Chapter 68

131 2 0
                                    

Leo Lazaro

I wouldn't have known the true feeling of pain if my life hadn't tried me before. I was only 16 years old when Papa laid his hands on me. I had no idea what he was doing to me until he finally took my dignity completely.

Na habang lumilipas ang panahon at tumatanda ako, nararamdaman ko pa rin ang mga nakakadiring haplos at hawak niya sa 'kin.

That with all the running and hiding I did just to stop those memories from chasing me, it didn't help me at all.

Pero hindi ko akalain na hanggang ngayon, sa pamamagitan ng ibang tao, ang pinakamasakit at pinakakinatatakutan kong pangyayari sa buhay ko ay naranasan din pala ng mga taong minsan ko nang minahal. Nor I still love them until now but the situation is too fucked up?

"Ayos ka lang, Ate? Buti ay maaga kang nakauwi. Nasaan ang sasakyan mo pala?" Puna ni Althea at naupo sa tapat ko.

Nanatili ang titig ko sa cookie na nasa mesa. Natira iyon sa mga gawa nina Felice at Greyson kanina at ang iba ay kinain na namin. Pakiramdam ko nga ay hindi ko pa iyon nalulunok hanggang ngayon dahil sa sobrang sakit ng lalamunan ko.

"Pagod lang. Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya at saglit na sinulyapan siya.

Pansin ko ang malalim na paninitig niya sa 'kin kaya binaling kong muli ang tingin ko sa kawalan. Pakiramdam ko ay lumulutang ako. I couldn't feel anything. I'm numb. And stupid. Wala akong maramdamang kahit na ano.

"Hindi pa ako inaantok, e. That man I saw from the other day, he's the father of Felice and Greyson, right? Palagi siyang pinapanood ng dalawang 'yon sa TV kapag wala ka."

Nakuha ni Althea ang buong atensyon ko dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko lang siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Saglit na uminom siya ng tubig at tumango. Nakikita ko sa kanya si Mama at Papa pero ako ay kahit katiting, walang resemblance kay Mama o sa matandang iyon.

"I knew it was him. Natatandaan ko ang pangalan niya dahil narinig ko na ang pangalan niya noon kay Papa. Hindi ko lang matandaang kung bakit at kailan," deklara niya kaya nangunot ang noo ko.

"What are you talking about now, Thea?"

Saglit na natigilan siya na tila nag-iisip. Maya-maya, her face lit up and looked at me again.

"I was half asleep that time. Narinig kong kausap niya si Pablo Montgomery tungkol sa nagngangalang Jackson. Akala ko noon ay ibang tao. Lately ko lang din nalaman na anak pala siya ng Pablo na iyon. And he's your ex-boyfriend." Kwento niya at nagkibit-balikat pa na parang wala lang iyon sa kanya.

Before I could even react, tumayo na siya at nagtungo sa kitchen area. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko.


Unknown Number

Did you get home safely? Why did you suddenly disappear?


Unknow Number

Are we okay, Tatiana?


Kinagat ko ang ibabang labi ko. Agad na nag-init ang sulok ng mga mata ko at anumang oras ay babagsak na ang mga luha ko.

Gusto ko siyang murahin. Gusto kong magalit sa kanya dahil hindi ko na siya maintindihan. Nang marinig ko ang lahat ng 'yon kanina ay umalis na lang ako bigla nang hindi nila napapansin dahil hindi ko na kinaya.

I couldn't even contain my thoughts. Na sa sobrang sakit ng mga narinig ko ay hindi iyon kinaya ng puso ko. Nasasakal ako. Sinasakal ako ng mga salitang iyon na hindi ko inakalang maririnig ko mula sa kanila, mula sa kanya.

At heto siya ngayon, ako pa ang kinukumusta. How could he even do that?!

Nanginginig ang mga kamay ko nang magtipa ako ng reply para sa kanya at mabilis na tumayo.


To Unknown Number

Stop asking the obvious


"Saan ka pupunta, Ate?" Dinig kong tanong ni Thea nang makasalubong ko siya.

"Saglit lang ako," sagot ko at tuluyan nang lumabas. Muling tumunog ang cellphone ko kaya agad na tiningnan ko iyon.


Unknow Number

I'm just worried. I'm sorry. I wanted to take you to your house pero bigla kang nawala. Nakauwi ka na ba?


Napamura ako. Ramdam ko ang pagpupuyos ng puso ko sa sobrang galit. Mariin kong dinial ang number niya na agad naman niyang sinagot.

"Hello? Tatiana?" Malumanay lang ang boses niyang 'yon at tila pagod kaya lalong bumigat ang puso ko.

"N-nasaan ka ba?" Halos bulong ko sa sarili ko. "Bakit sa 'kin ka pa nag-aaalala ngayon? Bakit ako pa ang kinukumusta mo ngayon? Ikaw ang hindi okay, Jackson!" Hiyaw ko sa kanya at halos sumabog na ang puso ko sa sobrang sakit.

I feel like my heart is being torn apart! Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga narinig ko kanina dahil hindi iyon matanggap ng isip ko! Ang sakit-sakit! Na sa sobrang sakit ay hindi na ako makaramdam pa.

Jackson is a rape victim, too, at sariling uncle niya pa ang gumawa sa kanya ng kahayupan na iyon. That was the main reason why he was diagnosed with split personality disorder.

Narinig ko ang mabigat na paghinga niya sa kabilang linya. Halos mapaupo na ako sa pav doon habang naririnig ko ang paghihirap niya.

Mas lalo akong kinakain ng konsensya at pakiramdam ko ay hindi ko na iyon kakayanin pa.

"I'm fine, Tatiana. Stop worrying about me. Huwag mo na lang pansinin ang mga—"

"I-is it true then?" Mariin kong putol sa sasabihin niya.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang kabilang linya at tanging mabibigat na paghinga niya lang ang naririnig ko.

Maya-maya, narinig ko ang pagkalansing ng kung ano. "Where are you now? Are you outside? I can hear the wind."

Napapikit ako nang mariin. "Yes, Jackson. Now, answer my damn question! Totoo ba? Your Uncle Leo raped you?"

"Stay there. I'm coming to get you. Let's talk in person." Tila nagmamadali niyang sinabi at agad na pinatay ang tawag kaya tuluyan na akong napamura.

Matitipa pa sana ako ng text para sa kanya nang biglang bumungad sakin ang tawag mula kay Warred. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko iyon ngunit sa huli ay ginawa ko na rin.

"Red . . ."

"Tatiana. I'm sorry to call you at this hour. This is about Jackson's case. That case was staged and was done by Leo Lazaro, their step-uncle. Maurice already released a statement about it ngunit pinipigil ni Leo Lazaro. Do you know something about him? Kilala mo ba?"

Umawang ang bibig ko nang marinig ko iyon. "Step-uncle?"

"He's the illegitimate child of Amadeus Montgomery, Pablo Montgomery's step-brother. Marami na pala siyang kaso sa ibang bansa at dito siya nagtatago sa Pilipinas hanggang ngayon. I'm not sure pero narinig kong may hinahabol raw ito sa mga Montgomery hanggang ngayon. I think you should ask Jackson about it nang sa gano'n ay makatulong sa kaso niya." Paliwanag ni Warred.

Sa sobrang dami niyang sinabi ay hindi ko na nagawang sumagot pa. Tumagal nang ilang minuto ang pag-uusap naming 'yon hanggang sa inend na niya ang tawag.

Saglit pa akong natulala roon habang pilit iniintindi ang mga sinabi niya hanggang sa may biglang humintong sasakyan sa harapan ko.

Mabilis na bumaba si Jackson mula roon at dire-diretsong naglakad palapit sa 'kin. I blinked twice when he immediately grabbed me by my wrist at naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Ngunit saglit lang iyon dahil bigla na lang natumba si Jackson habang hawak ang kaniyang ulo.

"Sabi na't dito kita mahahanap, e." Leo Lazaro uttered habang nasa kaliwang kamay niya ang isang basag na bote na pinalo niya sa ulo ni Jackson.

Leaving Me UntamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon