For you
I woke up the next morning feeling weak and not well. Pakiramdam ko ay sasabog ang tiyan ko at anumang-oras ay masusuka ako kahit wala pa akong kinakain kahit na ano.
Ramdam ko rin ang pagtibok ng ulo ko dahil sa sobrang sakit nito ngunit hindi ko na iyon pinahalata pa kay Jax dahil sigurado akong mag-aalala na naman siya.
Agad na pinuntahan ko sina Felice at Grey sa kuwarto nila nang sabihin ni Thea na nag-aaral lang daw ang mga ito roon.
Nadatnan ko sila roong nakaupo sa carpet sa lapag habang nagbabasa. Right after they saw me, they immediately put down their book and gave me a kiss.
"How are my babies?" I asked them and sat down on their bed.
Tipid silang ngumiti at ipinakita sa 'kin ang notebook nilang dalawa. Napangiti ako nang makita ko ang itinuturo niya roon.
"I got a perfect score yesterday, mommy," proud na proud na sinabi ni Felice.
"Me, too, mom!" Greyson cheered.
"You're both excellent. I'm so proud of you two. You're growing too fast, huh?" I told them as I hug both of them tightly.
"Yes, mom. We're ready to have a baby sister or brother na po," sambit nito kaya nangunot ang noo ko.
"Huh?"
"Greyson! Sabi ni daddy ay huwag mo raw sabihin kay mommy. Ang daldal mo talaga." Saway ni Felice sa kakambal niya kaya natawa ako.
Ano na naman kaya ang sinabi ng lalaking iyon sa mga anak namin.
"It's fine. We'll see about that."
I saw how their faces lit up when I said that. Ilang minuto pa akong nanatili roon kasama sila hanggang sa lumabas na ako upang hanapin si Jax.
Sa totoo lang ay hindi pa pumapasok sa isip ko ang magbuntis ulit lalo na sa mga nangyari. Noon ay takot na takot ako nang isilang ko silang dalawa.
The next month after I gave birth to them was so hard for me because it was all my first time. Punong-puno ng takot ang puso ko noon dahil hindi ko alam kung paano maging isang mabuting ina lalo na't dalawa kaagad sila at wala akong katuwang.
I become depressed that time until now. I couldn't control it. Bigla-bigla na lang akong aatakihin nito nang walang pasabi.
Bigla-bigla na lang akong manginginig at iiyak sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga anak kong pumapalahaw ng iyak dahil hindi ko alam kung ano ang gusto nilang dalawa.
I even think of taking my own life during those times kaya lahat ay nakabantay sa 'kin. Hindi ko alam noon kung magiging mabuti ba akong ina para sa kanila. Wala akong ideya kung mapapalaki ko ba sila nang maayos.
That was one of the heaviest and disturbing feelings I felt and no one is there for me to make me calm. To make me stop from crying my heart out.
Dahil iisang tao lang ang gusto kong magpatahan sa 'kin noon at wala siya nang mga panahon na iyon.
Nang iwan ko sila sa kuwarto nito ay naabutan ko naman sa sala si Jax. Tahimik ito habang may isinusulat. Nilapitan ko ito at umupo sa tabi niya.
Bigla kong naalala ang dad niya at ang kondisyon nito. Hindi na nito nabanggit sa akin iyon. I wonder why.
"Kumusta ang dad mo? Nakalabas na ba siya ng hospital?" Tanong ko sa kaniya at humilig sa balikat niya. Ramdam ko ang marahan niyang paghalik sa ulo ko.
"I don't know. Luke told me he was out a week ago." Tipid niyang sagot. Sinilip ko ang mukha niya at doon ko nakita ang seryoso niyang ekspresyon.
"Bakit hindi mo alam? Hindi pa ba kayo nag-uusap ulit?"
BINABASA MO ANG
Leaving Me Untamed
RomanceTatiana Louis Alcantara is dearly called "Aphrodite" at the bar where she works. Innocent yet wild-looking, everyone says. She once believed in fairytale love story and longs for a kinder prince to love her. Until she met the beast of her beauty-the...