Resignation accepted
"Do you have uh . . . You have your car, right?"
Tumapon ang tingin ko sa malapad niyang likuran dahil nauuna siyang maglakad sa 'kin habang ako ay halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil sa panghihina.
Nahihirapan akong isipin at i-process sa utak ko ang mga nangyayari. Ni hindi ako sigurado kung may naintindihan ba ako sa mga 'yon o kahit isa ay wala.
After that distressing conversation, after Jax pleaded to his parents about me in front of Jameson, agad din niya akong inalis sa lugar na iyon at mabilis na tumulak patungo sa parking lot ng building.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya kanina sa kaniyang mga magulang na nagulat din sa mga sinabi niya, maging si Jameson. Para bang kanina lang nila nakita si Jax sa gano'ng sitwasyon.
I don't even know how to react to it until now dahil patuloy ang pagsaksak sa akin ng konsensya. Pakiramdam ko ay mali na narinig ko pa ang mga sinabi niya kanina.
"I . . . I took a cab. Hindi pa kasi ako masyadong marunong magdrive kaya . . ." I couldn't even finish my words when he suddenly stopped at bumangga ako sa likuran niya.
Nang tingalain ko siya ay agad na nagtama ang mga mata namin. His eyes were still in bloodshot habang namumungay ito. Kitang-kita ko kung gaano siya nasasaktan ngayon at wala man lang akong magawa.
Umawang ang labi ko at nanatiling nakatingin sa kaniya. He sighed deeply and averted his eyes from me.
"Talaga bang iiwan mo na ang kompanya? Magbibitiw ka na sa posisyon mo?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.
Tumagilid siya. Kitang-kita ko ang side profile niya. Ang matangos at pointed niyang ilong, ang mahahaba niyang mga pilik-mata, ang tamang kapal na labi niya at ang perpektong hugis ng panga niya na sa tuwing nagagalit siya ay lalong humuhulma iyon.
Ngayon ko lang ulit siya natitigan nang ganito katagal at mas lalo kong napatunayan ang malaking pagkakahawig niya sa mga anak niya.
Naramdaman ko na naman ang kirot sa puso ko nang maalala ko sina Felicity at Greyson, at kung gaano na nila kagustuhang makita ang daddy nila.
I wonder how Jax would react once he sees our twins.
His jaw clenched and glanced at me for a moment before answering.
"Let's not just talk about that. Umuwi ka na lang muna." Matabang na sagot niya.
Bigla akong nahiya para sa sarili ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nanatiling nakatingin sa kaniya, waiting for him to look at me dahil gusto kong malaman ang iniisip niya.
"I'm sorry. Bago ko pa man malaman na ang kompanya mo ang target ni Alexander ay nakapirma na ako sa kontrata kaya hindi na ako nakaatras kaagad. Masyado akong na-focus sa mga kapalit ng trabahong binigay niya at—"
"Stop it, Tatiana. I don't want to hear that." He cut me off. Malamig pa rin ang boses niya.
Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako dahil sa frustration na nararamdaman ko.
"G-gusto ko lang magpaliwanag . . ." Halos bulong ko at tiningnan muli siya.
Hinintay ko siyang tumingin sa 'kin. Ramdam ko ang takot sa puso ko na baka lalo siyang magalit sa 'kin dahil sa kakulitan ko.
I can see he's still not ready to hear anything about what I did to him, pero nagpupumilit ako. Bakit nga ba?
Narinig ko ang pagpapakawala niya ng marahas na buntong-hininga bago tuluyan na akong tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Leaving Me Untamed
RomantiekTatiana Louis Alcantara is dearly called "Aphrodite" at the bar where she works. Innocent yet wild-looking, everyone says. She once believed in fairytale love story and longs for a kinder prince to love her. Until she met the beast of her beauty-the...