaw niyang lumabas sa kanyang bibig ang salitang patay na ito pero iyon talaga ang akala niya.
"Ipapaliwanag ko sa sasakyan. Umalis na tayo." Sambit ni Captain Alvarez.
"Sandali, Kapitan. Pwede bang alisin nyo muna ang posas ko? Nangangawit na ako rito oh. Isa pa itong packing tape sa katawan ko, para akong suman dito." Reklamo ni Magnus.
"Pasensya na, nakalimutan ko. Ms. Kim, ikaw na ang bahala sa kanya." Hinagis nito ang isang susi kay Sabrina.
"Yes, Captain."
Inalis naman ni Sabrina ang posas niya maging ang tape sa katawan niya. Tumayo si Magnus at inunat ang mga kamay.
"Sumunod ka na lang kapag tapos ka ng mag-warm up." Seryosong sabi ni Sabrina.
Mabilis hinawakan ni Magnus ang braso ni Sabrina. Nagtataka naman itong tumingin sa kanya. Ngumiti siya at hinila ito palapit. Natuod ito ng yakapin niya ng mahigpit.
"I'm glad your alive, My Sabrina. Nagkaroon muli ng buhay ang puso kong namatay ng makita ka at mahawakan. Thank you sa muling pagbabalik sa buhay ko." Madamdamin niyang bulong.
Masaya siya ngayon dahil hindi na ito isang ilusyon. Nayayakap na niya ito ng mahigpit ngayon.
"Huwag mo akong angkinin, Magnus. Kagabi mo pa 'yan sinasabi. Walang nagmamay-ari sa akin."
Bigla naman siyang tumingin dito. Hinawakan niya ang magkabila nitong balikat.
"Kagabi? Nagkita tayo kagabi?"
"Oo. Kasama ako ng mga pulis kagabi para iligtas ka sa mga nagtangka sa buhay mo. Sobrang lasing mo kaya siguro hindi mo matandaan." Sagot nito.
"Ikaw ba 'yung hinalikan ko kagabi?"
Umiwas naman ito ng tingin.
"No. Isa sa mga pulis ang hinalikan mo. Tara na. Naghihintay si Kapitan."
Ngumiti siya at inakbayan ito.
"Okay. Saan mo gustong mag-date?" Tanong niya rito.
Mabilis naman nitong inalis ang braso niya.
"Hindi tayo magde-date, siraulo ka. Aasikasuhin pa natin ang tungkol sa memory card. Kung ano-ano agad ang iniisip mo. Hindi pa nga tapos ang problema, date agad ang gusto mo."
Napasipol naman si Magnus ng marinig ang itinawag nito sa kanya. Katulad iyon ng huli niyang narinig kagabi bago tuluyang mawalan ng malay.
Sinadya niyang dumikit sa paglalakad ni Sabrina. Dumukwang siya rito at bumulong.
BINABASA MO ANG
Badass Female Bouncer
RomanceMagnus Anticlair is a freaking hot model and a celebrity. He is famous when it comes to girls. Everyone was drown by his flirty seductive smile not until he met Sabrina Kim, the Badass Female Bouncer. Umubra kaya ang pagka-palekero niya sa supladan...