Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina habang nakahiga ang dalaga sa kama. Nakatulog na ito sa sobrang pag-iyak. Nahirapan siyang pigilan ang pagwawala nito kanina hanggang manghina ito at bumagsak sa sahig. Maraming gamit ang nasira. Nabasag ang bintana ng ihagis nito ang monitor ng computer roon.
Lumapit siya rito at inalis ang tumulong luha sa pisngi nito. Kahit sa pagtulog, nagdadalamhati pa rin ito. Masakit para sa kanya na makita ito sa ganitong kalagayan. Hindi siya sanay na makita itong umiiyak.
"Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Sabrina. You can lean on me kapag hindi mo na kaya. I'm always here to support you, promise." Bulong niya rito.
Nalihis ang kanyang atensyon ng marinig ang tunog ng cellphone nito. Marahan niyang kinuha iyon sa bulsa nito.
Pinindot ni Magnus ang accept button ng makitang 'Mommy' ang naka-register na number sa screen.
Umiiyak na babae ang narinig niya sa kabilang linya.
"I'm sorry, Anak. Ayokong gamitin niya rin ako para mapahamak ka. Hinding-hindi ko na hahayaang maulit ang ginawa nila noon sa iyong Ama. Patawad. Mahal na mahal kita."
"Ma'am, this is Magnus. Kaibigan po ako ni Sabrina. Ayos ka lang po ba?" Tanong niya rito.
Kinabahan siya sa sinabi nito at walang humpay na pag-iyak.
"M-magnus, huwag mong pababayaan ang aking anak. Wala na siyang matatakbuhan ngayon. Hindi ko na siya kayang protektahan. Hindi ko na kaya." Umiiyak nitong sabi.
"Ma'am, please hold on. Ano pong ibig mong sabihin? Baka po makatulong ako."
"S-sa bahay namin ni Sabrina. M-may malaking painting doon ng garden na puno ng mga bulaklak. Sa loob ng frame may nakaipit na sulat. Isinulat ko roon ang lahat ng nalalaman namin mag-asawa tungkol sa illegal na gawain ni Jap. Pakiusap, kunin mo iyon."
"S-sige po. Pupuntahan ko."
"M-maraming salamat. Pakisabi kay Sabrina, mahal na mahal ko siya." Malungkot nitong sabi bago patayin ang tawag.
Napahilamos sa sariling mukha si Magnus. May kutob siyang hindi maganda ang kalagayan ng Ina ni Sabrina ngayon.
Binaba niya sa bedside table ang phone ni Sabrina. Kinuha niya ang sariling phone at tinawagan si Jude.
"Tol, gabi na ah. Napatawag ka? Kung magyaya ka ng inuman, pass muna ako ngayon. Masama ang pakiramdam ni Misis." Bungad nito sa kanya sa kabilang linya.
"Tol, pwede mo bang kontakin ang Daddy mo?"
"Si Dad? Bakit naman? Magagalit iyon kapag tinawagan ko sa ganitong oras. Ayaw n'on ng istorbo sa kanyang pamamahinga. Kilala mo naman kung paano magalit si Dad."
Hindi lingid sa kaalaman ni Magnus ang tinutukoy ni Jude. Nasaksihan na niya kung paano magalit si Jap noong na sa college pa lang sila. Na-detention sila ni Jude at Ken dahil sa pakikipag-away. Pinarusahan nito si Jude sa pamamagitan ng isang laban. Hindi nito pinatigil ang mga tauhan hanggat nakatayo si Jude. Naospital ito noon at muntik ng malumpo. Kaya nadala si Jude at hindi na nagbigay ng problema sa Ama.
"A-alam mo ba ang address ni Sabrina?" Muli niyang tanong. Kukunin na lang niya ang sinasabing sulat ng Ina nito.
"Anong gagawin mo sa bahay niya?"
"Gusto ko siyang bisitahin. Matagal ko na siyang hindi nakikita e." Dahilan niya sa kaibigan. Ayaw niyang mag-isip ito ng ibang bagay kapag sinabing kasama niya si Sabrina. Hindi siya nito titigilan hanggat hindi niya sinasabi ang totoo. Baka mapilitan siyang ihayag ang nakita sa memory card
BINABASA MO ANG
Badass Female Bouncer
RomanceMagnus Anticlair is a freaking hot model and a celebrity. He is famous when it comes to girls. Everyone was drown by his flirty seductive smile not until he met Sabrina Kim, the Badass Female Bouncer. Umubra kaya ang pagka-palekero niya sa supladan...