Nabibingi na si Magnus sa paulit-ulit na tawag ng kanyang manager. Pinagrereport siya nito sa opisina sa gitna ng kanyang bakasyon.
"Hindi mo ba sasagutin iyan?" Tanong ni Magnum.
Pareho silang na sa bahay ngayon na bihirang pagkakataon para sa kanilang dalawa. Nakaupo sila sa stool ng kanilang mini bar sa bahay at syempre pareho silang umiinom.
"Ayoko. Walang katapusan na naman ang sermon niya. Naririndi na ako sa paulit-ulit niyang tanong. Bakit daw ako gumawa ng iskandalo, e, malapit na raw ang bago kong proyekto. Makakaapekto raw iyon sa binubuong loveteam namin ng leading lady ko. Hindi naman ako ang nagpakalat ng larawan namin ni Sabrina. Bakit kasi may journalist doon. Dalawang linggo na hindi ko pa rin nakakausap si Sabrina. Ang tagal kasi mamatay ng balitang 'yon. Baka pinepeste na siya ng mga reporter." Reklamo niya sa kakambal.
"Obvious naman na sinisira lang nila ang career mo gamit si Sabrina." Balewalang sagot ni Magnum.
"Wala akong pakialam na sirain nila ang career ko. Huwag lang nilang guluhin si Sabrina."
"Kung nag-aalala ka sa kanya, bakit hindi mo siya puntahan?" Suhestiyon ni Magnum.
"Tama ka na nag-aalala ako kay Sabrina pero, mas nag-aalala ako sa mga reporter. Maikli ang pasensya n'on. Nabalitaan mo ba 'yung nangyari pagkatapos pumutok ang balita tungkol daw sa tinatago namin relasyon? Nakita mo 'yung mukha ng isang reporter sa balita? Sinuntok niya iyon ng biglang nag-ambush interview. Kitang-kita sa balita ang pagtitimpi ni Sabrina pero ng nainis siya, sinuntok niya ang pinakamalapit na reporter sa kanya. Mabuti hindi nagdemanda 'yung reporter." Kwento niya kay Magnum. Detalyado talaga niyang sinabi dahil alam niyang hindi naman nito napanood ang balitang iyon.
"Napanood ko iyon. Kalat na kalat iyon sa internet."
Bigla naman siyang tumingin kay Magnum. Pakiramdam niya tinutubuan ito ng panibagong ulo dahil kakaiba ito ngayon. Wala itong interes sa mga local news kahit businessman ito. Sa edad nila ni Magnum, mas mahilig itong manood ng anime. Magaling lang talaga itong magtago.
"Interested ka na rin sa ganoong balita?"
"No. Crishel just told me about it." Tukoy nito sa fiancee.
Muling tumunog ang phone niya kaya bumaling siya roon. Papatayin na sana niya ang tawag ng matigilan. Mabilis niyang kinuha ang phone ng makita ang pangalan ni Sabrina sa screen.
"My Sabrina!" Masaya niyang bati ng sagutin ang tawag nito.
"Paano mo nalaman na ako 'to?" Seryoso nitong tanong.
Malawak naman siyang ngumiti kahit hindi nito nakikita.
"Nakalimutan mo na ba? Ibinigay mo sa akin ang phone mo noon para kunin ang number ko. Mabilis lang ako dahil nakapagdial na ako sa number ko. Tanda mo na ba?" Pagpapaalala niya sa eksena nila noon sa tabi ng kalsada.
"Binato ko 'yon sa'yo at hindi ibinigay." Pagtatama nito sa sinabi niya.
Tumawa naman siya dahil tama ito. Hindi talaga nito binigay ang phone kundi ibinato sa sobrang inis sa kanya.
"Akala ko kasi binigay mo. Paano mo pala nakuha ang number ko?"
"Hiningi ko kay Jude."
"Nakausap mo na ang kapatid mo?" Muli niyang tanong.
Marahan naman siyang tinapik ni Magnum. Tumingin siya sa kakambal. Sumenyas itong aalis na kaya tumango na lang siya. Bumalik ang atensyon niya kay Sabrina ng umalis si Magnum.
"Oo. Hindi ako makapaniwala na kapatid ko pala siya. As in, by blood. Akala ko mabait lang talaga siya sa akin. Iyon pala magkadugo kami." Sagot nito sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Badass Female Bouncer
RomansaMagnus Anticlair is a freaking hot model and a celebrity. He is famous when it comes to girls. Everyone was drown by his flirty seductive smile not until he met Sabrina Kim, the Badass Female Bouncer. Umubra kaya ang pagka-palekero niya sa supladan...