Chapter 38
Inked
Yakap-yakap ko ang aking sarili habang tinatahak ang daan—kung saan? Hindi ko alam. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang mabigat at masakit kong katawan lalo na ang buong pagkatao ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang muling pigilan ang mga luha kong kumawala sa 'kin. I swallowed and the pain I am feeling in my throat the whole worsened. Mas lalo kong naramdaman ang kakaibang lamig dahil sa pag ihip ng malakas na hangin.
Tumingala ako. Kitang-kita ko kung gaano kalawak ang kalangitan. The peace am seeing as I look up to the sky seems to sweep me there. I lost. For the nth time, I lost again. Natalo akong muli sa laban na ako lang ang nakakaalam. At ang kalaban ko mismo ay ang aking sarili.
Ilang oras pa akong nag lakad sa gitna ng madilim at malamig na kalsada hanggang sa matigilan ako nang mapagtanto ko kung nasaan na ako. Tiningala ko ang malaking gate nila. Hindi ko alam kung bakit ako narito. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Bakit ako narito?
"Tatiana?"
I slowly look back when I heard that voice. My heart beat slowed when I saw him. Agad na tumayo siya mula sa pav kung saan siya nakaupo kanina at mabilis na nilapitan ako. Bahagya pa akong napaatras dahil lang sa hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Bakit siya nasa labas? It's midnight already.
"Why are you here . . ."
He couldn't even finish his words at agad na naglakbay ang paningin niya sa kabuuan ko. I can't tell his expression because it's dark here where we are, but I can sense his anger and confusion while staring at me. Saka ko lang naalala ang itsura ko nang umalis ako sa bahay kanina. Na kung hindi ko naisip na kumuha ng jacket para ibalot sa katawan ko ay makikitaan na ako.
"What happened?" He said weakly and reach for my hands.
Ramdam ko kaagad ang mainit niyang kamay sa mga kamay ko. "What happened? Talk to me, please. What happened? Why are you almost naked?"
Nang marinig ko iyon ay muling nag balik sa isip ko ang mga nangyari. Ramdam ko ang muling pagkalabog ng puso ko at bawat pintig nito ay may halong kirot at bigat. Na sa sobrang sakit at bigat ay mas hihilingin ko na lang na huwag na muli itong tumibok pa. Na sa sobrang sakit ay tila nais kong dukutin ito mula sa dibdib ko nang sa gano'n ay hindi na ako makaramdam pa.
Nararamdaman ko pa rin ang mga hawak na ginawa niya sa akin. Ramdam na ramdam ko pa rin iyon sa bawat parte ng katawan ko at tila nakatatak na iyon sa buong pagkatao ko. Na kahit kinaya kong makatakas kanina ay hindi pa rin iyon naging sapat upang makaahon ako. I managed to escape earlier but what happened to me years ago didn't escape my mind at all. Ang ginawang pambababoy sa akin ng sarili kong ama ay patuloy akong hinahabol at pinapatay nang paulit-ulit.
At gaya ng nangyari noon, hindi pa rin ako pinaniwalaan ni Mama. Right. Why would she even believe me, e sarili kong tatay iyon? Hindi ko rin alam kung bakit umasa pa ako. I was still expecting her to believe me dahil alam kong nakita niya ang itsura ko pero bakit hindi pa rin? Bakit hindi pa rin siya naniwala? Bakit ako pa ang pinaalis niya? Ano bang kasalanan ko? May malaking kasalanan ba ako sa kaniya? Bakit hindi niya ako magawang mahalin bilang anak niya? Hindi ko na kasi maintindihan.
"Tatiana . . ." Jax uttered.
Tiningala ko siya. His eyes met mine. Kinagat kong muli ang ibabang labi ko upang pigilan ang emosyon ko ngunit hindi ko na kinaya. Para na naman akong sinasakal at pinapatay. Para na naman akong nalulunod. Tulong, Jax . . .
"I . . . uh . . . J-Jax . . ." I stuttered and in just a snap, I burst into tears and fell to the ground.
"Fuck! Tatiana!"
BINABASA MO ANG
Leaving Me Untamed
RomanceTatiana Louis Alcantara is dearly called "Aphrodite" at the bar where she works. Innocent yet wild-looking, everyone says. She once believed in fairytale love story and longs for a kinder prince to love her. Until she met the beast of her beauty-the...