Makulimlim ang kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin. Napakalungkot ng paligid. May umiiyak, nagkukunwaring malungkot at walang ekspresyon. Isa si Magnus sa walang ekspresyon na makikita sa mukha habang nakatingin sa unti-unting pagbaon ng kabaong sa lupa.
"Bakit, Sabrina? Bakit mo ginawa ang bagay na 'yon? Narito kami para sa'yo. Mahal ka namin. Bakit mo ginawa sa amin' to? Bakit?" Nagdadalamhating sigaw ni Alicia. Nakaalalay rito ang asawang si Jude.
"Sweetheart, please stop crying. You're pregnant. Baka makasama sa baby natin ang labis mong pag-iyak. Tanggapin na lang natin ang nangyari. Magkasama na si Tita Amor at Sabrina sa langit. Isipin na lang natin na masaya na sila roon. Please, sweetheart. Stop crying." Pilit itong pinapatahan ni Jude.
"Jude, bring her home." Seryosong utos ni Jap sa anak.
Naikuyom ni Magnus ang kamay ng marinig ang boses nito. Hindi niya maiwasan na sisihin ang matanda sa nangyari kay Sabrina. Malaki ang naging epekto kay Sabrina ang ginawa nito sa Ama ng dalaga. Nagpatong-patong ang sakit at pangungulila rito kaya humantong sa pagpapakamatay.
Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Ken. Siya mismo ang pumunta sa presinto. Pinakita sa kanya ni Captain Alvarez ang mga ebidensya na magpapatunay sa katauhan ng bangkay. Masakit sa kanya na tanggapin iyon pero wala na siyang magagawa. Patay na si Sabrina at nag-iwan ito ng malaking ukit sa kanyang puso.
"Tol, umalis na tayo. Tapos na ang libing. Payapa na si Sabrina at Tita Amor." Sambit ni Ken sa tabi niya.
Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siyang nakatayo roon.
"Mauuna na ako sa'yo." Bahagya siya nitong tinapik sa balikat bago umalis.
Pinapatatag ni Magnus ang sarili pero tuluyan siyang bumigay pag-alis ng mga tao. Napaluhod siya sa harap ng libingan ni Sabrina. Sumabay ang langit sa kanyang pagdadalamhati. Bumuhos ang ulan pero hindi niya alintana ang pagkabasa.
"My Sabrina, why did you left me?" Nasasaktan niyang tanong. Pumatak ang luha niya pero hinuhugasan iyon ng tubig ulan.
"I told you, I'm just here. Bakit hindi ka tumakbo sa akin noong nahihirapan ka? Handa akong maging sandalan mo, Sabrina. Bakit mas pinili mong wakasan ang buhay mo kaysa lumaban kasama ako?"
Sumimoy ang malamig na hangin. Mas lumakas ang buhos ng ulan. Hinayaan niya iyon at patuloy sa pagdadalamhati. Hindi niya alintana ang lamig na dumadampi sa kanyang balat. Hindi iyon sapat para tuluyang mapawi ang sakit sa puso niya.
"Kararating ko lang pero ganyang itsura ang isasalubong mo sa akin? Kapag may nakakita sa'yo, baka isipin nilang ako ang may-ari ng pangit na mukhang 'yan." Sambit ng isang boses sa likuran niya.
Bumaling siya rito pero hindi niya makita ng malinaw kung sino ito dahil sa tubig na pumapatak sa kanyang mukha. Lumapit ito at tinapat sa kanya ang hawak na payong. Pinunasan naman niya ng palad ang mukha para makilala ito.
"So, she's the girl who made my brother's cry. Nice to meet you, Sabrina."
"Magnum?" Gulat niyang sabi ng makilala ang kakambal.
"Yeah. The one and only. Get up, brother. Idaan natin sa inom ang nararamdaman mo." Nakangiti nitong sabi habang nakalahad ang kamay sa kanya. Tinanggap niya iyon at hinila siya nito patayo.
"Boys, let's go!" Sigaw naman ng isang babae hindi kalayuan sa kanila.
"Who is she?" Tanong ni Magnus kay Magnum habang nakatingin sa babae.
"My fiancee,"
"Your kidding man." Hindi makapaniwala niyang sabi.
"I'm not. Iyan din ang dahilan kaya umuwi ako sa Pilipinas. We're getting married here." Nakangiting sagot ni Magnum.
BINABASA MO ANG
Badass Female Bouncer
RomanceMagnus Anticlair is a freaking hot model and a celebrity. He is famous when it comes to girls. Everyone was drown by his flirty seductive smile not until he met Sabrina Kim, the Badass Female Bouncer. Umubra kaya ang pagka-palekero niya sa supladan...