Makalipas ang tatlong linggo, bumalik sa dating gawain si Magnus. Trabaho, inom at babae ang palagi niyang ginagawa. Abala ang kakambal niya sa nalalapit nitong kasal kaya si Jude at Ken ulit ang kasama niya ngayon sa bar.
"Mas lumala yata ngayon si Magnus. Hindi naman siya sumasayaw dati pero ngayon parang gusto niyang sakupin ang dance floor." Puna ni Ken sa kaibigan.
Nakatingin lang naman si Jude sa mga sumasayaw na tao habang umiinom.
"Tahimik ka ngayon, Tol. May problema ba?" Tanong ni Ken kay Jude.
"Naglayas si Jade." Sagot nito.
"Baka kasama niya si David. Babalik din 'yon." Sambit ni Ken.
"No. Hindi rin alam ni David kung nasaan si Jade. Hindi ko rin makausap si Dad. Malaki ang pinagbago niya simula ng mamatay si Tita Amor." Malungkot na sabi ni Jude. Kapag iniisip niyang tunay na Ina si Amor, hindi niya maiwasan malungkot. Naramdaman niya ang pagmamahal nito bilang Ina. Itinuring din niya itong Ina pero naiilang pa rin siya rito. Huli na para bumawi sa pagkukulang niya bilang anak.
"Mabait kasi si Tita Amor kaya malaki ang naging epekto ng pagkawala niya." Muling sabi ni Ken.
"Mga Tol, sumayaw naman kayo!" Sigaw ni Magnus sa kanila habang palapit ito akbay ang dalawang babae.
"Tol, lasing ka na. Umupo ka na lang." Saway rito ni Ken.
Umupo si Magnus pero pinaupo rin nito sa magkabilang hita ang dalawang babae. Napailing na lang si Ken ng salitan nitong halikan ang dalawa.
"Mas malala talaga 'to ngayon." Komento ni Ken.
"S-sino sa inyo si Sabrina?" Tanong ni Magnus sa dalawa.
"Honey, we're not Sabrina. I'm Maria and she's Clara." Pagpapakilala ng babaeng nakaupo sa kaliwang hita ni Magnus.
"I thought, I'm kissing my Sabrina. D'mn life. Get lost. I don't need you anymore. I only need my Sabrina." Taboy nito sa dalawa.
Sa halip umalis mas lalong yumakap kay Magnus ang dalawa.
"We can be your Sabrina tonight, Sweety." Malambing na sabi ni Maria.
"Great!" Masayang sabi ni Magnus. "My Sabrina can punch and kick. Do you?" Tanong nito sa dalawa.
"We can do better using our hands and foot. We can use it to pleasure you, Honey." Mapang-akit na sabi ni Clara.
"Nevermind. Get lost." Bahagya nitong itinulak ang dalawa. Tumayo ang dalawang babae pero hinila rin ng dalawa si Magnus.
Tumawa si Clara ng masubsob sa kanyang dibdib si Magnus.
"Tol." Nag-aalalang tawag dito ni Ken.
"Kami muna ang bahala sa kaibigan nyo, Boys. Makakalimutan niya si Sabrina pagkatapos ng gagawin namin ngayong gabi." Kumindat pa sa dalawa si Maria.
Magkatuwang na inakay ni Maria at Clara si Magnus palabas ng Bar.
"Sa tingin mo ayos lang si Magnus? Ngayon lang siya lalabas ulit na may kasamang babae pagkatapos ng nangyari kay Sabrina." Tanong ni Ken kay Jude.
"Sabrina. S-she's my sister. My baby sister. I lost my baby sister." Umiiyak na sabi ni Jude.
Bumuntong hininga si Ken habang umiiling.
"Maghahatid na naman ako ng lasing." Sambit niya ng bumagsak ang ulo ni Jude sa mesa.
...
Samantala, kaagad pumara ng taxi si Maria at Clara. Isinakay nila roon si Magnus. Namumungay na ang mga mata nito tanda ng sobrang kalasingan.
BINABASA MO ANG
Badass Female Bouncer
Roman d'amourMagnus Anticlair is a freaking hot model and a celebrity. He is famous when it comes to girls. Everyone was drown by his flirty seductive smile not until he met Sabrina Kim, the Badass Female Bouncer. Umubra kaya ang pagka-palekero niya sa supladan...