Chapter 44
Fancy meeting you here
"Ano raw? Seryoso ba 'to?" Gulat na gulat na sambit ni Lorry habang pinapasadahan ng tingin ang contract agreement na binigay sa akin ni Sir Alexander.
Mabuti na lang ay lunch break na at lahat kami ay nasa pantry na. Pinalibutan kaagad nila ako habang sabay-sabay na binabasa ang mga nakasaad sa papel na iyon. Good thing at wala si Gael dahil paniguradong mas OA pa ang magiging reaksyon niya kaysa kay Lorry at Serena kapag nagkataon.
Dumako ang tingin ko kay Warred na tahimik lang habang kumakain. Panaka-naka ang sulyap niya sa papel at sa akin kaya alam kong may nais siyang sabihin.
"Knowing Sir Alexander, hindi iyon basta-basta nagbibitaw ng salita lalo na't tungkol sa pera at kayamanan niya. Pero para saan 'to, Tatiana? Hindi ba sinabi sa 'yo kung anong klaseng trabaho ang gusto niyang gawin mo?" Serena asked, full of confusion.
"Be his eyes? Baka spy ang ibig niyang sabihin, and tell you what, isa lang naman ang ibig sabihin ng spy, it's either you will collect information against the enemy or more than that. Puwede ring 'yong pumapatay ka—"
"Riggs, ano ba! You're not helping!" Agad na putol ni Lorry sa sasabihin ni Riggs. Mukha namang seryoso siya sa sinasabi niya.
"O bakit? Iyon ang trabaho ng mga spy. Undercover agent, secret agent, at foreign agent, o kung ano pang tawag sa kanila. There's always violence on their job. Hindi ba, Red?" Aniya at bumaling kay Warred na ngayon ay nakasandal na at nakatingin sa amin. Kunot na kunot ang noo.
Bigla siyang tumingin sa akin nang mataman. "He wants you to do that kind of work? Cloak and dagger activities? He wants to put blood in your hands?"
Namilog ang mga mata ko at agad na umiling.
"Of course not, Red. I'm sure it's not like that," natatawa kong sagot sa kaniya at uminom kaagad ng tubig dahil pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko.
"Then, did he tell you the other details of this work? Bakit daw kailangan mong umalis ng kompanya?" Tanong niya pa kaya muli akong tumawa para mapagaan ang atmospera.
"He was just joking about the fire thingy. Noong tinanong ko kung anong klase ng trabaho ito, ang sabi niya lang ay kailangan lang niya ng mga impormasyon sa nasabing kompanya. That cloak and dagger activities are not included, of course," sagot ko at tinapos na ang pag kain ko.
"Well, that's understandable naman at ang kapalit ay sobra pa sa sobra. Imagine, sobrang laki ng 50 million dollars, may house and lot, negosyo, at isa sa mga properties ni boss. Girl Tatiana, kahit hindi ka na mag trabaho nang ilang dekada," Serena commented.
Iyon din ang naisip ko nang makalabas ako mula sa opisina ni Sir Alexander. Iniisip ko pa lang na mapapasa akin ang mga bagay na 'yon ay lumalaki na ang ulo ko dahil sa lula. Hindi ko kayang paniwalaan na puwede akong magkaroon ng ganitong oportunidad na dati ay pinapangarap ko lang. Pero hindi ko pa rin maiwasan na mag isip ng masama tungkol sa trabahong gusto niyang gawin ko. At saang kompanya? Paano?
"But the real question is, bakit ikaw ang napili niya? At saang kompanya?" Tanong ni Lorry.
Doon kami natahimik lahat. Wala ni isang posibleng kompanya ang pumasok sa isip ko dahil wala naman akong alam sa mga competitors ng Salcedo Group, pero sa pagkakaalam ko ay marami itong kalaban na malalaking pangalan at negosyo dahil na rin sa impluwensya ng pamilya nila sa buong mundo.
"Do you know who's the biggest competitor of Salcedo Group?" Untag sa akin ni Warred kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya.
Nagkibit-balikat ako at umiling. Si Serena at Lorry ay kumakain habang nakikinig at si Riggs naman ay nakatungo lang sa lamesa, may tinitingnan sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Leaving Me Untamed
RomanceTatiana Louis Alcantara is dearly called "Aphrodite" at the bar where she works. Innocent yet wild-looking, everyone says. She once believed in fairytale love story and longs for a kinder prince to love her. Until she met the beast of her beauty-the...